DA ni "L"

58 1 3
                                    

Write your story here.

"WHAAAT? My story? What story? Nooooooooooooo!" This is crazy.

PAGBUBULAY-BULAY

4:49am April 2, 2013

Kulay puting mga dingding-apat, liwanag ng isang pabilog na fluorescent na nakapuwesto katabi ng isang malaking ceiling fan na nagbibigay ng papatay-patay effect yet helpful na liwanag mula sa nasabing fluorescent.

Yan ang nakikita ko ngayon. Nasa ospital ako at nakaratay.. hindi dahil sa isang malalang karamdaman.. may nagpasama lang na kaibigan. BTW, nakaratay ako sa isang matigas na monoblock chair. Nanganak na kasi.. ang misis niya last month pero kapatid niya ang nanganak ngayon. Oo, magulo! Yung buhok ko kaya ako nagpasyang magpakalbo nung nakaraang linggo.

Gaya ng isang aleng nakalimutan ang sukli kay suki.. balik tayo. Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang popular na social networking site na hindi ko na papangalanan para di humaba ang kwento *FACEBOOK* mula kay Ken, kaibigang nagpasama sa ospital na nanganak ang misis last month pero kapatid niya naman ngayon ang nanganak.

"Asan ka? Samahan mo ko sa Ospital." msg niya sakin. Nag-alala ako at pumasok na sa isip ko ang napakaraming ideya at mga rason sa buhay kung bakit maraming tao ang nalululong sa masamang bisyo, kung bakit pumapasok sa pulitika ang mga sikat na artista at bakit nadamay ang sabaw ng pusit sa tanong kung posible ba ang isang bagay na mangyare sa kasalukuyan at hinaharap kaya bago pa mapanis ang mga ideya ay nagreply ako kaagad ng "K."

"Brum! Brum!" Ilang segundo lang (about 63-64.5 secs) andyan na kaagad si Ken para sunduin ako. Nakakabigla at nakakabitin ang mga sumunod na pangyayari..

Para paikliin ang mahabang istorya.. naboboring na ako dito sa ospital at wala akong magawa kaya napagtripang pudpurin ang mga germs sa dulo ng aking hinlalaki sa pagtype ng mga ito. 5:12am na! Bukas na ang bakery.. rakenrol.

DA ni "L"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon