Simula
Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy...
I always wonder how true this saying is. Para kasing ang hirap paniwalaan dahil bakit may mga magkarelasyon na sa kabila ng maraming pinagdaanan ay hindi sa simbahan ang nagiging tuloy?
I sighed.
"Huy," binaling ko ang aking pansin sa taong tumawag sakin at tinginan siya ng may nagtatanong na mga mata. "Okay ka lang?" tanong niya.
I smiled.
"Oo naman. May iniisip lang." I answered. Kumunot ang kaniyang noo at tila naging kuryoso sa kung ano ang aking iniisip.
"Care to share?" she asked. Ngumiti ako sakaniya.
"Familiar ka ba sa sabi sabing "Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy"? "
"Hmm? Oo naman," Mas kumunot ang kaniyang noo. "What about that?"
"Nothing. Naisip ko lang, gaano kaya katotoo ang sabi sabi na 'yon? Para kasing hindi naman kapanipaniwala"
"How'd you say so?" she asked.
"Syempre kasi kung totoo 'yun then bakit may mga couple na sa kabila ng mga hirap na kanilang pinagdaanan ay hindi pa rin sa simbahan ang kanilang tuloy?" I asked. Tila napaisip naman siya.
"Hmm siguro dahil pinagtagpo lang sila para magbigay aral sa isa't isa? Or baka naman kaya hinayaan ng tadhana na hindi sila umabot doon ay dahil nakalaan sila para sa iba?"
"You think so?" she just shrugged and continued what she's doing.
Narito kami ngayon sa cake shop kung saan kami nagtatrabaho. Walang masyadong costumer kaya saglit na nakapagkwentuhan.
Maya maya pa'y may biglang pumasok sa isip ko kaya't muli akong bumaling kay Tria.
"Do you think he'll comeback?" I suddenly asked with a hint of sadness.
Napahinto naman siya sa ginagawang paglilinis ng lamesang pinagpwestuhan ng Isang customer kanina at bumaling sa akin. Her eyes are gentle.
"What do you mean?" she asked. "Are you losing hope, Nayi?"
I sighed. I leaned on the wall and stared at the freedom wall where I can see photographs and sticky notes that was put there by our costumers. Ang isip ay napupunta nanaman sakanya.
"Hindi ko na rin alam, Thria. It's been almost 5 years yet wala pa ring balita tungkol sakaniya." I said. "Pero kahit naman ganoon, alam ko sa sarili kong hindi ako titigil sa paghihintay hanggang sa bumalik siya sakin, samin."
She looked at me with pity. I just smiled at her sadly.
"Nayi..."
"I missed him so much. We missed him so much."
She stop from cleaning the table and hug me. "I believe he will comeback, Nayi. Na babalik siya sainyo dahil kayo ang tahanan niya. Don't lose hope, girl. Everything will be fine." She said, consoling me.
I hugged her back and muttered my thanks to her. Saglit pa kaming nag-usap bago nagpatuloy muli sa pagtatrabaho ng dumami ang mga dumarating na costumer.
Naging abala kami buong araw sa trabaho at hindi ko namalayan ang oras. Nang dumako ang aking tingin sa labas ay madilim na. Agad akong tumingin sa relo na nasa aking palapulsuhan at napagtanto na oras na ng aking out.
Lumapit ako kay Thria na katatapos lang kunin ang order ng costumer mula sa table 9. "Out na ako, 'Te" sambit ko.
She nodded. "Commute ka?" then she asked.