🦂2

1.2K 23 0
                                    

Ashianna's POV

"Ash!" Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat sa malakas na pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.

Tinapunan ko ng matalim na titig ang babaeng pinagmulan ng sigaw. It's my cousin, Lindsey. Ngumiti siya at nag peace sign pa. Agad akong umirap at nagiwas ng tingin. Ibinalik ko na lamang muli sa libro ang aking atensyon, at hinayaan na lamang ang aking pinsan na maupo sa tabi ko.

"Ash, enough on that. Kanina pa kita chinichika oh. Mas important ba 'yang libro na 'yan kesa saken, your very own cousin? Ha?" Ani Lindsey habang nagkukunwari pang nagpupunas ng luha. Nilingon ko siya sandali bago muling ibalik ang atensyon sa libro. "Ash..." Muli niyang tawag. This time she even poke my shoulder while pouting her lips. Ilang sandali ay hindi ko na mapigilang matawa dahil sa itsura niya.

"Mukha kang pato." Komento ko.

"Sure, this is the prettiest duck ever exist." Anito na ikinatawa ko na lang.

Ibinaba ko ang libro ko at humarap sa kanya at sinenyasan siya na ipagpatuloy ang kung ano mang pinagsasabi niya kanina, at nagsimula na nga itong magkwento. Wala paring pagbabago. Iisang tao parin ang laging bukang bibig niya hanggang ngayon, ang kaklase niya. Aaminin ko, nakakasawa ng pakinggan ang mga rant niya tunggol sa "worst enemy" kuno niya na halata namang crush niya talaga. Lagi siyang nagrereklamo sa pangbubwesit ng taong 'yun sa kanya araw araw at laging ini emphasize ang kagustuhan niyang mawala ito sa landas niya, pero tuwing sina-suggest ko na lumipat na lamang siya ng paaralan o bumalik sa unibersidad namin ay lagi siyang gumagawa dahilan, pero ano nga ba ang magagawa ko, I need to understand her because she's my cousin.

After an hour, tapos na din siya sa wakas at ngayon ay kasalukuyan na siyang nasa aking silid at mahingbing ng natutulog sa kama ko, habang ako ito at ipinagpapatuloy na ang pagbabasa.

"Young lady."

Agad akong nag angat ng tingin, at sinalubong ang matamis na ngiti ng aking mga magulang. Tumayo ako at agad nagmano sa kanila.

"Baby, we've heard that you're the top 1, congratulations honey, we are so proud of you." Ani Mommy.

"Yeah, good job. Now, tell us what reward you want. We can arrange a party for you-" Ani Daddy.

"I want a beach party, I'll invite my Amigas!" Suhesyon ni mommy.

"Sure! Let's invite the whole university too. I want a huge party-"

"I don't want a party, mom, dad." Agad silang natigilan at magkasabay na lumingon sa gawi ko.

"W-why?"

"You both know, it's not my thing right? No need to spend something, you already knew what I really want."

"A "me time" for summer vacation again?" Hindi makapaniwalang tanong ng aking Ina, na sinagot ko lamang sa pamamahitan ng simpleng pag tanggo.

"But you're always alone every summer vacation."

"That's the only time I can do what I really want, Dad." Aniko.

"This is not good, Ash. You need to atleast make some friends. Don't let yourself be alone forever." Malambing na ani Mom.

"Mom, kaya ko na po ang sarili ko. I don't need friends, you and Dad is enough for me." Aniko.

"Pa'no pag nawala na kami?" Agad akong natigilan dahil sa sinabi ng aking ama. Tumingin ako kay Mom at binigyan niya lamang ako ng kaparehong ekspresyon katulad ng kay Dad.

"Please, I just wanna be alone." Aniko. Ilang sandali ay narinig ko ang pagbuntong hininga ng aking ama.

"What can we do? If that's what you want, then we will respect your decision." Anito.

"Really? Thank you, dad," Aniko at agad siyang niyakap. "Mom, thank you."

I hug them and continuesly saying thank you while they just smiles.

Makalipas ang ilang linggo ay sa wakas bakasyon na, at ngayon ay payapa ng bumabyahe patungo sa hometown ng aking Lolo kung saan ay mag-isa akong mananatili sa loob ng dalawang buwan. Kasama ko ang aking mga magulang at Private helicopter ang sasakyang gamit namin dahil napakamalayo sa kabihasnan ng aming patutunggohan. Ng maihatid ako ay agad din silang umalis.

Ilang sandali kong sinundan ng tingin ang sasakyang panghimpapawid hanggang sa ito ay maglaho na sa aking paningin. Matapos iyon ay agad akong nagtunggo sa loob ng simpleng bahay upang ayusin ang mga gamit ko.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon