Kubo

20.6K 31 0
                                    


"Hayy! Sa wakas natapos rin tayo sa film natin!" masayang sabi ng leader namin.

Kasalukuyan kaming nandito sa bukid dahil dito kami nag shooting para sa project namin.

"Magaling kasing umacting si Nelissa kaya naman natapos agad tayo." sabi ng kagrupo ko, si Bruce.

Hindi ko tuloy mapigilang pamulahan dahil sa papuri nito.  Si Bruce ang naging katambal ko. Kami kasi ang gumanap na magsyota sa film namin. At sa totoo lang matagal na kong may gusto sa kanya kahit na kilala siya sa buong paaralan namin na playboy.

Mabait siya, matalino rin ang kaso lang marami itong babae. Gwapo naman kasi. Bagong transfer man ito ay sikat na sikat na sa kababaihan at kabilang na 'ko doon.

"Kinikilig na ang kiffy ni Nelissa."

Kinurot ko ang braso ng nagsalita non at pinandilatan. "Bibig mo."

"Sus. Nahiya pang aminin." tumikhim ang aming leader. "🎶Aminin mo na ang nadarama ng puso mo🎶"

Biglang kumulog kaya nagtakbuhan kami papunta sa kubo.

"Bakit ka kasi kumanta? Yan tuloy." paninisi ng kagrupo ko sa leader namin habang tumatakbo.

"Kasalanan ko pa?" umirap ang leader namin.

Pagkarating namin sa kubo ay agad kaming nagsiupo at kinuha ang mga gamit.

"Mukhang malapit ng umulan. Umuwi na tayo." sabi ng leader namin na agad naman naming sinangayunan.

"Ay teka.." kinapa kapa ko ang bulsa ko. Hinahanap yung cellphone at wallet.

"Naiwan ko yata yung cellphone at wallet ko sa may puno kanina."

Kanina kasing nagshoot ay ipinatong ko muna iyon sa ugat ng acasia.

"Tara na, balikan na natin." alok ng kagrupo ko.

"Mauna na kayong umuwi." sabi ko dahil malalayo pa ang bahay nila. Kailangan pa nilang magtricycle habang ako naman ay maglalakad lang dahil medyo malapit ang bahay namin dito.

"Sigurado ka?"

Tumango naman ako. "Ingat kayo."

Kumaway na lang ako sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa puno ng acasia kung saan ko naiwan yung gamit. Kung hindi lang 'yun importante ay hindi ko na 'yun babalikan.

Medyo may kalayuan iyon kaya nagmadali na 'ko. Laking pasalamat ko naman ng makita ko pa 'yun doon. Wala naman kasing masyadong pumupunta rito.

Naglalakad na 'ko pabalik ng bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Napamura na lang ako dahil wala akong dalang payong kaya ang kinalabasan tuloy ay basang basa ako. Ipinasok ko ang cellphone sa damit ko at nakayukong tumakbo papunta sa kubo.

Nagulat ako ng madatnan ko ron si Bruce. Agad itong napatayo at sinalubong ako.

"Basang basa ka." nag-aalang sabi nito.

Pinaupo niya ko at may hinalungkat siya sa eco bag na dala dala niya. Lagayan iyon ng mga tela na ginamit namin sa film.

Napakalakas ng ulan pati na rin ang hangin kung kaya't nilalamig ako. Pinatay at nilagay ko muna sa isang tabi ang cellphone ko kasama na rin ang wallet.

"Akala ko sumabay ka ng umuwi kasama nila."

"Alangan namang iwan kitang mag-isa rito. Babae ka pa naman." sabi nito "Mukhang nadala nila yung mga damit na ginamit natin."

Humarap ito at nakita akong lamig na lamig. Nakita kong napatitig ito sa aking dibdib kaya bumaba rin ang tingin ko rin. Pinamulahan ako dahil bumakat pala ang bra ko.

One Shot Stories (SPG)Where stories live. Discover now