CHAPTER 21

36 11 1
                                    

DANGEROUS LOVE

[CHAPTER 21]

°CLARA POV°

"Ayy ang dami naman nito ah" Ani ko kay Mariea habang nilalagay namin ang mga stocks sa refrigerator.

Birthday ni Vlad bukas kaya bumili sila ng maraming stocks ng pagkain. Syempre hindi naman ako guest sa birthday nya kase tutulong ako sa pagluluto at pagde-decorate.

"Syempre birthday ni sir bukas kaya dapat marami ang bibilhin nating pagkain..." Sagot ni Maria.

Mabilis din namang natapos ang paglalagay namin ng nga food stocks sa tamang lalagyan kaya napagpasyahan ko na maligo dahil baka mamaya makita pa ako ni Vlad na wala akong ligo haha!

I keep humming while taking a bath, maganda ang daloy ng tubig ngayun kaya ganado akong maligo.

***

"Miss mo agad ako noh?" Biro ko kay Vlad nang makita syang nakatayo sa harap ng aking pintuan.

"Magpasama ka kay Maria sa coffee shop ni Francis, order a lot of coffee pagkatapos dalhin mo sa office okay?" What? mag-uutos na naman ang lalaking 'to nakakaasar!

'di ba pweding ikaw nalang sumama sa'kin doon? Sayang naman oh.

"Pwede namang ako lang eh, bakit kailangan ko pa magpasama kay Maria hindi naman ako mawawala..." I said but he just gave me a death glare.

"Sige asan ba si Maria?" Tanong ko sakanya.

"Downstairs..." He responded.

Tumango ako at nagtungo na sa baba ayukong magsalita ang lalaking 'to dahil naiirita ako. Dapat kase sya nalang ang sasama sa'kin haha!

Nang makababa na ako nakasalubong ko si Maria parang handa na sa pag alis namin. Dumaan ang ngiti sa labi nya nang makita ako at agad syang lumapit sa'kin.

Ngumiti din ako. "Tara na nga Maria!"

***
"What's your order gorgeous?" Ani Francis nang nakatayo kami sa counter para omorder.

"50 coffee please..." Si Maria na ang sumagot. Ako dapat ang sasagot dahil ako naman ang gorgeous e 'diba? Haha joke lang!

"What flavor of coffe?" Si Francis.

Natahimik kami dahil hindi namin alam ang gustong e order ni Vlad na coffee. Isa pa 'tong si Maria, dapat tinanong nya kay Vlad kung ano ang gusto nyang e order na flavor. Pero hindi ko sya pweding pagalitan dahil mas matanda sya sa'kin at may anak din sya.

"Ano bang flavor ang pinapa-order ni Vlad?" Pabulong kong tanong kay Maria.

"Hindi ko din alam eh walang sinabe si sir..." Sagot ni marie.

"Ayy ano ba'yan, siraulong Vlad hindi man lang sinabi kung ano ang e o-order natin!" Naiinis kong saad.

Pinanliksikan ako ni Mara ng mata sign na pinapatigil nya ako dahil naririnig kami ni Francis.

"Sorry..." Saad ko at napayuko. Ano ba 'yan!

"Si kuya ba ang nag-utos sainyo?" Tanong ni Francis.

"Oo eh sino pa nga ba?" Asik ko dito.

Bahagyang napangiti si Francis pumunta sa kung saan gumagawa ng coffee.

Mga ilang minuto, dumating ulit si Francis dala dala ang tray ng coffee. Hala! Paano namin madadala kay Vlad yan? Ang dami!

"Ahh Maria, paano natin madadala kay Vlad yan?" Tanong ko sa babae.

Dangerous Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now