Reject Me

36 2 0
                                    

The hardest part of being alone is when you stare blankly at a wall, and remember all the memories you had with him.

And that is what I am feeling right now.

Kanina pa ko pagulong gulong sa kama dahil sa mga memories na nagpa flashback sa utak ko na parang GIF dahil paulit ulit. Ayoko na ngang maalala ang mga yon pero wala e.

Naaasar lang ako dahil bukod sa mga flashbacks, sari saring what if's na rin ang pumapasok sa utak ko.

What if we feel the same tapos nag aantayan lang kami kung sinong mauunang magsabi?

What if mag confess na kaya ako sooner?

What if sabihin ko na sa kanya lahat lahat ng tinatago kong feelings para sa kanya?

What if maging kami?

What if the molar mass of a-- ay wait iba na to.

Nakaka leche ang kalagayan ko.

Its been 3 years since I fell so hard for him. 3 years since I listened to that very song and all I think about is him. That freaking 3 years na wala namang progress pero hindi ako maka move on. Jolly wow I am so pathetic.

Me and Miguel were classmates back in high school.  And then naging seatmates kami, then we became friends. Tapos ako, nadevelop yung simple crush ko sa kanya. Hanggang sa inipon ko lahat ng yon sa bote tapos tinapon ko sa Ilog Pasig kasi takot din akong mag take ng risk.

I hate cliche love stories pero ganon yung nangyari sakin. I didn't take any risk. I am afraid that our friendship will be over kapag nag confess ako. I value friendship more than anything else. Saka kasi pag friends kami, more more skinships, hindi awkward pag nagjokes nang kung ano ano, telling each other's secret at sobrang near ng distance namin sa isa't isa. Both literally and figuratively. 

Pero sabagay, iba pa rin pag ang status niyo ay in a relationship. 

Pero dahil nga wala rin akong ginawa kundi ang mahalin siya from afar, walang nangyari sa lovelife ko.

Siguro ngayon may bago na siyang crush o baka may nililigawan na siya ngayon. Sa UP siya nag aaral at madaming magaganda don. Walang wala ako. Hindi na rin kami masyadong nagkaka usap.

Tigil ko na lang kaya tong kahibangan na ito?

Nagfacebook na lang ako para istalk siya. Pero wala rin naman akong napapala dahil hindi siya nag a update ng status. Bagong groupie lang with his new set of friends. Insert ko nga sarili ko minsan sa picture na ito.

As i was scrolling thru my news feed, biglang nag notify sa akin na i was mentioned sa isang comment.

Rigel Kyem mentioned you in a comment.

A photo from Poems Porn.
(Note: Hi please look at the photo above. Thanks)

Napamura ako nang wala sa oras. Galing talaga tumayming neto ni Rigel e. Kung kailan naghahanap ako ng sign, saka niya ko ita tag sa mga ganito.

Hindi ko naman sinasabi sa kanya yung mga secrets ko. Hindi ko lang alam kung ganon na ba talaga ako ka obvious or what e. 

Nagulat ako nung nag message siya. 

     "Confess na kasi."

Putang ina naman.

     "Luh anong sinasabi mo jan?"

Grabe. Bakit ganon? Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Insane courage please??

     "Deny pa. Nasa park mamaya si Miguel mga 5:30."

Reject MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon