"Sorry Anak ko." wika ko sabay halik sa noo ng natutulog na anak ko.. Ganito pala ang feeling ng isang nanay na.. Magagalit ka sa kanya pero mamaya maguiguilty ka. Hehe.
"Ay tulog na pala si Aries" napalingon ako kay mama na nasa pintuan ng kwarto at lumapit sa kama namin ni baby.
"Ganito pala ang maging ina. Nakakapagod pero masaya." nakangiti akong nakatingin sa anak ko.
"Yan kasi ang sinasabi namin ehh. Bakit kasi hindi ka nakatiis." Aray ko... Masakit na marinig ko iyon sa kanila pero totoo naman ehh. I just have to endure it. Alam kong nadisappoint ko sila. "pero wala na tayong magagawa. Basta alagaan mo nalang siyang Mabuti." pag-aalo niya. napansin niya sigurong tumahimik ako.
Sa totoo lang wala naman akong karapatan na sumama ang loob sa kanila ehh. Nagkamali ako. "Akala ko iba ka." yan ang narinig ko mula kay dady. Hindi lang minsan..
Sa katunayan akala ko rin iba ako. Akala ko hindi magyayari ito sa akin. Pero dahil sa akala kong pagmamahal, isa na akong ina. Hindi ko alam kong magsisisi ako o hindi. May mga araw at oras na naiisip ko na kapag hindi ko hinayaan iyon ay baka hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon pero sa tuwing maiisip ko ito ay biglang pumapasok sa isipan ko ang anak ko.. Na kapag hindi naman nangyari iyon ay baka wala siya ngayon saakin.. Oo mahirap mag-alaga at magpalaki ng bata pero masaya.. Siya ang nakakapagpawala ng stress ko.. Isang yakap lang nito at pagpapacute ay nawawala ang mga hindi magandang naiisip ko.
*TING!*
Napatingin ako sa selpon ko at sumimangot nang makita ko kung sino ang nagchat.
"Kumusta kayo?" Hindi ko alam pero wala na akong nararamdaman sa mga chat niya. Wala na yung dating excitement at pagkamiss sa tuwing makakareceive ako ng kahit na simpleng pangangamusta lang. Siguro nga talagang nakamove-on na ako.. Siguro talagang wala na akong nararamdaman sa kanya.. Hindi ko alam kung dahil sa dami ng disappointment ko sa relasyon namin, and may mga times na kapag naiisip ko yung mga nagawa namin noon nung kami pa ay natuturn-off talaga ako. Hanggang sa naipon na nga at humantong sa hiwalayan.
Hindi ko na pinansin ang chat niya na iyon. Inilapag ko na ang selpon ko sa cabinet at tinabihan ang aking anak. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ito. Iniangat ko ang ulo niya para gawing unan niya ang braso ko at niyakap ko siya.
"Good night Anak. I love you."
----------------------------
A/N: Hi :-) Marami na akong story na nasimulan pero hindi natapos dahil walang pumapasok sa utak ko na mga scenes kung pano itutuloy. This time, I am very inspired to do this story and sana matapos ko to hehehe. I hope you can vote and write anything you want to say about this story para mas mamotivate ako hehe. Thank you.
BINABASA MO ANG
A Single Mother's Journey
RandomShe dreamt of a happy relationship.. Lahat naman gusto ng masayang relasyon. Walang masama sa paghahangad nito. Ang masama lang, kapag alam mo nang mali, itinutuloy mo parin. Alam mo na ngang dehado ka, go ka parin kasi feeling mo mahal mo yung tao...