~ OWY ~
"Hikain ka na nga, bat 'yan pa napili mong alagain. Puwede naman aso, rabbit, o aso talaga 'yung may lahi?" naiinis na sabi sakin ni kuya na nasa malayo. Nagsumbong kasi mga pakilamero ko na kapatid e. Akala ko talaga madadala ko sila sa bribe nang bilihan ko sila ng mga mamahaling cellphone. Bigo ako. Mapalo nga sa pwet ang mga iyon kapag wala si papa makaganti man lang. Joke lang! Haha! Mabuti na lang mahal na mahal ko silang mga kapatid ko. Naku talaga.
"Ano balak mo diyan?" iritado ni kuya.
Ay naku pake mo ba? Ikaw ba bumibili ng inhaler ko? Ikaw ba magpapakain sa mga 'yan? Wala na nga akong jowa pagbabawalan mo pa ako pasukin ang pag-aalaga ng pusa na dati ko pa talaga pinapangarap sa tana ng buhay ko? Saka hinihika lang naman ako dulot ng allergy o kapag nasa masikip, o kaya madilim, at pagod ako feeling ko kasi nasu- suffocate ako. Ano ba problema? Suntukan na lang? Ginagangster mo ako? Charot! Haha.
Eh sa cat person ako e. I behave and mood like a cat. I love cats tapos pag-aalagain mo ako nang hindi ko ka-vibe? Ayaw ko ng aso. Ayaw ko ng rabbit. Mas lalong wala akong balak sa may lahi na aso. Sa may lahi na pusa okay ako ahihi charot.
Bata pa lang ako cute na cute na ako sa mga pusa. Ewan ko siguro dahil pinagbabawal talaga sa amin iyon o banned yata ang pusa sa bahay namin sa kadahilanang mabaho daw ang pusa sa dumi, makalat, hindi maasahan, tulog nang tulog, kain tulog lang. Ay naku hindi ko dini-describe ang sarili ko. Iyong pusa kasi!
Iyon ang alam ko na dahilan bukod sa bawal daw sa akin kasi may asthma ako. Puro aso ang mga nagdaang taon na alaga namin. Nagiging close din naman ako sa mga aso namin. Pero naroon talaga sa part ng puso ko na sana magkapusa din ako lalo na kapag nakakapanood ako ng mga videos sa online tungkol sa mga cat. Mas nauudyok ako.
Para kasi sa akin bahuin ang aso kahit kakaligo lang, ang cats naman natural na mabantot ang dumi nila pero malinis sila sa katawan. At mas cute talaga para sa akin ang pusa. Ka-vibe ko.
Well iyon naman ang dahilan ko para sa sarili ko kaya I prefer cats rather than dog.
Pero siyempre nag-aaso pa din naman ako mga aspin sila kasi likas na sa kanila ang pagiging matalino lalo na kung nasa tama ang pag-aalaga bilang amo ka. I have this dog name Jazz, Cody, at Theo. Yes puro lalaki sila nagkataon lang na sa pag-ampon ko sa kanilang tatlo sila lang nakuha ko. May babae pero namatay lang kasi mahina ang katawan.
2021 pumutok ang viruses kung sa iba maraming nawalan ng trabaho at sobra talagang nalungkot. Ito naman ang naging daan sa akin para magkaroon ng regular na trabaho na siyang grinabbed ko dahil opportunity na iyon. Kisa naman ang tumambay lang ako sa bahay magpalaki ng ano basta ay gusto ko narin maka-earn ng sarili kong pera. Para makatulong na din sa gastusin sa bahay. Iyon naman ang naging daan sa akin para bumili ng pusa na stress reliever ko. Iyong tipong kapag need ko ng comfort ay mayayakap ko. Ay naku ayaw magpayakap ng mga kapatid ko! Kaya sa pusa na lang.
Kasya naman 'yung budget ko sa tingin ko, kaya ko naman makabili at maintenance ng pusa. At doon ang una kong pusa ay si Sassy na isang siamese cat. May mga nakapagsabi kasi sa akin na kung first time ko mag-alaga ng cats ay kung gusto ko ay magandang companion sila pero hindi ko inaasahan na may kasama si Sassy na pinangalan ko namang Lydia. Bigay lang siya para daw may kasama si Sassy at hindi malungkot. Parehas silang babae. At persian siamese naman itong si Lydia.
Noong una ok ok ko silang naaalagaan pero dumating sa punto na nag-inheat si Sassy kaya naman ay napilitan ulit ako bumili ng lalaki naman na ipapartner sa kanya. At nabili ko naman itong si Yeon Woo na isang persian. Pero ang shemay si Sassy naanakan naman ng puspin kaya hindi na umabot si Yeon Woo at the rest ay history na noong dumami na sila nang dumami lalo na noong nagre-rescue din ako ng mga kitten na tinatapon lang kung saan saan.

BINABASA MO ANG
PET LOVE STORY • A BL Story
RomanceNang dahil sa pusa ni Owy na si Yeon Woo makakatagpo niya ng landas ang binatang si Addy. Ayaw naman ni Addy ng pusa kaya parati binabantaan ng lalaki si Owy na may gagawin siyang hindi maganda sa alaga nito kapag bumalik ito muli pero ang nangyar...