Puno ng mga Kathang Isip.

3 0 0
                                    



Mga alaala'y ibabaon, kalakip ang tamis ng kahapon.

Kumatok si Elias sa silid ni Ibarra, sa pag-asang magkaroon ng pagkakataong makausap niya ang lalaki. Nang kanyang marinig ang boses na sabi na siya'y pumasok, binuksan niya ang pintuan at sumilip upang hanapin si Crisostomo. "Ah, Elias! Ikaw ay napadaan nang bigla, mayroon ka bang kinakailangan?"

Ang ngiti ni Crisostomo, kay bait tulad ng dati, ay nagpainit ng puso ni Elias ng husto. Iyon ang kanyang nararamdaman tuwing nakikita niya ang lubhang kaakit-akit na mukha ng kanyang matalik na kaibigan, ngunit batid niya na hindi parehas ang mga nararamdaman ni Crisostomo para sa kanya dahil ang lalaki ay mayroong nobya, isang marikit na babae na halatang mahal ni Crisostomo tulad ng pagmamahal niya sa kanyang bayan. Kaya ang kanyang mga inaasahan na sila'y maging magkasintahan ay mananatiling kathang isip lamang.

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito, wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo.

Ito ang tao na binibigyang pansin ni Elias bawat gabi sa kanyang isipan habang siya'y nakahiga sa higaan niya, matinding pagnanasa na may makakapitan sa mundong ito na tila parang lumilindol araw-araw.

Mga gabing di namamalayang oras ay lumilipad.

Nagbigay ng tango si Elias at pumasok sa silid, nang siya'y pumasok agad siya niyakap ni Crisostomo bilang pagbati.
Subalit para kay Elias, ito ay isang malaki na pangyayari dahil hindi marami ang may naging kakayahan upang yakapin siya dahil sa mga prinsipyo, mga paniniwala, at mga kaaway niya sa buhay.

Ito'y maling akala, isang malaking sablay.

"Maaari ba tayo'y mag-usap sa aking bangka, Ibarra? Ito'y importante kaya't kailanganan ko itong sabihin sayo." Narinig ni Elias sa boses niya ang desperado na tono, kanyang mukha nagbigay ng kulay rosas sa hiya. "Aba, syempre naman, aking kaibigan! Kung saan ka man mas komportable magsalita. Pero maaari ko ba tanungin kung bakit sa iyong bangka kung ito'y importante?"

Bagama't ang mukha niya ay walang binibigay na emosyon, ang isip ni Elias ay biglang nag umpisa na mag-ingay at ang kanyang noo ay nagsimulang pawisan ng lubos. "Tu..tulad ng iyong sinabi, mas komportable ako kung sasabihin ko sayo sa bangka imbis na dito."

Kahit nakita niya na nalito ng kaunti si Crisostomo, ang mahusay na lalaki ay tumango lamang habang ang kanyang ngiti ay nasa kanyang labi parin, at ito'y pinasalamat niiElias sa diyos dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin kung siya'y tanungin pa muli.

————

Habang sila ay naglalakad, patungo lamang ang mga mata ni Elias dahil kung lumingon siya sa kanyang katabi, mas lalo mag-iingay ang mga pagtibok ng kanyang puso. Ngunit dahil sa kanyang hindi pagpokus kay Crisostomo, ang kanina pag nagsasalita na lalaki ay tumigil at pabigla ng hinablot ang balikat ni Elias.

"Aking kaibigan, ikaw ba'y nawawalan ng malay? Kanina pa ako nagsasalita rito at ni minsan ay ikaw nagbigay ng sariling palagay." Ang boses ni Crisostomo ay puno ng pag-aalala, na nagbigay ligaya kay Elias bago niya naproseso ang tanong. Nang nabubulol siya sa sagot na binigay, siya ay umiling-iling upang magpatiyak kay Crisostomo na wala siyang problema at nagbigay ng ngiti, kahit ito'y isang peke.

"Wag ka mag-alala, aking Ibarra. Ibinibigay ko lamang ng atensyon na karapat dapat na ibigay sa ating minamahal na bayan. Pasensya kung ako'y hindi masyadong nakinig saiyo, kaibigan ko."

Huminga lamang na malalim si Crisostomo at tumango na parang napilitan lamang. Tumuloy sila sa paglalakad hanggang sa kanilang narating ang bangka, inlalayan ni Elias si Crisostomo paupo upang ang lalaki ay hindi mahulog. Ang palad ni Crisostomo ay kanyang naramdaman, ang palad ng lalaki ay magaspang na sa tingin niya ay mula sa lahat ng oras na sumulat ng mga liham si Crisostomo. Nais ni Elias na ang sandaling ito sa pagitan nila ay tumagal magpakailanman.

Elibarra - Mi Ultimo Adios Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon