Chapter 1

2 0 0
                                    


'In a distressing turn of events, a kidnapping has taken place at Poblacion, resulting in the reported disappearance of Lyza Madrid. Lyza, a 17-year-old grade 12 student at Liu Feng Academy, was last seen in the vicinity. Local authorities are launching an intensive search operation and appealing to the public for any information that could aid in locating Lyza and bringing her to safety. Updates will be provided promptly as the investigation unfolds.'


Pinatay ko agad ang cellphone ko pagkabasa sa breaking news.


"Tatanga-tanga ka kasi." Napaaray ako sa diin ng pagkakapunas ni Joy sa sugat ko. "Bakit naman gumanti ka pa sa mga basurang 'yon? Napagkaisahan ka tuloy."


Sa nangyayari ngayon, parang siya pa ang galit. Kung tutuusin nga, sila pa yung kawawa, eh. Paano ba naman, tatlo na nga sila pero hindi pa rin sila umubra sa akin. Nakalmot nga lang ako nung Miyang yun sa mukha kaya ako nagkasugat, eh.


"Pero in fairness, ang galing mo kanina dun." Tingnan mo nga naman yung moodswing ng babaeng 'to. Parang kanina lang, halos ingudngod na niya yung icebag sa mukha ko.


"Sila naman kasi yung nauna," panimula ko habang kinukuha yung icebag mula sa kamay niya. "Hindi kasi matanggap ni Miya na natalo ko siya sa debate kanina. Sa totoo lang, wala naman talaga dapat debate. Ako lang naman kasi yung tinatanong ni Maam. Ang kaso, bida-bida yung ugok na 'yon, binaliktad pa yung sinabi ko, edi sinagot ko sya hanggang sa wala na siyang ma-rebut. Tapos ngayon mang-aaway siya? Ang galing!"


"Hi, mga bading!" masayang bati sa amin ni R-Jay na may dala-dalang pagkain. Binigyan niya kami ni Joy ng kwek-kwek at palamig. "Balita ko may nawawala na namang estudyante."


"Mga tumakas lang yun sa bahay nila para makipagtanan," natatawang sambit ni Joy.


"Gaga! Nakidnap na nga yung tao ginaganyan mo pa." Nilipat ni R-Jay ang atensyon sa akin. "At ikaw naman..."


"Aray!" Napahawak ako sa noo nang pitikin niya ito. "Bakit?!"


"Anong bakit? Nakipag-away ka naman sa F3 na 'yon. Hindi mo ba alam na malakas ang hatak nung tatlong yun sa dean? Oh, si Miya, tita niya yung ninang nung apo nung dean. Si Layla naman, shota niya yung apo nung dean, at si Hana, siya mismo yung apo nung dean." Napakahabang pagsasalaysay ni R-Jay. "Oh sa tingin mo, kapag nagsumbong yun, may magagawa ka?"


Napairap ako sa sinabi niya. "Alam niyo, kayo, imbes na pinapangaralan niyo ako ngayon, bakit kasi hindi niyo na lang tinulungan kanina? Edi sana wala akong kalmot ngayon---ARAY!" Si Joy naman ang pumitik sa noo ko ngayon.


"Hindi ka ba nag-iisip? May organization kaming pinanghahawakan at kailangan naming mapanatili yung maganda naming records dito sa school." Halatang-halata sa boses niya ang pagkainis.


"Hindi ko naman sinasabi na makisama kayo sa away, eh. Ang sinasabi ko lang, pwede kayong tumayong witness. Yung F3 na yun, walang ibang credentials 'yon kung hindi yung connections nila sa dean. Ikaw, *turo kay Joy* president ka nung Red Cross kineme. Ikaw naman, *turo kay R-Jay* may posisyon ka sa Student Council. Pwede mong ipalabas yung CCTV footage nung pag-aaway namin para makita na sila talaga yung nanguna. At kung kampihan man ni dean yung tatlo, sa tingin niyo, kanino yung sabit nun? Edi sa dean din!"

Bliss Beyond BoundariesWhere stories live. Discover now