Pumasok na ako sa kubeta para gawin ang routine ko. Habang nagsha-shower, napapa-isip talaga ako, e. Kaya pala familiar ang Keeho. Ginawa ko pa ng nickname, paka-angas. Aki naman pala talaga tawag ko sa kan'ya kahit dati pa. Nakakaloka talaga! Kailangan ko talaga makita si Alani mamaya kasi mababaliw talaga ako kaiisip kasi halos makalimutan ko na si Aki. I mean, siguro gano'n lang ako naging ka-busy? Pero ang O.A naman!
"Putangina!" napasapo ako sa noo ko. Aki. Keeho! So, siya nga? Wait, hijo de puta. 'Yung may crush kay Alani no'ng grade six hanggang grade eight?! Oh my god...
Nagmadali na akong gumayak. Kaya ayon. Alas tres pa lang nasa Vista Mall na ako. Kaloka. Bumili muna ako ng snacks. Almost 2 hours pa akong maghihintay. Ang lala talaga ng excitement ko para lang machika na si Aki ay nakita ko at pogi na! Okay na. Hindi ko na iisipin na crush ko siya, appreciate ko na lang kapogian niya kasi duh, girl code!
Pumunta ako sa bilihan ng mga food. I need to eat some fruit. Starter lang, promise. Promise sa sarili. Bought some juice din. For me and Alani! Yay! Damay kita, beb.
After that, naglakad-lakad muna ako. Dapat pala hindi muna alo bumili. Katamad magbitbit habang naggagala-gala. It was 3:45 pm when I heard my phone beeped.
Alani:
Nandiyan na siguro ako by 4 kasi wala isa kong prof. See you!
Ako:
ok cgeh c u
Naupo na lang muna ako. I was watching a BL when I felt a presence behind me. Alani? Pero 3 minutes ago pa lang ang text niya. Huh?? Gugulatin ba ako... Gugulatin ko na sana when a man showed up infront me. And god, my face was ridiculous. Napapikit ako. Bwisit talaga.
He bit his lip, his face almost red from preventing himself from laughing. Umirap ako.
Hindi ito umupo or gumalaw man lang. Kumunot noo ko. Maaga ako magkaka-wrinkles sa tap na ito. Ano ba naman itong tao na ito?!
"Uupo ka ba or tatayo ka na lang diyan??" Masungit kong tanong. Naupo naman siya bigla. Halos malaglag bibig ko, pinigilan ko lang. He's kind of... uhm...
I looked at him. Ang awkward. He tried to open his mouth pero wala. Nganga. Bumuntong hininga na lang ako. Tagal naman ni Alani!
"I remember you now." bulalas ko. Nag-iwas siya ng tingin at saka namula ang tainga. Napaka-oa naman nitong pogi na 'to. I looked around and I saw people looking at us... or sa kan'ya lang. Sa totoo lang? Ang pogi niya talaga. Ang alam ko may malalim na dimple 'to, e. 'Yung dot lang talaga. Cute. Sa right side.
Alam ko kasi whenever he's talking with Alani before, he smiles, e. Crush na crush. Hindi man lang kaya itago! Kaloka. Looking at him right now, sa mall, na maliwanag. Ang pogi talaga. May maliliit na nunal din siya. Sa face. Malamang! Kasi 'yung isa sa lower right side of his eye ang agaw tingin. Ang softie niya talaga. Paano kaya 'to magalit? Natigil lang ako sa pag-iisip when he cleared his throat.
"Sino kikitain mo rito?" he asked. May accent. I mean, hindi ko siya gaano naririnig noon magsalita pero he really had an accent naman talaga. Pero grabe. Okay, stop. Kay Alani 'yan.
"Alani." I said and I grinned at him. Namula ulit ang tainga niya. I laughed.
"Ikaw, ha. Crush mo pa rin?" usisa ko.
"Hi-hindi ah! Hindi ko crush si Alani." aniya at saka kumunot kaunti ang noo. I chuckled.
"Okay, sige. Sabi mo, e." sabi ko.
"Grabe, it's been what..." I started counting, kasi ano ba. Bobo ako sa math.
"10 years." He tilted his head as he touched the back of his head. Sumimangot ako. Edi ten!