(Author's Note: If you are familiar about sa surname na Fujiyoshi and Ezatoki well I caught it on UNIS Japanese member Kotoko Fujiyoshi and Nana Ezatoki (Fujiyoshi Kotoko & Ezatoki Nana). Iniba ko lang name nila as Kicho and Naya.)
****************
Ako si Kicho Fujiyoshi, sounds weird right? Wala akong magagawa yan ang ipinangalan ng parents ko sakin e. Palayaw nila sa akin ay Cho but I don't like it kase para akong mataray kung tawagin, but wala akong magagawa dahil sila ang nagpalayaw sakin nyan. Hayytss..
I have a boy friend. Kaibigang lalaki. He's so nice to me. He's so caring that's why I'm fallen in love with him. But, he likes someone. Ako yung nandito pero sya ang hanap nya. Ning wala naman syang paki sa feelings ng kaibigan ko.
*********************
“Jero, pupunta ako sa bahay nyo mamaya. Makikikain lang.”sabi ko habang ngumunguya ako ng bubble gum.
“Huwag na, wala namang pagkain sa amin e. Hindi ako nakapag-grocery.”sabi nya sabay himas sa batok.
Namo tamad talaga nito!
Tumingin ako sa drinodrawing ko. Ano ba tuh pusang gala?! Napakunot ang noo ko sa drinawing ko.
Bigla ay hinablot naman ni Jero ang papel na drinowingan ko.
Napakunot din ang noo nya saka sya tumawa sa drawing ko. Kaya napanguso ako at sinamaan sya ng tingin.
Makuha ka sa tingin bwisit ka!
“Ang cute ng drawing mo, Cho. Nakakatawa lang.”tawang tawa nyang sambit.
Bigla ay may pumasok sa isip ko. Haha!
“Tinatawanan mo sarili mo, Je?”natatawa kong sabi. Ano ka ngayon!?
Napakunot ulit ang noo nyang tumingin sakin. “Ano? Ako toh, Cho?”tanong nya sabay turo sa drawing ko. Hehe.. Lintek lang ang walang ganti, dude!
“Cho, naman! Bakit naman ganito ako dito? Itapon mo yan!”sigaw nya sabay abot sa akin ng papel na may drawing ko.
Inirapan ko sya at kinuha ang drawing ko. “Ayoko! Sayang naman. Ang cute mo pa naman dito.”I said ang giggled. Napa-english tuloy si me.
We're here at the library pero dahil sa ingay naming dalawa pinapaalis kami ng librarian. Si Je kase!
Lumabas kami sa library baka kase maging amazona pa ang si ateng librarian. Baka menopausal na nya. Malay natin dba? Tanda na nya kase, matandang dalaga kase yun.
“Ayun tuloy pinapalabas tayo! Ikaw kase!”paninisi ko kay Jero sabay siko sa kanya.
Inayos nya ang pagkakalagay sa bag nya saka nya ako sinagot. “Ako pa sinisi mo. E sino ba sa atin ang nag-drawing ng hayup?”pang-aalaska nya.
“Duh, e di hayup ka nga? Ikaw naman kase ang drinawing ko tss..”sarkastiko kong sagot sa kanya.
Napadpad kami sa Cafeteria kase nagugutom kami. Vacant kase namin ngayon kaya tumungo ako sa Cafeteria. Ewan ko lang sa hayup na 'to bakit sumunod sa akin e nagbaon naman sya ng kanin. Ah baka kanin lang binaon at dito bibili ng ulam. Nice nice..
Vacant ba ng mokong na 'toh? Feeling ko parang hindi naman. Di kaya nag cutting classes toh?
Habang papalapit kami sa counter ay tinanong ko sya. “Je, nag cutting classes ka ba?”bulong ko sa kanya.
Napatakip sya ng ilong ng parang may nasimot syang di kaayang ayang amoy. “Ang baho ng hininga mo, Cho!”reklamo nya.
Sinamaan ko sya ng tingin at hinampas ang braso nya. “Gago ka! Seryoso akong nagtatanong e!”sigaw ko na nakaagaw ng atensyon sa mga taong nandito sa Cafeteria.
YOU ARE READING
One Shot's Story
RandomThis is just a One Shots Story... I hope you'll like it. Written by: Ley Write (which is me, my Facebook Story Account. There I post an One Shot's Story.) Facebook Account (pen name): Ley Write Wattpad Account (pen name): Deserve2smile (Ashley Jea...