It's just a dream

46 2 0
                                    

April 19 2017

nagising ako sa tunog ng aking cellphone .. may tumatawag pala , pagkatingin ko ay kaibigan ko pala

tinatanong ako kung ready na ba daw ako para mamaya, teka teka ano ba ang meron mamaya?

ayy oo nga pala graduation ko na sa kolehiyo .. gagraduate na ko sa kurso kong bachelor of science in accountancy . parang kailan lng , napakabilis talaga ng panahon hindi ko tuloy namalayan .

dahil sa kablankohan ng isip kong yun ay di konamalayang binaba na pala ng kausap ko yung telepono nairita yta kasi hindi ako nakapagsalita .

agad akong nag ayos ng sarili , nagbihis at kumain ng almusal .. teka teka .. nasan si mama? anong oras na baka malate ako oh .pagkalabas ko sa pinto ng bahay ay nandun na pala si mama at nakaready na .. sabi niya oh nakapag ayos ka na ba? hindi kita ginising kasi gusto ko fresh ka para mamaya sa graduation mo .sabi ni mama

graduation mo ? graduation mo ? graduation mo? paulit ulit ang mga katagang yan sa isip ko .. graduation ko ba talaga ? wow hindi ako makapaniwala .. hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa mga mata ko at nalaman ko na lang na nakayakap na ko sa aking ina sabay sabi "mama para sayo to .. marahil hindi ko mararating to kung wala kayo " oh tama na yan sabat ng kuya ko.. baka mag muka na kayong ewan pag dating nio sa PICC dun kasi gaganapin yung graduation ko.

nag taxi lang kami nun papuntang PICC nasira kasi yung sasakyan namin .. pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng PICC at pagkakita sa aking mga kapwa BSA student na gagraduate ay biglang bumalik ang mga aking naranasan bago malasap ang tagumpay na ito . hirap kung saan minsan ay naisipan ko ng sumuko ngunit dahil sa diyos ay nananatili pa rin akong matatag .ganyan naman talaga ang buhay ei patatagan .. kung sumuko ka wala ka ng chance na manalo pero kung patuloy ka parin at lalakasan mo ang loob mo ay lalo kang papalapit sa katuparan ng iyong mga pangarap .

STUDENTS AND PARENTS YOU CAN NOW SITDOWN to the appropriate reserved chairs for you . sabi ng speaker

agad naman akong umupo at si mama nman ay pumunta na dun sa parent side ng PICC magkaiba kasi yung upuan ng gagraduate at mga parents .. nagsimula ang ceremony namin sa isang dasal na pinangungunahan ng CBA choir na binubuo nina

MARY ANNE SANTOS

MYKKO NULLADA

PATRICK CARPIO

MARK BALGUE

ANDRUE GALAROZA

MICHEAL GUERRERO

PATRICIA BALAGTAS.

halos dasal palang ay parang hindi na maiwasang pumatak ang mga luha ng lahat ng mga taong naroroon

nakakapanindig balahibo ang mga boses ng choir na to grabe nakakaproud dahil sa loob ng limang taon ay nakasalamuha ko ang mga myembro nito :))

pagkatapos mag dasal ay sumunod naman ang pag awit ng pambansang awit na kinanta ng lahat ng mga naroroon ,, pag katapos nun ay yun pinaupo na kami..

unang nagsalita ay ang aming CBA coordinator na si mr palad at pati na rin si mam Munoz..

nagbigay sila ng mga advice sa amin at pinaalala sa amin na ang pagtatapos na yun ay pagsisimula lamang ng panibagong kabanata na aming haharapin . kabanata kung saan mas totoo at mahirap kesa sa kung ano pa man ang aming napagdaanan

napakabilis ng pangyayari at hindi ko namamalayang pinapakilala na pala kami isa isa .. at ng tawagin ang aking pangalan . ALBORTE,JOSHUA PAUL L. ay halos tumalon ang aking puso sa wakas ito na hawak ko na ang aking diploma .. diploma kung saan aking pinaghirapan ng limang taon . at ang diploma kong ito ay inaalay ko sa lahat ng taong kaagapay ko habang tinatahak ko ang landas papunta sa kinatatayuan ko ngayon. paagkatpos bigyan ng diploma lahat ng grumaduate ay oras na para ipakilala ang mga mag aaral na nagkamit ng karangalan

siempre una yung mga cum laude ito ay binubuo nina

PATRICK CARPIO

PATRICIA BALAGTAS

GENEVIEVE MENDOZA

CARRERA KIMBERLY

CAPCO ABGIELYN

sumunod ang mga magna cumlaude na sina

YSA HERRERA

RIVERA JAZELLE

GARCIA SHIERLAND

APRIL JAMINAL

GARZA JUDITH ANNE

at syempre ang nag iisang suma cumlaude ng aming batch 2016-2017 na si

RICA MARIE BAYONA .

grabe napakaswerte ng mag aaral na to , napakadeserving nila kasi 1st year pa lng ay talaga namang mga nagsipag sipag agad .. nanghihinayang nga ako kasi nung 3rd year ako ay dun pa ko nag loko yan tuloy hindi napasama sa mga nagkamit ng karangalan :/ pero ayos lng yan ang mahalaga ay may hawak na akong diploma ngayon . diploma kung saan maipagmamayabang ko sa buong mundo.

pagkatapos ipakilala ang mga mag aaral na nagkamit ng karangalan ay nagspeech na ang aming suma cumlaude

agad naman kaming nagpalakpakan

sobrang deserving talaga niya .. unang una niyang pinasalamatan ay ang diyos sumunod ang kanyang mga magulang .. grabe halos mag iyakan lahat ng mga studyante sa kanyang mga salita .. after niang magsalita ay halos mapuno ng saya ang PICC dahil sa wakas tapos na kami ... yung bar exam na lang ang hinihintay . pagkatapos nun ay parang may naririnig akong boses na nagsasabing " hoy joshua late ka na papasok ka pa ba ? " at agad akong nagising si mama pala .. at napagtanto kong isang panaginip lang pala ang lahat .. panaginip kung saan inaasap ng lahat na matupad .

:D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's just a dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon