CHAPTER 3

5 2 0
                                    

Nang magising ako ay nasa gitna ako nang kakahoyan merong mga kawayan at mga puno

Tumayo naman ako at nagulat ako nang ang sout ko ay tulad nung nakikita ko na sinout ni O bāchan na kimono it was color blue

"Omg totoo bato di ako pinapasout ni Lola neto pero...... sana may salamin dito bagay ba sakin to?"sambit ko

Nasa kalagitnaan ako nang kasayahan nun nang bigla kong maalala na hindi ko pala alam Kong saan ako

Naglakad lakad naman ako nun

"Nakakatakot"

Habang naglalakad ako ay may mga nakita akong tao kaya naman napagdesisyonan kong humingi nang tulong

"A-ahm tulong!"sigaw ko

Agad naman silang lumapit

"H—"di ako nakapagsalita nang hawakan nila ako at hilahin

"Ahhh!bitiwan nyoko mga manyak!"sigaw ko

"Nakakapagtagalog siya kailangan natin siyan—" natigil naman siya nang apakan ko ang paa niya

"Bitiwwww!"sigaw ko

Kinagat ko ang kamay nang isa kaya nabitawan nila ako at tumakbo naman ako pabalik sa kakahoyan

"Lord wag naman ganyanan!"

Halos kalahating oras akong nagpaikot ikot Para walain sila at naging successful naman

Napaupo naman ako dahil sa pagod

Habang nakaupo napatingin ako sa orasan na nasakin

"Kong ganon totoo ang sinabi ni lola"ani ko

Nabigla naman ako nang may marinig akong batang umiiyak

"Wag naman sana yun lord jusko"kahit na natatakot ako ay nilapitan ko ito

"Wala namang tyanak sa panahon nato diba"sambit ko habang nag sisign of the cross

Napaka creepy talaga dahil sa gitna nang madilim na kakahoyan may batang umiiyak

"U-uhm bata?"tanong ko

Hindi naman ito lumingon St nagpatuloy lang sa pagiyak

Napasign of the cross naman ako uli

"Ama nami—"

"Tasukete(help me)"sambit niya sakin

Napakaputi niya lord wag naman sanang humihingi to nang hustisya jusko

"A-anong pangalan mo?"tanong ko

"Miko nawawala ako"iyak niya

Napahinga naman ako nang maluwag buti nalang di multo o tyanak jusko

"Halika asan ba ang bahay niyo?"tanong ko uli

Umiling naman sya

"Ayy nako mizuki nawawala nga diba"napasapo naman ako sa noo

Hinawakan ko naman ang kamay niya at sabay kaming naglakad

Pero habang naglalakad kami ay parang may wierd akong nararamdaman parang may nakasunod samin

"Miko w-wala naman siguron—ahhh!"sigaw ko nang may tumalon sa harapan namin

Tatakbo sana ako palikod nang may humarang din

Agad ko namang kinarga si miko at tumakbo pa kaliwa

"Humawak ka miko!"sigaw ko

Tumakbo naman ako nang tumakbo nakahanap naman ako nang butas sa may puno kaya nagtago ako ron

Kitang kita ko ang mga mahahaba nilang Espada oo ikaw ha!!!

"Miko shh kalang"ani ko tumango tango naman siya sabay ngiti

"May gana kapa talagang ngumiti madededs na tayo rito eh"

Nabigla naman ako nang tumawa Si miko kaya naman lumipat ako

"Miko wa mō anata to wa asonde imasen, ima dete kite kudasai( miko im not playing with you anymore come out now)"

Rinig kong boses nang lalake

Pareho kaming napasigaw ni miko nang may nakita nila kami

Tatakbo na sana ako nang madapa si miko

Agad naman akong bumalik Para hawakan sana siya pero hinila ako nang isa sa mga lalake

"T-teka lang wag niyo siyang saktan bitiw ano ba!"sigaw ko sabay sipa

Agad ko namang niyakap si miko na umiiyak

Anong japanese nang stop...think mizuki

"S-sutoppu!"sigaw ko

Tumigil naman sila

"Anatahadaredesu ka?(who are you?)"sambit nang lalake

Agad ko namang inangat ang tingin ko

Mr.SamuraiWhere stories live. Discover now