ONE SHOT

28 3 2
                                    



"DIG"

ONE SHOT




"oh Mariel don't forget about my warnings ha? Wag sumama sa strangers! Wag tanggapin ang food mula sa strangers and don't -"

Natigil si Anne mula sa pag papa alala sa anak na si Mariel nang sumabat ang bata sa kanya

"oo na po Mommy! Alam ko na lahat ng iyan! Since last night memorize ko na po lahat iyan!tama ng paulit ulit my ears are hurting na po!"

Pag rereklamo ng anak niya sa kanya pero imbis mainis ay natawa siya ng mahina dito

Na cu cutan siya sa anak at ginulo na lamang ang buhok nito

Unang araw ngayon sa school ni Mariel bilang kinder student kung kaya todo paalala si Anne sa kanya sa mga dapat gawin at hindi dapat gawin

Gusto man niya ito samahan sa school ay minabuti niyang bayaan ito sa unang araw pa lamang upang maging independent na bata palang

Siya din kasi ang makukusumisyon kung maaga pa lamang ay na baby na niya ito ng husto

"oh aalis na ba ang unica ija ko for school?"

Napalingon silang dalawa sa pinto ng kwarto

Iniluwa nito si Ken ang kanyang asawa may bitbit pa itong tuwalya at basa pa ang buhok halatang katatapos lamang nito maligo ng mga oras na iyon ngunit nakagayak na din

Nag hahanda na din itong pumasok mula sa trabaho bilang isang pulis habang si Anne ay dati ding pulis kung saan sila nag kakilala 7 years ago ngunit tumigil nang piliing maging may buting may bahay na lamang

"Daddy Ken!"

Sigaw ni Mariel at agad niyakap ang ama

"oh ingat sa school anak ha? Sabihin mo kay Daddy Ken pag may nambully sayo doon para masapak ko kaagad!"

Agad hinampas ni Anne si Ken sa braso

"kung ano anong tinuturo mo sa bata! Mariel wag kang makikinig sa Daddy mo ha?"

Tumawa na lamang ng malakas si Mariel

"then don't forget na kapag may nag bigay sayo ng flowers sabihin mo agad sa kaklase mong lalaki na ayaw ng Daddy mo na pulis na may manligaw sayo ha, lakasan mo pag sinabi mong pulis tatay mo pata matakot kaagad ha?"

"Daddy hindi naman ako pretty eh kaya walang manliligaw"

"Nope anak! Ang pretty mo kaya! Gwapo ang tatay so automatic maganda ang anak right? Hindi lang pwede ngayon ang mag boyfriend since bata ka pa"

Tumawa na lamang ng malakas muli si Mariel

Natigilan lamang sila tumawa nang marinig ang busina ang school bus ni Mariel

"oh anak time to go na!"

Paalala ni Anne

Tumango si Mariel at agad nag paalam sa kanyang Daddy Ken

Humalik din si Anne sa kanyang anak hudyat ng pag papaalam kumakaway pa siya habang todo ngiti sa anak habang papaalis ang school bus upang maipakita dito na positibo siya

Automatikong nawala ang kanyang maluwag na ngiti nang ma assure na ni Anne na nakalayo na ang kanyang anak

Biglang nandilim ang mukha nito na ipinag taka naman ni Ken

DIG (ONE SHOT)Where stories live. Discover now