"Tara na?"
Um-oo ako kay Sai. Ngayon ang araw ng exam namin sa UP. Graduating senior high school students, a common scene.
Binitbit ko ang small bag ko na naglalaman lang ng aking cellphone, wallet, ballpen, small notebook na may notes at mga pangretouch. Huminga ako nang malalim sa kaba.
Ito na 'yun. Makaaalis na ako rito. Halos kalahating taon na lang din pala.
Kalahating taon na lang hindi na kita ulit makikita pa.
"Kain tayo after. Kahit libutin na lang natin Diliman. Ayoko umuwi agad." Sambit ni Sai habang naglalakad kami.
"Sus. Sabihin mo, ayaw mo lang makita si Matt. 'Di pa ba 'yun sumusuko?"
"Ewan ko tangina, girl. Wala akong paki talaga." Tumawa ako rito.
Halos isang oras ang binyahe namin para makarating sa test center. Kinakabahan akong humawak sa kamay ni Sai tsaka pumikit nang mariin.
"Gago. Kaya natin 'to." Tumango siya sa 'kin saka biglang tumalon na siyang kinagulat ko.
"UP! MAGHANDA KA! NANDITO NA KAMI!" Nahihiya naman akong tumawa, "Tarantado ka! Baka hindi tayo pumasa riyan sa ginagawa mo!"
Hindi ko na alam ang nangyari sa mga sumunod pang oras. Basta, tapos na. Aalalahanin ko na lang ang ibang bagay.. na exams din. Gusto ko na lang tapusin 'to. Can we just skip doon sa part na college na ako?
Naglalakad na kami ngayon sa Sunken Garden. Balak naming bumili ng corndog kasi parehas na kaming gutom na sa rami ng in-exam namin.
"Nga pala, musta 'yung apartment na minamatahan mo? Nakuha mo na?"
Tumango ako. "Mhm. Madali naming nakausap ni Papa 'yung landlady, tapos may ilang furnitures na rin. Malapit pa rito, jeep lang sasakyan ko kung tinatamad ako maglakad. Pupuntahan ko nga mamaya, eh."
"Sure ka 'di mo na need ng kasama, ah?" Tumango ako.
"Oo, baka magjoyride na lang ako pauwi. Para hindi na rin hassle bumalik pa ng Caloocan."
Time went by quickly after we ate. Ganoon naman talaga, ang bilis lagi ng oras kapag kasama mo ang mga kaibigan mo.
"Una na ako, ah? Ingat ka, Kin."
I nodded then waved at her. Hinintay ko munang makaalis nang tuluyan ang sinakyan niyang jeep bago ako maglakad papalayo.
After I checked the apartment and found out that it was all good na, I decided to went home na rin.
Noong binuksan ko naman ang joyride, wala akong mabook. Ayoko naman nang mamasahe pa dahil ang layo pa ng uuwian ko, pero mas maiksi ang pasensya ko kaya walang gana na lang akong sumakay ng jeep para magcommute na lang pauwi.
Pagdating ko ng SM North, muntik na akong maluha nang makitang walang bus.
"Parusa ba 'to?" bulong ko sa sarili ko. Ayoko namang sumakay ng SUV dahil maglalakad pa ako pauwi.
Habang pilit kong sinusubukang huwag magbreakdown sa gitna ng terminal, biglang lumakas ang hangin sabay napatakan ng basa ng pisngi ko. Hindi sa luha, kundi sa ambon.
"Tangina talaga," pagmumura ko.
Wala akong dalang payong, wala akong masakyan. Ang traffic. Pagod na ako. Wow.
Bago pa man ako maiyak sa kinatatayuan ko, may pamilyar akong mukha na nakasalubong ng tingin.
"Gago, Kin. Hi." Napaayos ako ng tayo.
Nandito lang naman ang tropa ko (let's not mention the fact that I was in love and not completely over with him) together with his girlfriend-who I only saw in his stories in social media.
YOU ARE READING
Remembering Youth (Sojourners' Memories Series #1)
RomanceLoving has always been so easy for Arkin. She finds love in the little things that matter and the big things that may. That's why, when her close friend Raico suddenly showed her motives that displayed romantic attraction, she was confused about how...