Chapter 24

25 2 0
                                    

Hance De Silva's Point Of View

Hindi agad nakatagal sila Heduz at Cleofa dahil marami pa raw silang kailagang gawin sa kanya kanyang bahay kaya naman naiwan kaming dalawa ni Alliyah.

Mas gusto ko rin yon dahil mayroon akong nais sahihin at itanong sa kanya. Ngunit nangangamba ako na baka hindi magtugma ang nais ko sa nais nya.

“Kanina pa kita nahahalata na parang may gusto kang sabihin?” tanong nya sakin habang naglalakad kami sa hallway ng mall.

Nagpatuloy parin ito sa paglalakad kahit na tinuturan nya ang sinasabi sakin. Nanatili lamang ako sa tabi nito hanggang sa marating namin ang parking area.

“Nararamdaman kita! May gusto ka talagang sabihin sakin.” pangungulit pa nito saka huminto sa paglalakad sa tapat ng pintuan ng passenger seat.

“Wala ano, gusto ko lang na ihatid ka pauwi ng makapagpahinga kana.” tugon ko sa kanya. Pinalobo nito ang kanyang pisngi at humarap sakin ng nakasimangot.

“Seriously, let's go now.” hinawakan ko ang braso nito pero napakabilis ng pangyayari na dulot ng paghawak ko sa kanya ay saka lamang parang may nag flash na memorya sa isipan ko.

“What's wrong?” tanong agad nito ng hindi ako makabawi ng pagkabigla. “Namumutla ka, ayos ka lang ba?” sunod sunod na tanong nito sakin pero wala parin akong imik at nanatiling nakahawak lamang sa braso nya.

“Hance? Hey? you okay?” hinapit nito ang bewang ko at isinandal yon sa kotse na nakaparking sa Area. “Okay ka lang? May masakit ba sayo? ano?”

“Hance...” sabay kaming lumingon ni Alliyah sa tinig na tumawag saking pangalan. Bumungad samin si Heduz na kapwa nakatingin samin pawis na pawis rin ito.

Hindi pa nya nasasabi sakin ang dahilan ngunit para sa isang bampirang nakakabasa ng isipan ay alam kona agad ang dahilan.

Matapos kong maihatid si Alliyah sa condo ni Cleofa ay don pa lamang kami nakapag usap ni Heduz ng maayos.

“I kno—”

“It's Alliyah.” putol ko sa sasabihin nya.

“Ano ng gagawin natin ngayon?” sunod na wika nito sakin.

Mabagal akong nag-isip bago ako sumagot sa tanong nya.

“Pupunta ulit tayo sa templo pero hindi ko alam kung pano si lola ang gusto kong makausap dahil alam nya ang tungkol sa fate na yon.” wika ko naman sa kanya

Mukhang naintindihan nito ang nais ko kaya naman agad syang sumakay sa passenger seat pinaandar namin ang sasakyan hanggang sa huminto kami sa vampire land kung saan ang tagusan papuntang vampiredom.

“Sigurado kana about sa sasabihin mo kay lola cristina?” tanong pa nito ng nakatayo na kami sa mismong lagusan.

“Wala akong choice kundi ang tanggapin ang tadhana na yon. Pero hindi para patayin ang babaeng mahal ko, kundi babaguhin ko ang patakaran na yon hindi lang para sakin. Kundi para sa nagmamahal din.” tugon ko naman dito.



MAG-GAGABI na ng makarating kami sa mansion ng lola nakailang balik kami sa vampirdom ngunit ang sabi samin ng mga tagapagsilbi ay nakabalik na daw si lola sa mundo ng mga tao kaya naman heto kami at naghahanap parin sa kanya.

Nagdoorbell kami ng ilang beses bago pa lumabas ang katiwala ng lola. Nagdahilan pa ito na wala raw ito sa bahay ngunit bilang isang pamilya nararamdaman kong timataguan lamang ako ng aking lola.

Hindi nakapag timpi si Heduz kaya naman gumamit sya ng mahika upang makapasok kami sa loob ng mansion.

Hinarap namin si lola, nakaupo ito sa sofa habang hawak ang vampire book.

“Alam mo na si Alliyah ang babaeng mamahalin ko? Alam mo na sya rin ang babaeng napaslang ni husefa sa panaginip ko? Bakit hindi mo man lang binago ang takto ng tadhana na iyon lola!” sigaw ko dito.

“Dahil ayon ang tadhan ninyong dalawa.” usad nito sakin.

“Ikaw ang diyos ng mga tadhana bakit hindi mo kayang baguhin ang isang iyon para sakin. Akala ko sa mga pahiwatig mo ay isang napakagandang balita para sakin pero hindi!” tugon ko.

“Hance huminahon ka muna.” singit ni Heduz. “Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyare ngayon nagiinit ka nanaman.”

Alam ni heduz ang bagay na yon na sa tuwing mag-iinit ako ay nagbabago ang itsura at paguugalit ko na minsan ay ayaw na ayaw kong mangyare.

“Alam na ng konseho ang mangyayare sa pagitan ninyo ng tao na yon.” kapwa kami nagulat ni heduz sa bagay na aming narinig mula sa aking lola.

“Alam.... nila....” dahang dahang sabi ko.

“Oo, subalit nagbakasali silang sabihin mo kung hindi ka magsasabi. Pero hindi mo ginawa, gusto mong baguhin ko ang tadhan ninyong dalawa pero mamamatay ako kung gagawin ko ang bagay na yon, nanggaling din ako sa pangkat ng mga tao apo kaya may chance na ikamatay ko ang bagay na gusto mo.” tugon nito sakin, nanlumo ako ng malaman ko ang bagay na yon.

Sa huli ay lumabas kami ni heduz na wala man lang nagawa para kay Alliyah. Lugmok na lugmok ako habang naglalakad palabas.

Pero ng nasa labas na kami ay agad bumungad sakin si cleofa na kabababa lang din ng taxi, sinalubong ito ni heduz pero nagtaka ako ng hindi nya kasama si Alliyah.

“Hance, si Alliyah kinuha sya ng mga lalaking nakaitim na kapa at hindi ko alam kung saan sila pumunta, bigla na lamang itong naglaho kaya pumunta agad ako dito dahil baka kung anong gawin nila sa kaibigan ko.” balita nito.

Your Doctor [ Complete ] Where stories live. Discover now