PROLOGUE

202 11 3
                                    

PROLOGUE: Santarina–Salavia






“Tama na, Denzel… t-tama na…” 

Kayang-kaya niya talaga akong pagangin sa sobrang sakit. Kayang-kaya niyang alagaan ang ibang tao kaysa sa akin na asawa niya. Mas hindi niya kaya na nakikitang nasasaktan ang iba… kaysa sa akin. 


He is taking care of his ex-fiance with so much love while I am here, his wife... my body is shaking from the cold–under the heavy rain. 

Nakatayo sila sa gitna ng crosswalk habang magkaharap. Hawak ng kaliwang kamay ni Denzel ang payong habang hinahaplos ng kanang kamay ang pisngi ng ex-fiance niya. Pareho pa silang naka-puting coat. Nakangiti sila sa isa't isa habang sumisigaw ng pagmamahal ang mga mata nilang magkatitigan.

Pinahid ko ang luha at tumalikod. 

Akala ko okay na kami… pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi?

Sa pagkakataong ito… papatawarin ko pa rin ba siya? Babaliwalain ko ba ulit ang sakit na dulot niya? Magkukunwari na naman ba akong walang alam na may namamagitan pa rin sa kanila ng ex-fiance niya? Hanggang kailan ang pagkukunwari ko? Kailan ako mapapagod? 


He is cheating! 


Pero ang puso ko… nagbubulagbulagan. Kahit ilang ulit na parang sinasaksak ang puso ko… nagbubulagbulagan ito, nagmamanhid manhidan. 


“Ma'am Aerielleah! Kanina pa po kayo hinahanap ni sir Denzel.”

Puno ng pag-aalala ang mukha ni ate Jasmine, ang pinaka-close ko sa mga kasambahay. 

“N-nasa’n siya ngayon?” tanong ko. 

“Nasa office niya po, nagtatawag ng pulis para ipahanap na kayo.”

Mapait akong napangiti. Dumapo ang tingin ko sa orasan. Ala una na pala. Nalibang ako sa pagduduyan-duyan ko sa park na malapit sa hospital na pinuntahan ko kanina. Hindi ko na napansin ang oras. Okay lang. Ang mahalaga ay napakalma ako ng pagduduyan duyan ko na iyon, na parang hinihele ang magulo kong isipan hanggang sa kumalma na ito. 

“Ma'am, may problema po ba?” 

Lumawak ang ngiti ko. I didn't think she'd understand me. Ako lang naman ang nakakaintindi sa sarili ko. At hindi ko na kailangan na maintindihan din ng iba. 

“Okay lang ako, Jasmine. Pupuntahan ko lang si Denzel.” 

Tinalikuran ko na siya bago ko pa masabi sa kaniya ang gumugulo sa isipan ko. 

Tumutulo ang basa kong damit sa tiles habang lumalakad patungo sa master's bedroom. Hindi ako pupunta sa opisina ni Denzel nang ganito ang ayos. Baka ma-turn off siya. Ayo'ko. Ayo'kong tingnan niya ako ng nakakaawa. 

Baka nga… palilipasin ko ulit ang sakit. Iisipin ko na lang na lumabas ako kanina para pumunta sa park na malapit sa hospital, hindi para hatiran siya ng hapunan. Iisipin ko na lang na ang tahimik na park na iyon, kaysa isipin ang nakita kanina. 


Natawa ako sa isip. Pipilitin kong maging okay… kaysa masira ang pagsasama namin. 


Magiging okay rin ang lahat…


Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto. Nakahawak ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog nang nilingon ang pinto. Denzel's dark eyes met mine. 

“H-hindi ka kumatok…” 

Binalik ko ang suklay sa ibabaw ng vanity table at tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin. Nakapangtulog na ako na bestida. 

Hiding from Salavia (Hiding Series #3)Where stories live. Discover now