Chinarge ko saglit itong galaxy y kong phone. Medyo bulok na at napag-iwanan na ng panahon tong unit ng phone ko. Pasensya n hindi naman kase ako richkid.
Nakakain na ako, nakapagsipilyo, nakajerbak na rin ako at nakapaligo. Hiinugot ko sa pagkakacharge ang cellphone ko ngunit 27% palang ito. Pano naman kase, kahit anong pigil ko, hindi ko maiwasang hindi laruin ang flappy bird.
Naglakad ako papuntang kanto, pinatay ko muna yung phone ko at sumakay ng jeep. Bitbit ang assignments ko.
Halos patapos na ang semester kaya nalalapit na ang exam. Kaya medyo marami na ring pinapagawa yung mga professor namin.
Sakto namang nakasabay ko si Zak sa jeep. Classmate ko sya sa lahat ng subjects ko. Nakita ko syang nagtetext or feeling ko lang na ayaw lang nya akong batiin. Pogi sya, British accent ang peg nya kase taga London. Ambango bango nya kaso may gf na daw sya, nasa England, sabi nung mga chismosang babae aa classroom na tabi nang tabi sa kanya.
"Uy Zak! Ikaw pala yan di ka nagsasalita."
Nagulat sya at nanlaki ang greenish nyang mata at medyo nabigla at katatapos lang magtext.
"A-alpha."
Napahawi na lang sya sa shaved up nyang buhok. At tinanguan na nya lang ako.
"Anong oras na ba? What time is it?" Tanong ko
"6:02" Sabi nya
Parang may kakaiba kay Zak ,joke pogi pa ren sya.
Matagal tagal din ang byahe at halos 45 mins, bago kami nakarating ng university.
Binuhay ko ang phone ko ngunit 1% remaining na lang pala. Hindi ko pala napatay yung phone ko. Nakasanayan ko na kaseng pag nilongpress ko eh, mamamatay kaso nasira nga pala ito kagabi.
Pagkabuhay na pagkabuhay ay tumambad sa akin ang isang text message. Hindi ko na nagawang pindutin ang "read" dahil nga biglang nang namatay ang aking phone at nalowbat.
Tahimik akong nakaupo sa loob ng klase. Nasa kanan ko si Harry, isa sa mga matatalino kong kaklase.Crush ko sya nung mga unang araw ng klase dahil sa panahon ngayon madalang nalang ang poging matalino. Tumabi ako sa kanya dahil mahilig magpaquiz yung prof namin ngayon. Ang subject namin ay Psychology at medyo boring ito. Umupo naman sa harap ko yung pinakamatangkad sa section namin si Jen.
"Hoy Jen, wag ka sa harap, dun ka na sa likod." Sita ko
"Bakit?" Tanong nya
"Luge ako, di ko makikita, gusto kong matuto" sagot ko
"Huuu, matuto daw," pang-aasar nya
"Sapak you want?" Pananakot ko
"Di po boss" sabi nya habang nakangiti
Medyo mataba si Jen at maputi kaya masasabi mo namang cute sya. Umalis naman sa kinauupuan si Jen at pumalit si Zak na kadarating lang dahil magkasunuran kami at magkasabay sa jeep.
Ilang saglit pa ay dumating na yung prof namin.
"Goodmoring class" Bati ni prof.
Dahil alam ko na boring itong subject na to naisipan kong magcharge ng phone para may mapaglibangan ako.
"Harry, peram power bank" sabi ko.
"Teka" tugon nya
"Ay naiwanan ko pala" sabi ni Harry
"Ahh, sino pa ba may power bank dito?" Tanong ko
"Si Jen" sagot nya
"Ha? Eh anglayo e" reklamo ko