best friEND

7 3 0
                                    

best friEND
by:Cs_ember
051724

May kaibigan kaba?

Sino yung taong itinuring mong kaibigan, kaibigang hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay. Kase ako, maswerte ako kay Justine. Kaibigan ko sya simula bata pa kami, sobrang strong ng pagkakaibigan naming dalawa, gwapo sya at sobrang bait, punong puno siya ng green flag sa katawan, maswerte ako na merong sya. Baste ang tawag ko sakanya, ewan kodin kung bakit.

By the way, ako pala si Rosa, I'm 19y/o punong puno ng stress ang buhay ko, kahit ano pinuproblema ko, ewan ko kung OA bako o problematic lang talaga ako. Pero salahat ng paghihiram na dinadanas ko, meron akong kaibigan na sumusuporta sakin, laging naka sunod, lagi niya akong dinadamayan, lagi syang naka buntot saakin para tulungan ako sa mga problema ko.

Nakakatawa lang na sa tuwing gumagala kami ay lagi kaming napapagkamalang magshota. Masarap siyang maging kaibigan dahil kaya kaniyang tagapin kahit ano kapa.

Sa tuwing iiyak ako, lagi siyang may bitbit na tissue. Pag magchachat ako sakanya ng nagugutom ako, mabilis siyang nagluluto para sakin or Minsan naman ay bumibili siya sa labas. Kapag stress na ako sa pag-aaral lagi niya akong pinapatawa, kung Minsan naman ay siya pa mismo ang nag tuturo sa mga hindi ko maintindihan.

Pero hindi naman ako ang panginoon. Nagbago ang lahat ng makilala niya si Anne. Nagbago siya, hindi ako sanay na Hindi ko siya nakikita sa loob ng Isang araw. Kaya na niya akong hindi iChat. Nagbago na siya.

Ang sinabi niya saakin ay liligawan daw niya si Anne, mahal na daw kase niya. Masaya ako para sakanya, Haha ngayon ko lang nakita si Baste na abot langit ang ngiti, ayoko siyang mawala sa feeling ko, sino na Ang magpapasaya sakin? Pano na ako ngayon, baka lalo ko nang hindi kayanin ang hinanakit ng buhay ko.

Pero sino ba ako? kaibigan niya lang naman ako. Mahal ko sya, mahal na mahal ko siya bilang aking kaibigan, at kapatid, pero ang tadhana ay naka takda. Hindi pang habang buhay na kasama mo sila. Nararapat lang na kayanin mong maging mag-isa, dahil sa huli iiwan Karin nila, lalaban kang nag-iisa.

Haha nakaka tawa lang na maalala ang mga sinabi niya. Tinanong ko kung "Bakit ka ganto ka sweet at kabait sakin?" at ang sabi niya "Hindi ba dapat natutuwa ka? Ako ang kaibigan mo, Boy Best Friend kung tawagin, Kaya kahit 100% of sweetness pa ang ibigay ko sayo, gagawin ko kase ayon ang role ko, pero alam mo, yang mga boy best friend Nayan pang samantala lang, pag nakilala na nila yung taong para sakanila, iiwan kana nila."

Tama sya, at masaya ako para sakanya

End....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

best friENDWhere stories live. Discover now