Nang dahil sa pusa ni Owy na si Yeon Woo makakatagpo niya ng landas ang binatang si Addy.
Ayaw naman ni Addy ng pusa kaya parati binabantaan ng lalaki si Owy na may gagawin siyang hindi maganda sa alaga nito kapag bumalik ito muli pero ang nangyar...
"Hello, may nag-iwan ba sa iyo?" tanong ng wala ko na kamuwang-muwang sa isang stray cat sa kalsada habang sini-share 'yung food na natira ko sa lunch box. Suot ko pa niyon ang uniporme ko sa kinder nang bigla ko hawakan 'yung kitten nang dahil din yata sa ginagawa ko na pangbibigla sa pagkuha sa kanya para yakapin at ilapit ang mukha nito sa mukha ko kaya nagulat ito dahilan para makalmot niya ako sa pisngi.
Kitang-kita ko noon sa mga kamay ko ang ilang patak ng dugo dahil sa lalim at haba ng kalmot. Naitapon ko 'yung kitten nang di sadya sabay takbo nito palayo. Iyak ako noon nang iyak walang muwang sa lahat ng bagay sa mundo.
Kaya ang nangyari sinugod kaagad ako sa animal bite center para ma-inject ng erig anti-rabies dahil delikado daw 'yung nangyari sa akin.
Naalala ko noon nang makuwentuhan sila papa at mama patungkol sa akin at sa mga ginagawa ko.
"Alam mo hon kulang nalang pati 'yung gumagapang nalang diyan basta na ahas kausapin at biglang yakapin ni Addy. Ikakapahamak talaga ng anak natin iyon."
"Siyempre bata pa e hayaan mo munang i-enjoy ng anak mo 'yung purity niya."
"Sabagay,"
"Napakabait na bata ni Addy hindi ka ba masaya doon?"
"Nagsasabi lang naman ako lalo na delikado. Nasabong na nga iyan ng pabo kahapon dahil hinabol ba naman sabay hila sa pakpak para yumakap nang mahigpit. Paano nalang pati mga aso diyan sa labas? Alam mo naman anak mo lahat nalang."
"Saan mo ba pinaglihi iyang anak mo, kay barney pa yata e. Ahahaha!"
Nagtatawanan pa sila niyon habang ako wala lang.
Galing ako sa pamilyang pala-simba at mahilig gumawa ng rese-prentation ng mga animation patungkol sa mga kuwentong parabula o minsan naman ay kantang music video , kaya naman siguro parte ng childhood ko iyong mga napapanood ko na gawa nila. Mahilig din kasi ako noon manood ng mga gawa nila kaya naman kung ano 'yung impormasyon noong bata ako na pumasok sa isip ko mula sa napanood ko ay sinusunod ko. Katulad ng mga pagmamahal sa mga animals mga ganito ganyan.
Maniwala man kayo o sa hindi ganoon ako ka-inosente noong bata ako, but not now.
Ako nga pala si Addy Rui Sanchez.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang totoo niyan kung sa pagiging bata lang marami akong puwede i-kuwento pero dala narin nang pagtanda o mas accurate sabihin pagbibinata ay nagiging malabo narin ang ilan sa alaala sa isipan ko. May mga Ilan na parang nangyari lang kahapon sa sobrang linaw pa din pero may ilan din na bumabalik pero nawawala din sa alaala ko unless may magpaalala. I don't know ganoon na yata siguro.