"Harriette, anong plano mo?" tanong ng kaibigan ko sa akin habang nagsusulat ako ng aralin namin ngayon. Our secretary is the one writing sa board. Wala ang teacher dahil may meeting sila for our intramurals. Kasali ako sa SSG. Alam kong pagkatapos ng meeting nila ay kami naman ang magme-meeting dahil kami ang mag-aayos para sa event.
"Hindi ko pa alam," sagot ko kay Rae. He's my best friend since we started high school. I'm currently in Grade 9, at tinatanong niya ako tungkol sa Editor-in-Chief position sa school paper namin.
"What? That's your dream? Ate, don't tell me ayaw mo na?" hindi makapaniwalang sambit niya. Tiningnan ko siya, baka nasa mukha niya ang sagot.
"Gusto ko iyon, pero since next school year pa naman iyon, mag-focus muna ako sa SSG at pagiging news writer ko."
Since I was in grade school, palagi akong sumasali sa journalism. Nang tumanda na ako, naging pangarap ko na ang maging journalist, a well-known journalist. Nasa SSG din ako ngayon, at katulad ng pagiging manunulat at tagapag-ulat, gusto ko ring maglingkod sa mga tao.
Nagdadalawang-isip ako kung saan ang kukunin ko, kung ang SSG president ba o Editor-in-Chief sa aming school paper. Grade 10 na ako next year, at sinasabihan ako ng current EIC na kunin ko na iyon. Pinagiisipan niya rin kung itutuloy niya ang pagiging EIC o kukunin niya ang SSG president.
Grade 12 na siya next year at pressured siya sa mga gawain. Our secretary in class finished writing on the board kaya tapos na rin ako.
"Pag-isipan mo! Puro ka EIC dito, EIC doon. Alam kong mas timbang ang journalism sa 'yo. Pwede ka pa namang maging officer sa SSG pero mas mababa lang."
Tumango ako. He's right. My best friend is my academic rival. We are striving to get the highest honors.
"Matagal pa naman! SSG muna ngayon! May paparating na intramurals kaya doon muna tayo," he's the protocol officer and I'm the current secretary.
"Go, pero that's your dream, pag-isipan mo."
Tumunog na ang bell dahil recess na. Linagay ko ang mga gamit ko sa bag at kinuha ang wallet. Hinintay ko si Rae at Mallory.
"Ano ang bibilhin niyo?" Rae asked as we walked through the door para pumunta sa canteen.
"Siguro pancit tsaka Coke na lang," sabi ni Mallory.
Naglalakad kami nang makita namin ang current president ngayon na si Ate Maja. "May meeting tayo mamaya, guys."
"Sige, Ate, anong oras?"
"Ah, before uwian, mga 3:30. Punta na tayo sa main campus for the meeting with our adviser. Para saktong 4:45, uwi na," ngumiti siya at nagpaalam. She's graduating and marami siyang responsibilities.
Kami naman ay dumeretso na sa canteen. Rae saw his crush kaya inirapan ko siya. Kilig na kilig?
We bought pancit and Coke at bumalik na sa room. After naming kumain, iniligtit namin iyon at saka nagcellphone ang iba. Wala pa ang mga teachers kaya wala rin kaming ginagawa. Nilabas ko muna ang laptop ko at tiningnan ang article na pinapapasa ng organization adviser namin.
"Te, tapos mo na ba article mo?" tanong ni Rae habang naglalaro ng Mobile Legends.
"Yes, kagabi pa," I edited some grammatical errors and turned off my laptop.
"Putcha, bilis, idol," I rolled my eyes. Magaling siya, kaya niyang gawin ang article niya ng isang oras lang. Ako, kaya ko rin pero marami akong ginagawa kaya kung may time, gagawin ko na. Magtatapon sana ako ng papel nang may narinig akong sigawan sa kabilang classroom. They are the section Ruby, at sila ang huling section.
"Ano 'yon?" tanong ni Rae na ibinaba ang cellphone dahil sa narinig. Nakita ko naman si Mallory na tumatakbo papasok sa room.
"Gago kayo, may away sa kabilang section! Bilis habang nag-aaway pa," taranta niyang sabi. Ang mga chismoso kong classmates ay dali-daling lumabas para tingnan. At ako naman ay lumabas din para tingnan.
"Ha? Gago ka? Ikaw ang naunang sumuntok!" sigaw ng isang lalaki.
Napatingin naman ako sa isa. Hindi na ako nagulat. Sino pa ba? Siya lang naman ang anak ng governor namin dito.
"You're testing my patience, binibilangan kita sa utak ko dahil sa bunganga mo. Hindi ka talaga hihinto eh kaya sinuntok na kita," ang anak ng governor ang nagsalita.
"Eh totoo naman? Anak ka ng drug lord! Kaya hiniwalayan ng daddy mo ang mommy mo kasi addict at nagbebenta ang mommy mo!" ang isang lalaki naman ang nagsalita.
I don't get these two people. Ngumiti ang anak ng gobernador at biglang sumeryoso at sinuntok sa mukha ang isang lalaki. Ayon, tulog.
Ang mga nanonood naman ay humiyaw sa nakita. Dinaluhan nila ang nawalan ng malay at ginigising ito.
"Tss, weak."
Iyan ang sabi ng anak ng gobernador at naghahandang umalis. Nasa daanan ako kaya nasagi niya ang balikat ko pagkalabas niya.
"Ouch," tangina nito, idadamay pa ako.
"Gago te, nakakatakot! Bukas nasa guidance na naman 'yan tapos hindi ma-eexpel kasi anak ng gobernador. Parusa niyan suspend lang ng tatlong araw," sabi ni Rae sa akin habang hinahawakan niya ang balikat kong nasagi ng lalaki.
"Tss, bakit ba kasi 'yan nandito? Basag ulo!" Si Mallory na pabalik na sa room namin na nakikisabay sa ibang mga tao.
Nakarinig kami ng harurot ng motor at alam naming siya 'yon. Kahit may guard ay nakalalabas pa rin 'yan dito.
Kasi nga anak ng governor.
Pumasok na rin ako sa loob ng classroom. Nandoon na si Rae. Umupo ako. This is getting on my nerves! Bwiset. Palagi 'yang nasasangkot sa away. Hindi na nag-aral, puro away na lang.
"Sis!!! Omygosh, feel ko ha! Feel ko lang. 'Yan ang susi mo for the Editor-in-Chief position!" papalapit si Rae sa akin.
"Eh? No, I don't want to be involved sa kanya. Baka madungisan pangalan ko, imbes na makuha ko ang EIC, baka lalong hindi."
"Gaga ka! Sinasabi ko sa 'yo malaking chance 'yan. Tingnan mo, si Ma'am Jenny sasabihin sa 'yo 'yan ang project mo."
"No, kahit pa anong price niyan. Makukuha ko ang EIC kahit wala 'yan!"
VOUS LISEZ
Ink and Flames (HSS Series #1)
RomanceHIGH SCHOOL SWEETHEARTS SERIES #1 Harriette Seraphina Maraña is a determined high school journalist who aspires to be a well-known journalist. She has a reputation for her keen intelligence, dedication, and talent for finding the truth. Harriette, w...