yuki no hana (my version; filipino)

14 1 0
                                    

I.

Hinahanap kita

Mula nu'ng lumisan ka

Anino't alaala

Nagbabalik sila

II.

Umaasa ako

ika'y magbabalik

Tuparin ang 'yong pangakong

iibigin mo ako

Ref.

Oh kay tagal mula nung huling magkita

At ang yakap mo'y inaasam

Kay lamig ng bawat sandali

Nagyeyelo aking puso

Nasaan ka na ba?

Chorus.

Init nang iyong yakap, tamis ng 'yong halik

Kailan madarama

Lamig ng gabi'y pawiin mo

Sa bisig mo, ako'y 'yong hagkan

Sana'y 'wag ka na sa'kin lumisan pa

At sa iyong pagbabalik

Buong puso ko'y ibibigay sa'yo

III.

Hinahanap kita ngayong nag iisa

Iniisip mo rin ba

mga bawat sandali

IV.

Umaasa ako

ika'y magbabalik

Tuparin ang 'yong pangakong

iibigin mo ako

Ref.

Sa gabi, ika'y panaginip

Sa umaga ay hanap kita

Kay lamig ng bawat sandali

Nagyeyelo aking puso

Nasaan ka na ba?

(Repeat Chorus)

Bridge.

At kung hindi mo na makita ang iyong daan

Pakinggan mo'ng awitin ko na para lang sa'yo

kung 'di mo makitang may nagmamahal sa'yo

Nandito lang ako, nandito lang ako

Init ng iyong yakap, tamis ng 'yong halik

Kailan madarama

Lamig ng gabi'y pawiin mo

Sa bisig mo ako'y 'yong hagkan

Sana'y 'wag ka na sa'kin lumisan pa

At sa iyong pagbabalik

Lamig ng gabi'y pawiin mo

Sa bisig mo ako'y 'yong hagkan

Init ng iyong yakap, tamis ng 'yong halik

Kailan madarama

Kailan man ako'y nandito lang

Ako sayo'y maghihintay

Boung puso ko'y ibibigay sa'yo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now