"Ano 'yung sa notes mo sa ig?" tanong ni Janna habang kumakain kami dito sa cafeteria. Lunch break at dahil may practice kami mamaya ay hindi na nakapunta sa duty 'tong isa at sasamahan daw niya akong tumambay sa school campus. Kinuha niya ang phone ko at tinitigan ako.
"Face recognit---," di man lang hinintay na matapos ang sinasabi ko at tinapat sa mukha ko ang phone.
Tuwang-tuwa siyang binuksan ang IG ko at naglikot na ang mga daliri at mata niya habang nagsimula na akong sumubo ng spaghetti.
"Wait, don't tell me," sabi niya bigla and she looked so done bago iharap ang phone screen ko. "She messaged you? Agad-agad?"
"To get the facts straight," sagot ko. "She followed me, I followed her back, and she messaged me."
"At may pa-'oh hi, nice g pala kanina' ka pang nalalaman?"
"She just wanted to get to know me," sagot ko ulit habang sinusubo ang fries. "Baka."
"I don't like her," saad niya at halos ibagsak ang phone ko sa mesa at nameywang.
"Excuse me," dinilatan ko siya. "She's getting to know me, ME. So, it's none of your business, Miss."
She rolled her eyes at nagsimula ng kumain. As usual talaga, ayaw niya sa mga suitors ko kahit lalaking mayaman pa yan o tboom with oozing sex appeal.
Pero aangal kaya siya pag-nameet niya 'yung may-ari ng beach resort na sobrang poganda? Char.
"By the way," simula kong usisa sa kanya. "Kilala mo ba 'yung owner nung resort last weekend?"
Umiling siya. "Hindi eh," sagot niya at biglang napaisip saglit. "Pero familiar 'yung name ng resort, tanong ko kay Mamang mamaya."
Yeeeeees! That's it! Ayy wait. Ba't ako natutuwa? Luh. Jessica....
All throughout the weeks ay puro exams at trainings lang ang ganap ko. Hanggang, Friday evening na ay biglang nag-message si Coach Seth na may friendly game kami kinabukasan ng 9:00 am. With that, nagchat si Janna na sabay kami 7:00 am papuntang campus.
Kinabukasan ay maaga kaming lahat sa parking lot ng campus. Pagdating ni Coach ay sumakay na kami sa bus at nagbigay siya ng kakaunting paalala.
"Doromal, starting setter again," sabi ni Coach at napanganga ang halos lahat dahil kasama naman namin si ex ayy si Jenissa pero hindi siya ang starter setter. "This friendly game is personally requested by one of my closest friends from Sta. Lucia State College. Let's do our best, team!"
Ah. Kaya pala last minute na announcement kase close friend niya...
Pagdating namin ay may mga fans or students ata na manonood at hindi ko na sila binigyan ng pansin dahil agad-agad kaming pina-warm up ni Coach habang naghihintayan naman ang kabilang team na makumpleto sila. After several minutes ay nagsimula na kaming maglaro. Unlike the previous friendly games that we had, ito ang first time na halos hindi umiimik ang mga players sa kabila nang mag-shake hands before and after the game. We gave them a 5-0 standing after the game.
"Kanina ko pa napapansin na panay titig sa'yo 'yung MB ng kabila ah," biglang bulong ni Janna habang naglilugpit kami ng mga gamit namin.
"Tama ka na haa," saway ko sa kanya at napangiwi dahil ihing-ihi na ako.
"E-excuse me," biglang tawag-atensiyon ng isang boses sa may likuran ko at siniko ako ni Janna upang humarap. "On behalf of our coaching staff and team, thank you for giving us lessons to learn this afternoon. Here's a small token from our school."
Tinanggap ko ang isang big square box at isang small paper bag mula sa MB na tinutukoy ni Janna kanina. Ngumiti ako at nag-thank you.
"Umm....sa'an nga pala CR niyo dito? Naiihi kasi ako eh," nahihiya kong tanong sa kanya at ngumiti ito bago ako iginiya papuntang comfort room. Ibinigay ko naman kay Janna 'yung token na natanggap namin.
YOU ARE READING
We Are Just EXtrangers
Random"How can someone move on? How does people move forward? How does life continues after being broken?" These were the questions I've asked the moment I opened my eyes the following morning. It is a bustling Monday --- supposed to be --- but had to tur...