Upuan (hambebe) ₊˚⊹♡

13 0 0
                                    

GWEN

"Gwen, please introduce yourself."

"H-hello," nauutal kong bati, hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang sarili sa klase. Hindi ako sanay sa ganitong bagay dahil sa napaka-introvert kong tao at takot akong magkamali sa harap ng maraming tao.

"Go, sissy ko! Kaya mo 'yan!" pagmo-motivate ng isa sa aking magiging kaklase at tila'y nag-slow motion ang mundo nang titigan ko ang kanyang mukha.

May pagka-wavy at mahaba ang kanyang kayumanggi na buhok, mapupungay na mga mata, at inosenteng ngiti ng kanyang labi na nakakahulog damdamin. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya at tila'y gusto ko pang titigan ito ng matagal pero nasa harapan ako at nasa akin ang atensyon ng lahat. Sa tanang buhay ko, never akong nagkaroon ng love at first sight ng ganito at sa babae pa. Pakiramdam ko nag-blur lahat ng paligid ko at nakafocus lang sa kanya ang paningin ko.

Mata'y 'di maipikit
Nang 'di ka naiisip

"Gwen?" bigla akong nagising sa saglit na pagiging tulala, agad akong lumunok at bumuntong-hininga. Nakakahiya! Nahalata ba nila ako? Nahalata ba niya ako?

"M-My name is Gweneth Apuli, nice to meet you a-all." maikling pagpapakilala ko at pupunta sana ako sa likurang row para doon umupo pero biglang hawakan ni Ivy ang kamay ko.

"Gwen dito ka na lang muna sa katabi kong upuan, vacant naman 'yan. May nakaupo na kasi doon," nakangiting aniya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Nilapag ko na lang ang bag at umupo, nilabas ko na ang notebook at ballpen ko at nilagay iyon sa desk ko. Pakiramdam ko, hindi ako mapapakali sa pwesto ko dahil una, nasa harapan ako at katapat iyon ng teacher's desk. Pangalawa naman, katabi ko siya at bumibilis ang tibok ng puso ko. First day ko pa lang, ganito na agad ang kinikilos ko. Paano pa kaya sa susunod?

"I'm Sheena!" pakilala niya at pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil hindi na naman mapakali ang puso ko. "Pwede mo 'kong tawagin Shee, wag lang shee-shee. Kadiri pakinggan e." biro niya sabay tawa. "Shee-shee? Hahaha!" dagdag pa niya. Hindi ko ba alam kung dapat ko ba siyang ngitian o sabayan yung joke niya dahil para akong pagpapawisan sa ganda ng ngiti niya.

Ang utak, nilalaro
Ang hugis ng puso ko

"Huy, biro lang! Ayos ka lang ba?" tanong niya at dali-dali akong tumango. Kailangan kong i-kalma ang sarili ko. "Okay, sabi mo e," aniya sabay inangat ang balikat na parang hindi kumbinsido at nagfocus na lang sa discussion. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay tatanungin pa niya ako ulit. Buti na lang!

Nang matapos ang discussion ay bigla akong tinapik ni Sheena, "Gwen, kwek-kwek tayo!" nakangiting aya niya, hindi ko alam kung anong isasagot ko at biglang naurong na naman ang dila ko. "Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita e. Naninibago ako na may katabi akong nonchalant," aniya sabay tawa ulit. Sasama na lang siguro ako dahil siya pa lang naman ang nag-approach sa'kin ngayong araw sa klase, wala rin akong kilala o kaibigan dito.

"Uhh.." u-oo na sana ako nang biglang may pumasok sa room na tingin ko'y Grade 12 na dahil sa kulay ng ID lace nito. Naka-plain tshirt lang ito pero naka-school skirt ito at lumapit kay Sheena, Aiah ang name na nakalagay sa ID niya.

"Ba't nandito ka, Ate Aiah?" tanong ni Sheena habang nililigpit ang gamit nito. Napakamot si Aiah sa batok nito at pilit na ngumiti kay Sheena. "May training daw sabi ni Jhoanna."

"Bakit ngayon? Wala pa namang dance competition ah!" reklamo ni Sheena at sinukbit ang tote bag nito sa balikat tiyaka inayos ang buhok nito.

"Teh, meron na. Kaya nga kita sinundo ngayon e!" ani Maloi tiyaka inayos muna ang buhok nito.

"Biglang nag-announce na next month daw ang laban sa City Division. Nga pala, sino pala 'tong kasama mo?" tanong niya at tumingin sa akin. Pilit akong ngumiti tiyaka ako nilingon ni Sheena tiyaka binalik ulit ang tingin sa kausap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

mga tugtugin (bini oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon