Kazzlyn POV
"Locavore, BGC." Basa ko sa text sakin na'ng friend ko.
Isinearch ko yung location niya, Forbes Town Center, Burgos Cir, Taguig, Metro Manila. Ayon medyo malapit siya sa Mansion. We live in Forbes Park Village where wealthiest families live, even artista nakatira duon. Kaya sawa ako sa muka ng mga artista na yan.
Nag taxi ako at sinabi ko lang kay manong ang location, wala namang isang oras ang byahe kaya medyo mabilis ako'ng nakarating don. Na'ng tinignan ko ang oras sa cellphone ko, ay cellphone pala ni Zyon, wala ako'ng cellphone dahil nasira, cellphone niya ito pinag lumaan kaya maganda. Iphone 13 pro max, diba sosyal ang katulong. Gusto nga niya ako'ng ibili ng bago kaso sabi ko wag na. 7:30 pm na.
Mabilis ako'ng nag type sa cellphone para itext si Aileen, high school friend ko siya. Isesend ko pa lang sana ang text ko ng may biglang mag takip na'ng mata ko na ikinagulat ko naman. "Hulaan mo kung sino." Boses babae siya. Hindi ko mabosesan.
Hindi ako kumibo kaya dahan dahan niya'ng tinanggal ang mga palad niya sa mata ko tapos bahagya ako tinulak, pag tingin ko sa kanya nakacross ang kanyang kamay sa dibdib at sa iba nakatingin haba'ng masama at itsura. Nako si Aileen pala.
Ibinulsa ko ang cellphone sa likod ng highways na pantalon ko. "Aileen!" Masaya ko'ng bati akmang yayakapin ko na siya pero bigla ito'ng umiwas haba'ng hindi pa tinatanggal ang pagka cross na'ng arms niya sa kanyang dibdib.
"Aileen Aileen ka dyan." Pairap nato'ng sabi tapos ipinamewang ang kanyang kamay. "Hindi mo nga ako nakilala." Dagdag pa nito.
Napakamot ako sa ulo ko. "Pasensya kana, Aileen. Tagal na kase nating hindi nag kikita hindi kona nakilala ang boses mo." Sabi ko sa kanya.
"Ano pa nga bang magagawa ko." Aniya at nagulat na lang ako ng lumundag ito na'ng yakap sakin.
"So, sino pa ang andito?" Tanong ko. "Tayo lang namang mag totropa diba?"
"Hindi, Kazz. Nag left ka kase sa gc na ginawa, eh. High school reunion to." Sabi niya.
Anong gc? Anong high school reunion? Sabi ko sa isip ko.
"Hindi ko alam yung about sa gc." Sabi ko sa kanya.
"Anong hindi alam, nakaseen ka pa nga. Ilang araw kana nakaseen teh. Nag left ka lang nung bigla ka'ng ininis about kay Luke kung may gusto ka pa nga raw kay Luke ganon. Tapos sinabi namin na may reunion pupunta si Luke kaya pumunta ka. Tapos bigla kana lang nag left, binlock mo pa nga raw si Luke." Pag lalahad ni Aileen.
"Si Zyon." Wala sa sariling sabi ko.
"Sinong Zyon? Boyfriend mo?"
"Ah, a-ano wala." Sabi ko. "So, kung high school reunion, edi andito sila?" Tanong ko
"Yes? I guess. Sila nga ata ang nag plano na'to, wala tayong ginastos diba. Tyka sila lang naman ang mapera satin."
"Hindi na ako tutuloy." Yan agad ang lumabas sa bibig ko na salita.
"Bakit naman? Kahit sumilip ka lang, It's been five years. You need to move forward, Kazz." Sabi ni Aileen. I know it's been five years. But I can't, I don't know, why.
"Kahit na, uuwi na lang ako!" Aniya ko.
"Sure ka ba dyan?" Tanong naman ni Aileen.
Tumango ako. "Oo."
"Sige ingat ka, ha! Kita na lang tayo minsan." Nakangiti niya'ng sabi sakin.
Ngumiti ako at tumango. "Sige, chat chat na lang or kaya text." Sabi ko.
"Sige, ingat ka. Bye bye." Sabi niya.
Nakailang hakbang pa lang ako may bigla ng nag salita. "O, andito ka lang pala, Aileen. We thought you weren't coming." Yung boses na yon. Si Lily.
YOU ARE READING
Barlowe Series 1: Zyon Barlowe 'No Escape'
Roman d'amour"Diba sabi ko sayo wag na wag mong uutusan si Kazzlyn. You have no rights." Sigaw ni Zyon. "At bakit hindi? Katulong siya dito, dapat lang na utusan yan. Ano gusto mo? Gawing reyna yan dito? Diba yan ang gusto mo? Gusto mo ikaw lang ang mag uutos. É...