"Ano ba 'yan, mainit! Sisiputin kaya ako nito? Hindi ko alam at baka mamaya dinodogshow lang ako, pero sige, hihintayin ko siya."
Ang ante, entrance! Nasilayan ko siya habang nakasakay sa tricycle palabas ng gate sa PUP at tila nakatingin sa paligid, hinahanap at sinusulyapan ang hinihintay niya.
Medyo may pagkakulot, nangungusap na mga mata, at may nakakabighaning mga ngiti, na may cute-sized height, lumapit siya sa akin at humawak sa aking bisig.
Tila nag-iba ang ihip ng hangin.
"Amp! Gagi, hindi naman ako ganito palagi ah, hindi naman ako kalmado at tahimik. Hindi naman natitikom ang aking bunganga. Hindi ko alam pero bakit parang gusto ko lang magpahinga ngayon kasama itong babae na may micro bangs?"
Ayan ang katanungan ko sa aking isip, pero tuloy-tuloy, sumakay kami pabalik sapagkat sobrang init.
Hindi naman ako taga rito, hindi ko ito unibersidad. Hinayaan ko lang siya pumasok sa tarangkahan ng kaniyang paaralan.
"Hintayin mo ako dito, mas okay dito kasi mas malamig at mahangin," banggit ni Jo.
Tila hindi pa rin ako makapaniwala, at para talagang nananaginip ako. Ngayon ko lang ulit naranasan na mas may clingy sakin. "Hindi ko alam pero bakit ang tahimik ko ngayon, natatae ba ako or sadyang kinakabahan? May paruparo na naman ba na tumubo sa aking tiyan? Hindi ko mawari."
Napatanong ulit ako sa aking sarili ng mga bagay patungkol sa kung anong nangyayare ngayon.
Naiihi na ako sa kaba, ano ba ito. Bakit tila natatae ako.
"Ayan lumabas na siya, saan kaya kami ngayon?"
BINABASA MO ANG
Mga katagang hindi mo naririnig
RomanceIto ay patungkol sa kaniya, istorya na hango sa karanasan na binubuo naming dalawa. Mga kaisipan, mga nadarama at katagang hindi naibabahagi gamit ang labi