CHAPTER SIX

3 0 0
                                    




"Hey, Shade!" Aki shouted out suddenly. 




Hindi ko napigilan yung bibig ko na mapamura nang muntik na ako banggain ng kotse na dadaan papuntang Pnoval. 




"Are you okay?" agad na tanong ni Aki sa akin. "Mag iingat ka nga." dugtong pa nito.




HUMIHIKAB PA AKONG bumangon galing sa sarap ng tulog ko. Ikaw ba naman ihatid sa dorm mo after a cafeteria date, mapapasarap talaga ang tulog mo. 




"Tang-" agad akong napamura nang bigla ko na lang makatitigan si Joe. 




"Aga aga, Shade." natatawa niyang sabi nang marinig ako nitong magmura sabay nanlaki ang mata niya.




Binato ko na lang ito ng unan atsaka binalik din sa akin ang bato. Tuluyan na rin nagising ang diwa ko sa kalokohan naming dalawa.




"Ang aga mo naman magising? May ganap ka ba ngayon?" taka kong tanong kay Joe.




"Hindi pa ako natutulog." sagot niya sa akin. "Sana lang talaga mataas ang score ko sa Anaphy."




From: Mother Earth 

Uuwi ka ba ngayon, kuya? 




Before responding to my mom, I checked if there are announcements regarding our NSTP schedule today. Alam ko kasi na from 8 AM to 5 PM kami everytime na may sessions.




"The sessions will be conducted online." malakas kong pagbasa na nagpangiti naman sa akin.




To: Mother Earth

Yes po, ma! Maliligo lang po ako and will update you po <3 




Dali dali na akong naghanap nang isusuot ko paluwas ng Bulacan. Si Joe naman, natulog na nang matiwasay at kawawa naman dahil nagpuyat nga pala siya kakareview. 

Caught the Fallen Feelings (University Belt Series # 1)Where stories live. Discover now