Third person's Point Of View
Dapit hapon na ng magpulong ang buong konseho sa templo. Masyadong mahamog dahil ngayong gabi din ang simula ng pagpapalit ng pwesto ng tagapagmana ng hari.
Ngunit nangangamba ako saking apo na syang papalit sa pwesto ng sinaunang hari. Baka dahil sa babaeng nakilala nya sa mundo ng mga mortal ay hindi pa matuloy ang pagpapalit ng bagong hari.
Hindi ko maiwasang mag-alala sa isiping yon gayong hindi rin alam ng buong konseho ang namamagitan sa immotal at mortal.
“Cristina,” tawag sakin ng punong konseho nasa likod nito ang hari na kapwa nakatingin sakin.
“Your highness.” yumukod ako upang magbigay galang. Napansin ko ang paglingon nito saking likuran, mukhang hinahanap na nila si Hance.
Hindi ko alam kung anong sasabihin kung bakit wala ito ngayong araw , pero natatakot din ako na baka may kung anong mangyare na hindi ko kailan man gugustuhin.
“Nasan ang tagapagmana ng trono? Anong oras na at wala pa sya.” usad ng hari.
“Gayon nga, uumpisahan pa natin ang orasayon para sa pagpapalit nila ang pwesto ngunit tila wala pa sya sa pulong ng templo.” wika naman ng punong konseho.
Hindi ako makatingin ng diretso sa direksyon nila dahil sa kaba na baka malaman nito na may hindi magandang nangyayare sa pagitan namin ng aking apo.
“May dapat bakong malaman kung bakit wala rito ngayon ang prinsepe?” tanong ulit ng hari sakin.
“Hari na ang nagtatanong majesty, may dapat ba kaming malama—”
“Wala, sapagkat narito na ako.” natigil ang usapin ng punong konseho ng marinig ko ang pamilyar na tinig saking likuran.
Nang humarap ako ron ay nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang aking apo na nakatayo kasama ang prinsepe Heduz.
Nakita kong nagsipag yukod ang buong kapulungan kaya naman ay nakigaya narin ako maging ang hari at ang mga punong konseho.
“Maari na nga ba nating simulan ang pulong?” seryosong usad nito sa buong templo.
“Maari sa loob lamang ng ilang minuto matapos mong makapag palit ng damit , mahal na prinsepe.” usad ng konseho.
Tumango naman ang apo ko saka bumaba ng templo, dumeretso ito sa kahoy na bahay at don nagpalit ng damit kasama ang prinsepe heduz.
Sinundan ko ito matapos makaupo ng hari sa kanyang trono upang makapag pahinga sandali.
Naging busy narin ang iba pang pulong kaya nagkaroon ako ng paraan upang makatakas ng wala man lang nakakaita sakin.
Nang makababa ako ay agad akong pumasok ron. Mukhang nagulat ang apo ko ngunit mabilis ring nakabawi.
“Ibig sabihin na nito'y tinatalikuran mona ang pangkat mo sa mundo ng mga tao? at manunumbalik na sa puder ng mga bampira? natutuwa ako at sumangayon sakin ang panaho—”
“Hindi ngunit, pumunta ako rito dahil sana ipagbigay alam sa hari ang namamagitan samin ni heduz sa mundo ng mga tao at ang minamahal namin, at napagtanto ko rin ang kakaibang nangyayare sa pagitan ng tao at bampira dahil sa dugong nadaloy sa ilong ni heduz.” wika nito sakin habang inaayos ang kanyang kwelyo.
Napaatras ako sa sinabi nito dahil hindi ko yon lubos na inaasahang lalabas sa kanyang mga labi upang sabihin sakin.
“Mahigpit na ipinagbabawal ng community natin ang pakikipag relasyon ng isang tao at bampira.” wika ko.
“I know lola.” kalmadong sagot nito sakin.
“Hance hindi ko nais gawin ang bagay na ito para lamang sa kapakanan mo, gusto kong maging tagapag mana ka ng trono para maging isang mabuting hari ng komunidad nati—”
“Hindi ko kayo bibiguhin, subalit hayaan nyo sana akong magdesisyon ng para sa sarili ko. Mahal ko ang motal na babae na yon, hindi ko kayang makita syang nahihirapan dahil sakin. Kaya nandito ako upang tanggapin ang pakikipag palit ng pwesto sa hari upang maisalba ko ang hatol sa kanya.” wika nito.
“Pasensya po majesty kung ako rin ay nagkasala. Hindi ko makitang mali ang ginagawa namin, alam kong naranasan nyo ring umibig at magmahal ganon rin ho kami, ipagpatawad ninyo.” saad ni Heduz, yumukod pa ito bago inalahad ang kamay para saking apo na papaalis na.
humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ko sila pigilang makaalis.
“Hindi ko gustong biguin at subukan kang linalangin. Gusto ko sya para sa iyo dahil alam kong magiging masaya ka kung malalaman mo yon. Ang ayaw ko lang ay ang maulit ulit ang nakaraan para sa inyo, hindi ko nais na paghiwalayin kayo ng landas subalit kung yon ang nararapat para sa kaligtasan ninyong dalawa ay magagawa ko huwag lamang mawala ang isa sa inyo.” tugon ko rito, mula sa nakatalikod nitong pigura ay humarap ang iyon sakin ngunit hindi kona kayang harapin pa sila kaya naman agad akong umalis gamit ang pagtagos sa gilid ng nakasaradong pinto.
“Inaakala ko ay hindi kana makakabalik agad sa ating templo kaya naman ay nangamba ako na baka hindi kana makipag palit sakin ng pwesto.” usad ng maestrong hari saking apo.
Kapwa itong ngumisi sa isa't isa bago tumikhim ang konseho upang simulan na ang pagpupulong.
“Tayo ay makakapagpasimula na, ngunit bago yon hayaan ninyo akong tawagin ang prinsepe heduz upang umpisahan ang oaths para sa panunumpa.” wika nito.
“May the secret be cloaked in the darkness.” sambit ng prinsepe heduz.
“And never see the light of day.” sambit naman ng lahat saka nagsipag upo.
Sobrang tagal hinagin ng panibagong hari kaya naman sumakto kami ng dapithapon kung saan pabilog na ang buwan.
Nagsiuwi narin ang lahat kabilang ang dating hari. Ngunit nanatiling parang bula ako sa paningin ng aking apo.
“Kung ano man ho ang nais ninyong parating sa sinabi nyo kanina, huwag ninyo na ho sana kaming pahirapan upang makakuha ng sagot.” usad ni heduz saka nagpatuloy sa paglalakad.
“At san kayo pupunta?”
“Magpapahinga, para bukas ay makatawid ulit kami papuntang mundo ng mga mortal.” sagot ni Hance sakin.
“Sana lang ay ayos ang desisyon mo sa lahat apo, ayokong makikita kang malungkot pag dating ng araw ng paghuhukom.” wika ko.
“Kung ano man yan lola, hinding hindi ko hahayaang paghiwalayin ang landas naming apat.” sagot naman nito sakin.
Wala akong nagawa kundi ang tignan lamang ang papalayo nitong bulto patungo sa kwarto ng punong hari.
Masakit para sakin ang balewalain ng sarili kong apo pero hindi ko naman hahayaang mangyare sa kanya ang nangyare sa hula ko.
Gusto ko syang makitang masaya ngunit mayron rin saking pangangamba na baka hindi nga ganon ang mangyare.
May mga bagay na dapat hindi ngunit para sa mga tadhana ay kailangang tapusin.
“Sana lang ay tama lahat ng gusto mo.” usad ko saka naman tinungo ang kwartong nakaalan para sakin.
Pabagsak akong humiga saking kabaong bago ay bumuntong hininga saka pa lamang yon isinarado.
YOU ARE READING
Your Doctor
Vampire[ COMPLETE ] A girl named Alliyah Sandoval is have a lot of ambition and dream for her family even herself. She wish to be a licensure PNP police officer someday. She was in a 4rth year college student who has enrolled in a famous college university...