Chapter 3

56 2 4
                                    

Jessica's POV:

Napa himbing ata tulog ko ah.

Teka. Ano tong sinsandalan ko?

Inangat ko dahan dahan yung ulo ko at nagulat ako ng makita ko yung mukha ng anghel na natutulog malapit sa mukha ko.

Hala? kukunin na ba ako ni Lord?

Medyo natauhan na ako at nagulat kaya naman napalayo ako sa kanya. Dahil sa ginawa ko. Nagising ko siya. Haaaaaaaaaay. Ang gwapo pa din kahit tulog pati kahit kagigising pa lang ang HOT.

PERO TEKA. NAKA TULOG AKO. NAKA TULOG AKO SA BALIKAT NIYA. NAKU. SUPER BAD IMPRESSION NA SIGURO ANG MERON AKO SA KANYA. KAHIHIYAN!

 Una, Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ngayon naman, nakatulog ako sa kanya. 

Haaaay naku. Wala ng pag asa. MAJOR TURN OFF na toh.

"Hala. I'm very sorry." I said, apologizing to him.

"Tsk. Basa nga yung balikat ko sayo. Tumulo eh" Sabi niya ng seryoso.

NANLAKI YUNG MATA KO. Ito na nga sinasabi ko eh. Ayaw kasi minsan sumarado ng bibig ko pag matutulog na ako. Kaya ayan, baka may tumulong laway. Yuck. Ako na ang nandidiri.

Tumingin ako sa kanya para mag apologize pero nakita ko na siyang tumatawa.

"Sorry naman. Minsan minsan lang naman yun. Hindi naman palagi." nangatwiran pa ako.

Lalo pang lumakas yung tawa niya. Kainis toh ah. Pero ang cute cute tumawa. Nakaka in love. :)

"Bakit ba?" napakunot yung noo ko.

"Joke lang naman yun. Hindi naman tumulo yang dapat tumulo sa bibig mo. Besides, ang tahimik mo kaya matulog. Hindi ko maimagine kung ganun ka talaga matulog." sabi niya habang tumatawa.

LOKO PALA TOH AH. Pigilan niyo ako at baka maupakan ko tong mokong na toh.

Kinabahan ako. Akala ko talaga... Haaaaaaaaay. Never mind.

" By the way, I'm Frank" Nagpakilala siya pagkatapos niya akong pagtawanan? ayos toh ah.

"Jessica" sabi ko ng mahina. Bahala siyang intindihin kung ano yung binulong ko.

"Nice to meet you, Jessica" Naintindihan niya yun?

Nag nod na lang ako. Ewan ko ba pero parang napa smile na lang ako.

Kasi naman tong lalaking toh. Bakit pa kelangan maging sobrang gwapo?

"Taga Bataan ka or magbabakasyon?" Na curious lang naman ako.

Natawa siya ng onti. ANO BANG MERON AT TAWA TOH NG TAWA SA MGA SINASABI KO?

"Patakas na bakasyon" Sabi niyang, nakangiti.

AHAAAAAAAAA! Kaya naman pala.

"Tsk. tsk. Buti hindi nagalit parents mo. Lagot ka dun!" Sabi ko ng may pagbabanta.

Natawa na naman. Isa pa at mababatukan ko na toh. ISA PANG TAWA!

"Alam na nila. Kakatawag lang. Yung kaninang tumawag. Medyo nag alala pero okay lang yun. Alam naman nilang kaya ko na yung sarili ko. Atsaka pala gala talaga ako"

"Ah. Sila pala yung tumawag sayo kanina" Nagkunwari akong inosente although alam ko na nanay niya yung tumawag kanina. Narinig ko kaya siya.

Frank's POV:

Sa sobrang pagod ko, nakatulog din ako.

Mga ilang minuto ang lumipas at bigla akong nagising nang bigla siyang bumangon.

Don't talk to strangers (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon