TBW 01

39.6K 376 5
                                    

Chapter 1// The beginning...


"OMG! Ang gwapo talaga nila." Tili ng isa kong kaklase. May dalawang bagong transfer student kasi na super duper gwapo raw according to my mga maharot na kaklase. Umirap lang ako sa kawalan dahil sa walang sawa nilang pagdedescribe at pagpapantasya sa dalawa.



"Nakita ko sila sa Principal's office kanina and they were so..so yummy."



"Heto pa, iyong isa kaklase natin. Kaso iyong mas gwapong bet ko girl higher year. Ahead ng one year sa 'tin. Sayang."



"Okay na 'yan. Keri na ang isa."



Sumimangot naman ako sa narinig ko. Ito talagang grupo ni bading hindi na nagsawang magboy-hunting. Hay naku. Akala mo naman makakabingwit sila sa ginagawa nila.



"Truelala. Fezlak naman eh pak na pak."



Bumuntong hininga lang ako. Inilabas ko ang earphone ko at isunuksok sa dalawang tainga ko. I don't care kong sino mang poncio pilato ang kumuha sa buong atensyon ng klase.



Pumasok na ang first period teacher kaya naman napahinto na ang mga kaklase kong nagchi-chikahan kanina. Umupo na sila sa kanilang mga kanya kanyang upuan at ibinigay ang buong atensyon kay Miss. Napatingin din ako sa gawi niya at napagtantong may sinasabi siya kaya naman tinanggal ko ang nasa kanang earphone sa tainga ko para malaman kung importante ba ang kanyang sinasabi.



"Goodmorning class. You have a new classmate. Mr. Montenegro," Tawag niya. "You may intoduce yourself."



Pumasok naman ang lalaking tinawag ni Miss at ganoon nalang ang tili ng mga girls at unspecified person. Ofcourse pinangunahan na naman ni kampon ni chararat.



"Class quiet." Sita ni Miss Diane. Tumigil naman sila. Tinapunan ko nang tingin ang mga kaklase kong babae at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata nila habang nakatitig sa lalaking pumasok. Kulang nalang magheart shape ito e, tulad ng mga nasa anime.



"Zakai Montenegro. Call me Kai." Pakilala nito.



Pinaupo siya sa upuang bakante at ang nakakaasar lang sa tabi ko mismo. Nilingon niya ako. I glared at him pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Miss. Hindi ko na hinintay ang reaction niya sa ginawa ko. Atleast alam niyang hindi ako interesado sa mga kagaya niya. I bet marami na itong napaiyak na babae.



Nagsimula na ang lecture. Ang first class namin ay Mathematics. It was so easy for me so no need to listen. I know what Miss will teach naman. Why bother myself right?

The Betrayed WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon