The Cause 2

16 1 3
                                    

Zea POV

- Bar -

Kakarating ko lang dito at isa lang masasabi ko, Ang daming tao! Shecks. Hahanapin ko nga muna si Troy. Doon na lang ako sa taas kasi mga VIP lang naman nakaka-akyat do'n eh.

Naglalakad-lakad ako ng makita ko sina Troy at Mikee na nag k-kwentuhan. I walked like a model towards them.

"Look who's here?! *Hek* The baddest biatch is back! Hahaha." Si Mikee 'yan. Lasing na yata ang lola. Kala ko matino pa may tama na pala. Sa malayo kasi parang ang cool lang nila tingnan ni Troy.

"Oh Zea, how come na nandito ka? Alam ba ni Miko na lumabas ka?" Tanong sa'kin ni Troy pagkatapos lumagok sa beer niya.

"He doesn't know na nandito ako Troy so please shut your effin' mouth." Naupo na lang din muna ako sa tabi ni Mikee na parang matutulog na.

"WTF Zea?! Ayokong pagalitan ako ni Miko dahil sa di ko pagsabi na nandito ka!" Nakalimutan ko mag bestfriend nga pala 'tong unggoy na 'to at si Miko. Hay naku. Dagdag frustration!

"Naku! Ako nga tigilan mo Troy ha? Basta 'wag mo i-mention sa kanya na nandito ako in case na magkita kayo para walang problema. Okay? Lagot ka sa'kin 'pag ako pinagalitan ni Miko!" Bago pa siya mag reklamo umalis na ako sa harapan niya at umakyat na sa taas.

Umupo ako sa vacant sofa. Ayos 'to solo ko ang pwesto. I placed my pouch on the round table bago pinagala ang mga mata ko.

Same faces as usual. Lagi sila nandito simula nag open 'tong bar ni Troy kaya naging VIP din sila. Pinagala ko pa ulit ang mga mata ko when I spotted an unfamiliar face.

Ngayon ko lang nakita ang kagaya niya. So charming yet mysterious kind of guy. Gwapo siya, as in. Perfect structure ang mukha from his eyebrows to his lips. Hmmmm. Gusto ko siyang lapitan.

Patayo na ako nang biglang may lumapit na tatlong feeling magandang babae sa kanya. Alright. He's taken? Hay naku. Di na lang ako lalapit baka gulo pa ang mangyari at magalusan pa ako.

Nag order na lang ako at uminom ng beer hanggang sa tipsy na ako. I checked my phone kung anong oras na. Shecks! It's 1:00 AM for pete's sake! Dali-dali akong tumayo at bumaba. Hindi ko na makita sina Troy sa dati nilang pwesto so 'di na ko mag-aabalang hanapin sila.

Pumara ako ng Taxi at nagpahatid sa Subdivision. Nakarating agad kami after 30 minutes. Nagbayad na ako at lakad-takbong pumasok sa loob ng bahay. Tulog na ang mga katulong.

I slowly walked into the stairs. I tiptoed until I'm in front of our room ng may marinig akong......UNGOL?!

W-w-w-wait! Dinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ng klaro kung ano man ang tunog na narinig ko.

I closed and covered my mouth with my free hand because I don't want to let go of the screams that are ready to escape my mouth at any moment. Ungol kasi ang naririnig ko ngayon. Ungol ng babae na sarap na sarap sa kung ano man ang ginagawa niya.

I slowly opened the door just to see Miko and his Bitch making out at our own bed. I was startled. Hindi ako makagalaw and all I did was to look at them until they're done making out.

Nang matapos sila they both looked at me surprisingly na parang hindi sila makapaniwala na nando'n nga ako sa pinto nakatayo at nanginginig sa galit.

Lumapit sa'kin si Miko and all I did was slapped him as hard as I could. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko sa dibdib ko. Parang sasabog ang dibdib ko na hindi ko maintindihan until I felt warm drops of water on my cheeks.

How could he?! How dare he?! How could they do this to me?!!

Maglalakad sana ako pababa sa hagdan ng nandilim ang paningin ko. I was hurt and crying until everything went black.

---

Ha! *Hingang malalim! Ngayon ko na upadate to kasi first, may nabasa akong comment from a follower and masaya ako.

Second, stress ako. :)

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon