Zea POV
Mag isa na naman ako. Wala na naman siya. Sabagay, busy 'yon eh. Busy sa Thesis. Kailangan unahin 'yong Thesis kasi para sa future mo 'yon. Para maka-graduate agad.
I sigh. Lagi na lang kasing ganito. Magkikita lang kami sa school tapos wala na. 'Yon lang. Nagkita lang kami. Okay na yon diba? Nagkita kayo tapos...nagkita kayo. Gano'n lang.
Nawalan na ako nang ganang kumain. Tinitigan ko na lang ang foods na hinain sakin ni Manang Clare. Adobong manok. Masarap. Pero mas masarap kumain 'pag magkasama kami. Hindi 'yong ganito. Ako lang mag isa.
Bukas pa uwi no'n. Bukas ng umaga. Nagtataka ba kayo? Opo, magkasama kami sa isang bahay ng boyfriend ko. Legal kami sa parents namin. May katulong kami. May funds kami na galing sa parents namin. Suportado kami.
Masarap isipin pag ganito 'no? 'Yong kasama mo rin boyfriend mo sa isang bahay tapos legal kayo tsaka walang problema sa pera at lahat-lahat.
Inaamin ko. Masaya ako. Sobrang saya ko no'ng time na pinayagan kami mismo ng mga parents namin na magsama sa isang bahay. Wala na nga ata akong mahihiling pa. We have this perfect relationship.
Madalas kami magkatampuhan pero nagbabati din agad. Lagi kaming magkasama. Sabay kami pumasok ng school tapos sabay kami mag lunch tapos sabay din kami umuwi. First year ako no'n eh tapos siya second year college.
Opo. College na kami. Ngayon, 3rd year na ako tapos siya graduating na. Alam niyo naman sigurong may Thesis ang college diba? Tapos mahirap kaya kailangan ipasa para worth it lahat ng pagod at hirap.
Kaso...'yong pinakaingat-ingatan naming relationship mukhang masisira pa yata. Wala na kasi siyang time para sakin eh. Bababe ako. At 'di mawawala sa isang babae ang pagka-demanding. Marami akong gustong i-demand.
Gaya na lang ng oras niya. Kahit sana isang araw lang sabay naman naming gawin ang lahat. Gaya ng dati lang. Pero wala eh. Wala akong laban sa lintek na Thesis na 'yan.
Padabog akong tumayo saka tinulak 'yong pagkain ko. Dahilan para tingnan ako ni Manang Clare. Nagtataka siya. Sino ba naman 'di magtataka kapag umasal ka ng ganito tapos 'di ka naman inaano?
I sigh again. Tiningnan ko muna si Manang Clare bago pumanhik sa taas. Mamaya na 'ko mag e-explain kung bakit inakto ko 'yon. Dumiretso ako sa dresser ko.
Ano kaya maganda isuot? Gusto ko'ng mamasyal kahit mag isa lang ako. Ayoko na dito sa bahay. Parang masisiraan ako ng bait kakaisip sa kanya.
Nakita ko 'yong pink floral above-the-knee dress ko. Kinuha ko 'yon tsaka namili ng shoes. Pink wedge na lang pinili ko tsaka dumiretso sa bathroom.
Hinubad ko isa-isa mga damit ko bago binuksan ang shower. Napapikit ako ng umagos na sa katawan ko 'yong warm water. Ang sarap sa pakiramdam.
Magpapakilala muna ako. I'm Zea Minji Alec. 19 years old. Only daughter ng mga Alec na may ari ng more than 50 branches ng Korean Restaurants sa buong Pilipinas. Nag-aaral ako sa Mystic Academy. Na pagmamay-ari naman ng parents ng boyfriend kong si Kevin Miko Zache. (Pronounced as Zak.)
Natapos na akong maligo. I did my rituals before bumaba ng kwarto. Nagpaalam ako kay Manang Clare na aalis kasi bored na ako sa bahay. Naiintindihan naman niya kaya pumayag na din.
Nagpatawag na lang ako ng Taxi kasi tinatamad ako mag drive. I will enjoy alone. Sawang-sawa na ako sa bahay na 'to. Kaya nga tumira kami sa iisang bahay para laging makasama ang isa't-isa pero ano? Ako naiiwan dito lagi.
Malapit na mag 8 PM. Pupunta na lang ako sa bar na VIP ako. Do'n kami lagi eh. Kasama ko si Miko at ang iba pang friends.
Bahala na kung pagalitan ako. Total kasalanan naman niya. Kahapon pa ako nagmamakaawa sa kanya na sana pumirme naman siya sa bahay at samahan ako. Pero wala eh. Nagalit pa sa akin kasi ang kulit ko daw.
Di na ko mag te-text kung nasaan ako. Total uunahin pa rin naman niya 'yong Thesis niya.
I will just enjoy this night.
To be continued.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Teen FictionHe made a mistake. Are you still going to accept and love him? Or are you going to give him the perfect revenge? Lee Taewung