Chapter 1: The Challenge

14 0 0
                                    

Eunice's POV.

4th year - Rizal

36 students

South Building

Room 1

Adviser: Mrs. Teresa Estrella

"Eunice, five minutes."

"Ravi, alam ko, teka lang."

Mas nataranta ako sa pagchecheck ng listahan sa sinabi ng lalaking kasama ko sa classroom. First day pa lang ng school pero sobra na agad ang pagod ko.

"...Santos, Tiongco, Umali, Villanueva, Zamora! I'm done!" sigaw ko habang pagod na ngumiti sa kasama kong nakatitig sakin.

"Bakit? Tapos ko na bilangin yung masterlist. 36 tayo, sakto." saad ko at inabot sa kaniya ang listahan.

Agad niya naman kinuha yon at ikinabit sa black niyang clipboard bago inilagay sa kaniyang bag.

"I know. Pina-double check ko lang sa'yo para sure tayong nakalista tayong lahat doon." aniya pa habang inaayos ang gamit.

Napabuntong hininga na lang sa ako pagod. Paano ay kanina pa kaming ala-siete ng umaga dito sa school kahit ang pasok namin ay alas-nueve pa. Napakamot ako sa ulo.

"Kumain ka na ba?"

Napalingon ako kay Ravi sa sinabi niya. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Seryoso ka ba? Ngayon mo lang ako tinanong niyan? 8:30 na oh! Sana kanina pa!" nasapo ko ang ulo ko. "Tara, kain tayo gutom na ako." aya ko at mabilis na kinuha ang wallet ko sa bag at lumabas ng classroom.

Ganoon din ang ginawa niya at sumunod sa'kin palabas. Paglabas namin ng classroom ay bumungad sa'min ang school grounds na unti-unting napupuno ng mga estudyante. Kaliwa't kanan ang mga grupo ng estudyante na marahil ay magkakaibigan. May ilan na nagtatatalon sa tuwa dahil sa wakas ay makakasama na muli nila ang mga kaibigan. May ilan na kita ang excitement sa kanilang mukha dahil panibagong school year na naman, panibagong experience at memories. Meron naman na wala lang, ordinaryong araw lang sa buhay nila ang araw na to. Baka ay tinatamad pang pumasok.

Tiningnan ko ang kasama kong naglalakad at parang kasama siya sa huling kategorya na binanggit ko.

Nakarating kami ng canteen na nakapagtatakang iilan lang ang estudyanteng bumibili at kumakain. Mula sa entrance ng canteen ay sasalubong sayo ang linya ng mga lamesa't upuan kung saan may iilang nakain. Nasa dulong bahagi naman ng canteen ang mga tindahan ng pagkain at inumin.

"Doon na lang tayo umupo, Ravi." turo ko sa kasama sa table na pang apatan malapit sa isang electric fan.

Napatingin din siya sa tinuturo ko pero napatigil din sa paglakad kaya naman ay napatigil din ako.

"Ako na lang ang oorder, umupo ka na doon." aniya habang binubuklat ang dala niyang wallet.

"Ha? Eh hindi ko pa alam kung anong bibilhin ko." apila ko nang akma na siyang aalis at pipila para bumili ng pagkain.

"Sige."

Sa huli ay sabay kami pumila at pumili ng bibilhin.

Natingin ako sa mga estante ng tinapay at inumin. Napangiwi ako sa mga matatamis na tinapay na nakita.

Ang aga pa para kumain ng matamis, pero tingin ko ay kailangan ko na rin noon para magkaroon naman ako ng energy na nawala dahil sa tinrabaho namin.

"Anong bibilhin mo?" tanong ni Ravi nang makapili na siya ng bibilhin niya.

Tiningnan ko ang hawak niya at kumuha siya ng dalawang ensaymada. Nagtaka ako nang wala akong makita inumin.

"Kape?" tanong ko dahil malimit ko siyang nakikitang magkape sa canteen tuwing umaga last school year.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Article XXVIIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon