Cap, You Need a Rest

9 0 0
                                    

"Mga bes pasabi hindi ako makapapasok may event ako tomorrow"

"Bes excuse ako ha, pinapatawag ako may meeting daw"

Kalimitang mga salitang binabanggit mo. Nagtataka ang aking isipan paano mo nakakaya ang lahat ng ito, ngunit ako'y naliwanagan ng malaman ko ang mga dahilan, hindi dahil sa kailangan mo kundi nasa puso mo na ito.

Pagod ka na ba? Halata sa iyong mga mata ngunit pilit mong itinatago ang pagod na iyong nadarama. Halika rito pwede kang magpahinga.

Sa mundong nakakapagod, maaari mo akong tawagin, nandito lang naman ako, nakatingin.

Bakit kaya ang tatag ng iyong loob? Kaya mo pa? Okay ka lang?

Ang lagi mong sagot sa tanong na iyan ay "Oo, kaya ko, kakayanin ko, okay lang ako." Minsan hindi masamang magsabi na hindi ka na okay, minsan hindi masamang magsabi ng hindi mo na kaya, gusto kong marinig sa'yo yun kasi gusto kong ipahayag mo ang totoong nararamdaman ng puso mo. Kahit isang beses, kahit isang araw man lang masabi mo iyon.

Gusto kong makita ang kahinaan mo kasi mas nakikita ko ang tunay na ikaw at ang tunay mong katatagan.

Napapaisip ako, ikaw ang takbuhan ng halos lahat ng tao pero sino ang takbuhan mo? Mas pinipili mong itago, mas pinipili mong itikom ang iyong mga hikbi, mas pinipili mong sarilihin ang problema pero gusto kong sabihin sa'yo na nandito lang ako (kami) pwede mong maging pahinga at takbuhan.

Gusto kong ipaalala sa'yo, kapag masaya ka o malungkot ka pwede mo kami laging makasama.

Gusto ko sa'yo sabihin na, hindi masamang magpahinga.

Cap, you need a rest
You sail endlessly in the ocean,
A tireless wanderer of the waves.
You fly endlessly in the skies,
Untiring wings of the heavens.
You travel endlessly through the dark,
Yet, you bring the light.
You brave the storms with principles,
A captain that leads the soul.

JakeWhere stories live. Discover now