Part 1

55 4 3
                                    

Host: Ang pag ibig na nagsimula sa chat at nauwi sa salamat sa lahat. Magandang tanghali madlang people ngayon matutunghayan natin ang kwento ng pag-ibig na dating kay tamis na nauwi sa hiwalayan at pagka miss ito ang Expecially for you. 

Narrator's POV

Matapos sabihin ng host yun ay nagbukas ang pintuan ng stage, pumunta na si Imee at Manuel sa gitna ng stage at umupo. 

Imee's POV

Host: Hi Imee 

Imee: Hello po meme ate Anne, kuya Vhong. 

Anne: Hala naiiyak siya. ( Anne habang niyayakap si Imee) 

Meme: Imee bakit ka umiiyak pagpasok pa lang? 

Imee: Nag flashback lang po kasi yung mga memories. (Imee habang pinupunasan yung luha niya) 

Inabutan naman siya ng tissue ni Vhong. 

Vhong: Ngayon lang ba kayo nagkita ulit? 

Imee: Actually po ngayon lang po kami nagkita talaga. 

Vice: Ha? Ngayon lang kayo nagkita? 

Manuel: Opo first time po namin magkita in person. 

Anne: So paano yung relationship niyo? 

Imee: On line lang po talaga. 

Meme: So paano yon thru chat lang talaga kayo? Never kayo nagkita? 

Imee: Never po. 

Manuel: Chat chat lang po talaga phone calls po ganon. 

Anne: Video calls? 

Manuel: No po hindi po kami nag video calls. 

Vhong: So paano yon hindi niyo alam ang mukha ng isa't-isa?

Manuel: Siya po hindi ko po alam ang mukha niya pero siya po alam ang mukha ko. 

Meme: Ha? Hindi ko ma gets. 

Imee: Kasi po yung account ko na ginagamit is dummy account po. 

Vhong: Ahhhh pero Manuel paano yun niligawan mo yung dummy account niya ganon? 

Manuel: Hindi po kasi po ganto po yun nag install po ako ng anonymous chat application kasi bored po ako tapos nagka match kami ayon po nagka chat po kami and then sabi niya gusto niya raw magka jowa pero anonymous e wala rin naman po akong magawa kaya ayon pumatol na rin po ako. 

Vhong: Walang ligaw na naganap ganon lang? 

Imee: Opo, ganon lang po. 

Meme: Wala ba nanliligaw sayo in person? Huy ang pretty ni Imee ha kung lalaki ako liligawan ko 'to. 

Imee: Wala po meme tapos dahil sa sobrang bored ko po non and parang sobrang stress ko pag rereview ayon parang ginusto ko po na magkaroon ng kausap ganon. 

Vhong: Hindi ako naniniwalang walang nanliligaw sayo Imee sobrang ganda mo. 

Anne: Kaya nga ang sosyal ng beauty niya no parang prinsesa. 

Meme: True. Pero ilang months tinagal ng relasyon niyo? 

Manuel: 7 months

Imee: 8 months 

Meme: Teka teka so ilan talaga? 

Imee: 8 months yun. 

Manuel: 7 months lang yung totoo. 

Vhong: Anong 7 months lang yung totoo. 

Manuel: 7 months po kasi yung totoong nagkaroon na kami ng feelings sa isa't-isa. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Expecially for youWhere stories live. Discover now