Prologue

3 1 0
                                    

"TitaMama,ano pong mangyayari satin kung mamatay po tayo?"Inosenteng tanong ng isang batang lalaki.

"Bakit mo namn natanong yan,huh?!"Gulat na sabi ng tinawag nitong titamama na muntik nang maduwal sa kanyang kinakain.Hindi niya alam kung bakit bigla nalang nagtanong ang isang walong(8) taong gulang na bata na wala pang kaalam alam gaano sa buhay-buhay.

"Wala lang naman po.May narinig lang po kasi akong mga matatanda na nag-uusap tungkol sa patay daw po tas narinig ko din po kasi na sayang daw po yung mga memories na nangyari sa taong pinag uusapan nila na... Jhoanna po ata ang name."Mahabang salaysay ng bata na tila kyoryosong kyorso sa kanyang nalaman at tinuloy ang pag kain.

Gulat na gulat nmn ang mga kasama nitong kumain na ang kanyang titamama,titopapa at ang kanyang lola.Kasama rin nila ang anak ng kanyang tinuturing na mga magulang na tinuring na rin siyang tunay na kapatid.At ito ay mas matanda sa kanya ng 2 taon.

"Yung mga chismosa talagang mga 'yan".Inis na sabi ng lola at pinagpatuloy ang pagkain.

"Aba at bakit parang kyorryosong kyoryoso ang batang ito ah?".Sabi nman ng titopapa ng bata na ginulo pa ang buhok nito.Tinuring narin nitong tunay na ama ang kasalukuyang tumatayong ama niya dahil sa pagmamahal na binibigay nito sa kanya na hindi kailan man niya naramdaman sa kanyang mga tunay magulangg.

Ang ina ng bata ay nasa kabilang ppamilya sa ibang bansa kasama ang panganay na anak nito.Ang bata aay iniwanan ng ina sa kanyang mga tita at tito na ngayon ay tinuturing na niyang mga magulang.Alam ng bata na ang kanyang ina ay nasa ibang bansa at may pamilya dahil minsan na itong nasabi ng kanyang mga tinuturing na mga magulang dahil madalas nitong natatanong kung nasaan ang kanyang ina.Dahil sa bata pa ito ay mahirap sa kanya na tanggapin na iniwan na siya ng kanayng ina at kapatid ngunit tinggap niya ito dahil na rin siguro may mga tito at tita na siyang nag aalaga at sumusuporta sa kanya.

"Alam mo apo,hindi mo dapat iniisip pa ang mga bagay na katulad nyan dahil bata ka para  isipin ang tungkol dyan".Maliwanag at seryosong sabi ng lola ng bata na tinanguan nmn nito.

"Pero anak,gusto ko lang sabihin sayo na sulitin mo ang mga araw at panahon na nandito ka pa sa mundo-magpakasaya ka.Gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin at hindi ka namin hahadlangan depende na lamang kung hindi ito makabubuti para sayo dahil ang mabuhay sa mundo ay napaka suwerte dahil nararanasan mong mabuhay sa mundo kung saan ginawa ng diyos,dba?"Ang mahabang sabi ng titamama ng bata."Hindi ko itoo sinasabi para sayo lang kundi para sayo rin".Pagpapatuloy nito at lumingon sa kanyang tunay na anak na mas matanda sa bata.

"Totoo ang sinabi ng mama nyo.Mabuhay lang kayo hanggat gusto nyo at magpaka-saya.Bumuo kayo ng iba't ibang memories.At para sakin,ang mga memories ay dapat na kina-capture sa camera para mayroon parin kayong mabalikan".Nakangiting sabi ng titopapa ng bata.Ang bata ay napatingin sa kanyang tinuturing na ama na tila parang may iniisip na mga bagay.

"Ay sya at ipagpatuloy na natin ang pagkain natin.At sa mga susunod na araw ay bumuo at mag ipon tayo ng iba't iba at masasayang memorya.Itgil n natin yang patay patay na yan nasa harap tayo ng pagkain".Ang sabi ng lola ng bata at pinagpatuloy na nga nila ang kanilang masayang pagkain.

7  Days later...

"Titopapa"
"Papa"
Sabay sigaw ng isang 8 taong gulang na bata at isang 10 taon na bata habang sinasalubong ang kanilang ama.

"oh mga anak".Masayang sabi ng ama ng mga ito at hinalikan ang dalawa sa pisnge.Ibinaba niya ang kanyang dala dalang bag sa isang lamesa sa sala.

"Ano po tong dala nyo papa".Curios na tanong ng batang 10 taong gulang.Kanilang sinilip silip ang dala ng kanilang ama at nakita ang isang camera.Kanilang pinagtaka kung ano ang kanilang nakita sa dalang bag ng kanilang ama.Kanila itong ipinakita sa kanilang ama.

"Titopapa,ano po toh?".Nagtatakang tanong 8 taong gulang na  sa kanyang ama amahan na kababalik lamang galing sa kusina dala. ang isang basong tubig.

"Ano yan nak,camera ang tawag dyan.Fujifilm instax mini 11 instant camera to be exact.".Pagsagot nito sa tanong ng dalawang bata at ininom ang tubig na kanyang daladala.

Pagsagot nito sa tanong ng dalawang bata at ininom ang tubig na kanyang daladala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dba po pang kuha to ng litrato pa?"tanong ng 10 taong gulang na bata sa ama.

"Oo anak".ama

"Eh bakit po kayo meron nito?Saan nyo po ito gagamitin?"Magkasunod na tanong ng 8 taong gulang na anak tila nagtataka parin sa hawak nitong camera.

"Dba sabi natin at ni lola,bubuo at gagawa tayo ng mga good memories, kaya yan,bumili ako ng camera paraa makuhanan natin ng litrato ang mga magagandang memories natin".Mahabang paliwanang ng ama sa dalawa na satisfy sa nalaman nila lalo na ang 8 taong gulang na bata.Na excite naman ang batang ito at tila gustong gamitin.

"Pano po ba to gamitin,titopapa?"Ang batang 8 taong gulang na tila na eexcite sa bagay na kanyang hawak.

"Ganito,tingnan moko"sabi ng 10 taong gulang na bata at kinuha ang camera sa isa.
Ipinakita nito kung pano ito gamitin sa bata.
"Itutok mo ang mata mo sa may maliit na parang mirror na nato".Pagtukoy nito sa maliit na lens sa likod ng camera kung saan itatapat ang mata."Sunod naman ay pindutin mo ang nasa itaas na ito".Pagpapatuloy nito at tinukoy nmn niya ang parang isang button sa itaas ng camera."At iyon makakakuha ka na ng litrato".Huling sabi niya bago ito ibigay sa 8 taong gulang na bata.

Sinubukan ito ng bata ngunit sa umpisa ay hindi siya makakuha ng litrato ngunit sa sunod na try ay gumana at nakakuha ito ng litrato.Natuwa siya ng makakuha siya ng ibat iba pang mga litrato gamit ang camera at pinag pipicturan ang kanyang ama amahan at kanyang kapatid kapatidan.

______________________________________

first time writing a story...I hope na gets at hindi kayo naguluhan.Thank you for reading this and i hope you continue to read this...

THANK YOU SO MUCH..
MWAHH..MWAHH..LOVE YAH

Memories In CameraWhere stories live. Discover now