Childhood love

21 0 0
                                    

THIS STORY IS BASED ON TRUE STORY!

Bago ko po ipost ang story na to dito sa Love Story (tagalog) humingi po muna ako ng paalam para ipost sa naka expirience na to na aking kaibigan.

A story, written by. Johndy F. Miranda (mirandajohndy@yahoo.com)

"CHILDHOOD LOVE"

(a short story)

Sa pag-ibig walang pinipiling edad......

Hindi natin alam kung kaylan tayo tatamaan nito.

Pero pag si Love? tumama sayo?

LAHAT HAHAMAKIN MO MASUNOD LAMANG ITO....

Ako si Icah, not my real name, nag-aaral sa isang sikat na paaralan dito sa Nueva Ecija.

Sa bata kong edad naranasan ko ng umibig.

Twelve year's old ako ng tinamaan ako ni love. First year high school ako noon.

Ravien ang pangalan ng taong nagpatibok ng aking puso.

Mabait sya.

Magalang.

Mapagmahal.

gwapo kaya nga madaming babaeng nakapila sa kanya.

Pero sa lahat ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Ako ang pinili nya

sinuyo nya ako...

Naaalala ko tuloy yung time na nanliligaw pa lang sya sa akin.

Nagtatago pa sya sa gate namin ka pag hinihintay nya ako.

Ayaw kasi ni mommy na magka boyfriend na ako. Dahil bata pa daw ako.

Sariwang sariwa pa rin sa akin ang time na.

Tinutukso kayo ng mga classmate mo...

Kapag recess hinihintay kanya..

Sabay kayong pupunta sa canteen....

At noong December 19 2010 naging kami.

Masaya kaming dalawa..

Sa bawat oras, na lumipas, sa bawat araw na nagdaan. Walang humpay ang ligaya.

Natuklasan ko sa isang relasyon pala hindi lang puro saya.

Hindi ko pa noon. Alam ang meaning ng LQ. Dahil bata pa ako.

Pero may nagsabi sa akin na.

"Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang di pagkakaunawaan kaylangan mong lumaban para tumagal"

nang narinig ko ang payo na yan. Mula sa aking pinsan, ay naliwanagan ang mura kong isip.

Nag promise ako sa sarili ko, iiwasan ko talaga ang di pagkakaunawaan..

Dumating ang mga araw...

Kapag may misunderstanding kami.

Ako gumagawa ng paraan...

Para masave lang ang relationship namin.

Umabot sa

first

second

third monthsary

pero ang dating inakala kong. Ligayang walang katapusan.

eh hindi na mayayari.

Nagkakamali pala ako.

Feeling ko nag-iba na siya...

Para bang nanlamig sya...

Ewan ko kung bakit. Pero mahal ko sya eh.

Ipaglalaban ko sya...

One day, Nagulat ako dahil nagkita kami ng kaybigan ko.

Sa ibang school kasi sya nag-aral.

Biglaan ang pagkikita namin.

natuwa ako noon dahil nageffort syang puntahan ako sa school.

Ang saya-saya ko dahil nakita ko ang bestfriend ko.

Tinuring ko na rin syang kapatid.

Kapag may problema sya sinasabi nya sa akin. Ganun din ako.

Pero nagulat ako nung may sinabi sya sa akin.

"pwede bang palayain mo na sya?"

hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya sa akin.

Pero nung pinagpapatuloy nya.

Naunawaan ko na.

"Si Ravien kami na bago pa naging kayo"

para akong binagsakan ng mundo.

Feeling ko katapusan ko na...

Tumakbo ako.

Dahil ayokong umiyak sa harap nya.

Halos di ko na makita ang aking dinadaanan.

Dahil sa aking luhang ayaw tumigil sa pagpatak.

Ansakit. Ansakit! Bakit ganun.?

Lumaban naman ako! Bakit nangyari to.

Sa pagtakbo ko....

Nakarating ako sa aming bahay...

May luhang pumapatak sa aking mga mata.

Nakita ko si mommy

sa tapat ng aming pintuan.

Tumakbo ako sa kanya sabay akap.

Sa tingin ko kasi kaylangan ko nang kaaalalay.

"bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni mommy.

Nagsinungaling ako sa kanya sabi ko nadapa ako.

SANA nga nadapa nalang ako. Dahil mas masakit pala ang sugat sa puso keysa sugat sa tuhod.

Bakit nila ako niloko?

Anu bang nagawa kong mali sa kanila.

Dapat pala nakinig nalang ako kay mommy. Hindi sana ako luluha ng ganito.

Hindi naman ako nanghihinayang sa aming relasyon,

NANGHIHINAYANG LANG AKO SA MGA ORAS NA NASAYANG nasa maling tao ko nailaan.

Kaya kung tatanungin nyo ako ngayon. Kung ano ang pag ibig?

Simple lang.

"ang pag-ibig ay parang timba kapag puno na ng tubig mahirap ng buhatin"

"kaya ngayon natuto akong magtira ng pagmamahal sa sarili ko"

sa isang love story pala. Hindi laging happy ending ang wakas.

Drew talks to me

I laugh 'cause it's just so funny

I can't even see

Anyone when he's with me

He says he's so in love

He's finally got it right

I wonder if he knows

He's all I think about at night

He's the reason for the teardrops on

my guitar

The only thing that

keeps me wishing

on a wishing star

He's the song in the car I keep singing

Don't know why I do

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Childhood loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon