Chapter 2

320 7 0
                                    

Pumasok ako ng bahay at agad hinanap si mama.

"Ma?"

"Asa ka ni adto?" Tanong ni mama nang makarating ako sa likod ng bahay namin.

"Sa may bayan po, nagduwa ko sa paduwa ng Mayor. Nakadaog ko, Ma. May pambili na tayo ng gamot mo, Ma!" Masaya kong sambit at iniabot kay mama ang 5000.

"Nagduwa ka ng billiards?" Kunot noo ni mama na tanong.

"Opo-" Masaya kong sagot pero sinampal ako nito.

"Nagsugal ka? Unya unsa man? Gusto ka mupalit ko sa akong tambal?!" Inihagis ni mama ang 5000 na inabot ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman po makatulong..." Naluluha kong sambit.

"Gusto nimo tabangan pero nagsusugal ka? Nicolette maraming paraan para tumulong hindi ang pagsusugal!" Sigaw ni mama.

"Bakit ba parang lagi nyo 'kong tinataboy, Ma? Parang hindi mo 'ko anak! Malaki na ako, Ma. Hindi na ako bata, may sarili na akong pag-iisip! May pangarap din ako masama bang mangarap din ako? Masama bang makamit ko gusto ko? Sana hindi nyo nalang ako naging anak! Gusto ko lang naman gumawa ng tama, gusto ko lang naman kayo tulungan pero kapag nakakatulong na ako mali pa rin para sa inyo!" Nangingiyak kong sigaw kay mama kaya umalis na ako at nagkulong sa kwarto.

Kinagabihan hindi ako kumain, wala pa rin talaga akong ganang kumain dahil sa nangyari. Gusto ko lang umiyak ng buong araw.

Habang nakahiga ako sa kama narinig ko ang pagkatok ni mama sa pintuan ko kaya agad akong naupo.

Umupo ito sa kama pero hindi ko ito matignan, masama pa rin loob ko sa nangyari.

"Magkaon kana..." Sambit ni mama at tumango naman ako

"Pasensya na, dili lang ko gusto nga mosugal ka." Hinawakan ni mama ang kamay ko kaya tinignan ko ito.

"Alam mo, tama ka. Malaki kana hindi na ikaw yung batang gusgusin sa labas..." Natawa ako sa sinabi ni mama kaya ngumiti ito.

"Kung ang pagbibilliards talaga ang nasa puso mo... hahayaan kitang makamit mo 'yon." Sambit ni mama na ikinatuwa ko. Niyakap ko ito at halos maluha luha na.

"Basta lagi mong tatandaan nakasuporta sayo si mama, ha? Ang ganda ganda talaga ng anak ko!" Sambit ni mama habang hinahawi buhok ko.

"Thank you, Ma!" Ngumiti ito at tumango.

Halos lagi na akong sumasali kapag may laro sa amin, lagi akong nananalo na ikinatutuwa naman ni mama. Ngunit kasabay nang unti unting pagkilala sa akin bilang pinaka magaling na billiard player sa bayan namin, kasabay naman nito ang unti unting paglala ng sakit ni mama. Umabot sa stage 3 ang breasts cancer ni mama kaya napagdesisyunan kong maghanap na ng trabaho.

"Ma? Maghahanap ako ng pampagamot sayo." Sambit ko kaya napatingin ito sa akin.

"Saan ka hahanap?"

"Uuwi po ako kila tita sa Malate pero babalik po ako agad pag nakahanap na ng sapat na pera," Sagot ko.

Nakita ko ang pagaalinlangan ni mama gustuhin ko man na dumito lang ngunit hindi pwede, kung mananatili ako walang mangyayari sa sakit ni mama.

Mabilis ang mga naging pagpasya ni mama, pinayagan ako nito dahil sa pangungulit ko. Ibinilin ko kay aling Loida si mama na alagaan at nangakong magpapadala ako buwan buwan.

"So aalis ka pala..." Sambit ni Arvin nang makita ako sa terminal.

"Oo e, kailangan."

"Ba't ang bilis naman? Pero hayaan mo, susunod ako." Sagot nito at hinawakan ang balikat ko at maya maya pa ay niyakap ako nito.

Nights In MalateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon