1

6 1 0
                                    

Dani's POV

Minulat ko mata ko nang marinig ko yung alarm ng phone ko. For sure, 3AM na. Mga ganitong oras madalas tinatawagan na kita to check kung nagising ka na ba. Pag hindi kita natawagan para gisingin siguradong magagalit ka sa akin dahil magmamadali kang kumilos papasok sa work.

Inabot ko yung phone kong nasa sahig pala para patayin yung alarm. Ewan ko ba bakit hanggang ngayon di ko pa inaalis yung alarm sa phone ko. Siguro kasi nakasanayan ko na.

Hihiga pa sana ako pero naalala kong meron pa akong kelangan tapusin. Kaya bumangon na lang ko tutal nagising na din naman ako. Yun ay kung tulog ba ang tawag dun. Hindi ko maalala anong oras ako humiga para ipikit yung mata ko.

Pagkatapos ko maghilamos, nagtimpla ako ng kape. Namimiss ko na yung timpla mo ng kape. Kuhang kuha mo yung gusto kong timpla na kahit ako yung iinom, hindi ko magaya kapag ako nagtimpla kaya nagtitiis ako ngayon sa 3-in-1.

Pumwesto ako sa aking lamesa at binuksan ang desk lamp. Ilang araw ko na din ito sinusulat pero hindi ko makuha yung tamang hugot para matapos ito. Parang dati lang, lilingon lang ako sa sofa ko, makikita na kitang nagbbrowse sa tiktok habang tumatawa nang mahina.

Yung tawa mo na background music ko tuwing nagsusulat ako ng kanta. Matapos mong magbrowse sa phone, maya maya makikita na lang kitang mahimbing ang tulog sa kama ko. Kung hindi ka tulog, malamang nag reref raid ka ng pagkain. Kaya lagi akong may stock sa ref. Lalo na yung paborito mong yogurt. Ngayon, tubig na lang laman nyan.

Sabi mo pa noon, soon magiging sikat ka din kasama ang mga kabanda mo. You were my number one fan. You pushed me to be better. To achieve my dreams, which were your dreams too. You believed in me even when I did not believed in myself.

You said I will.. You said I can..

"Dani?" katok ni Rica sa likod ng pintuan na siyang nakapagpaputol ng aking pagmumuni-muni.

"Gising ka na pala?" Hindi na niya inantay na pagbuksan ko pa siya ng pinto. Siya na ang nagpapasok sa kanyang sarili sa kwarto ko.

Bahagya akong nasilaw nang buksan niya ang kurtina. Hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Mahigit dalawang oras na din pala simula nung bumangon ako.

Pinatay ko muna ang music sa phone ko. "Tinatapos ko yung irerelease nating kanta." sagot ko.

"Akala ko matutulog ka? Full sched tayo ngayon kasama yung pictorial for promo at album cover." sabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Nakatulog naman ako." sagot ko. Tumalikod ako sa kanya para hindi ko na makita yung reaksyon niya.

"Kailangan ko na matapos ito para maihabol sa album release natin." dagdag ko.

Hindi siya sumagot agad. Alam kong mayroon pa siyang gustong sabihin. Ramdam ko yung titig niya sa likuran ko. "Sige. Magluluto na din ako ng breakfast. Gising na din yun sila Max at Sandi." sabi niya.

"Thanks, Rics. Baba din ako maya maya." sabi ko nang hindi siya nililingon.

Hindi na siya sumagot. Hindi ko na din naman siya nilingon ulit. Saglit lang ay narinig ko na sinara na rin niya yung pintuan ng kwarto ko.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang laptop sa harap ko. Di ko ineexpect na ganito ko kabilis matatapos yung lyrics. Madali na to kasi alam ko na kung anong tono nito.

Dati ilang beses mo pa akong tinutulak at kung ano anong pambubudol pa ginagawa mo sa akin para makatapos ako ng kanta. Eh bakit ba, ang hirap kasing magfocus kapag nandyan ka. Mas gusto kong titigan yung mukha mo. Lalo na yung ngiti mong umaabot hanggang mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So this is..Where stories live. Discover now