Chapter 6: Sulking

1.3K 77 3
                                    

Alexis' POV

"Why-"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang halikan ko ang labi niya.

Napapikit ako sa lambot at init ng labi niya. Kumunot ang noo ko nang halikan niya ako. Yung halik na malikot, halik na hindi ko alam kung paano sabayan.

"Move your lips with me..." Turo niya nang bitawan ang labi ko. I opened my eyes. Malamlam ang mga mata niya at namumula ang kanyang labi. At malalim ang paghinga, kagaya sa'kin.

Muli niya akong hinalikan. This time ay mas mababaw at mabagal ang galaw. I tried to mimick her movements.

"Hmmm," a soft moan escaped her mouth.

Naging mas malalim ang halik. Nagpaubaya siya, ako na ang mas gumagalaw ngayon. I deepen the kiss by pushing her more on the bed. Hindi ko alam kung paano ko 'yon nagagawa. It's like my body can understand how kissing works.

"Ahh," daing ko nang kagatin niya ang labi ko. Agad ding nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa bibig ko. She's exploring my mouth with her tongue. Nalalasahan ko ang alak sa ginagawa niya kaya pati ako ay tila nalalasing.

"I want more," bulong niya matapos ang halikan. Kapwa kami hinihingal.

"H-Huh?" Mautal-utal na tanong ko.

"More, Sullivan," saad kaya, kasunod ng pagpungay ng mata.

Doon lang ako tinamaan ng katinuan. Alexis, lasing 'yang kaharap mo. Bakit ka nagpadala?!

Agad akong tumayo. Walang pasabi akong umalis. Diretso lang ako hanggang marating ang labas ng mansion. Naupo ako sa ilang palapag ng hagdan.

This is so wrong. Maling-mali ang ginawa ko. Hindi dapat nangyari 'yon. Paano na lang kung maalala 'yon ni Miss Windsor? Ano kayang sasabihin niya?

Doon ako nagpalipas ng oras hanggang maging kalmado ako. Pagbalik ko sa kwarto ko ay wala na doon si Miss Windsor. Naligo lang ako at nagbalak matulog pero hindi ako dinadapuan ng antok. Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay imahe naming dalawa ni Miss Windsor ang nakikita ko.

...

Gaya ng dati, sabay kaming nag-breakfast ni Miss Windsor. Hindi ako makatingin sa kaya at binilisan ko na rin ang pagkain.

"Slow down," wika niya nang mapansin ang ginagawa ko.

Binagalan ko ang pagkain pero diretso lang ang tingin.

"Tapos na po ako," agad kong nilisan ang dining area matapos kumain.

Nagmadali ako papunta sa front yard kung saan ako laging hinihintay ng driver. Kumunot ang noo ko nang ibang sasakyan ang makita. It's a red car. Magarang sasakyan na sigurong mas mahal pa sa buhay ko.

Hindi siguro ako ihahatid.

"Where are you going?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Miss Windsor.

"Pupunta na po ng school. Magco-commute na lang po ako." Sabi ko saka naglakad na pero nabitin nang tawagin niya ako.

"I'll drive you to school." Napalingon ulit ako kay Miss Windsor.

"Po?" Tila hindi 'yon na-absorb ng utak ko.

"You heard me." Sabi niya saka pumasok sa pulang kotse. "Move." Mariing dagdag niya kaya pumasok na ako at naupo sa passenger seat.

Bakit ngayon pa niya ako ihahatid? Kung kailan iniiwasan ko siya...

Paano kung naalala niya? Kaya niya ako ihahatid ay dahil dadaan kami sa presinto? Pero hindi naman siguro... Sana, hindi.

Her ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon