CHAPTER 10

639 18 2
                                    

A/N:hey to all new readers! and to all followers thankyou sa pag follow sakin sana masarap ulam nyo, eme! so yun thankyou talaga🫰🫰

mag read ng disclaimers! Minsan kase talaga na t-typo ko ang pag t-type, sorry talaga mali minsan ang grammar,or english koo! please understand nalang po🥹

----
maureen point of view

nakangiti ako habang naglalakad syempre sinong hindi matutuwa? pinayagan nako mag stay rito!

"goodmood ka ata ah?" ngumiti ako kay jc sumabay sya sa akin sa paglalakad "anong nangyare? nakakatakot yang ngiti mo" dagdag nya

"manahimik kana ikaw pa sisira ng ara ko e" sabi ko habang nakangiti natawa nalang sya

mas natangakad pako rito kay jc kaya pwede ko sya isako kung sakaling inisin pako nito

Kumunot ang noo ko ng makita kong may pasa ang labi nito tinaasan ko sya ng kilay "anong nangyari sa labi mo?" Tanong ko

"wala yan napaaway lang"sabi nya, tumango ako at hindi sumagot.

"bakit ba ang liit mo?ang tatangkad ng mga kaklase mo tapos ikaw muka kang grade 8?" Sabi ko ngumiti sya at tumingin sa akin, halatang sarcastic ngiti nito e

"manahimik ka nalang rin siguro para hindi mawala good mood ko hehe" sabi nya kaya natawa ako "fifteen years-old palang ako" nagulat ako sa sinabi nya at agad ko syang pinagmasdan

"totoo ba?" gulat kong tanong "weh?" dagdag ko pa tumango sya at tinapik ang kamay kong nakahawak sa balikat nya

"magugusot uniform ko pinaghirapan ko kaya tong plansyahin" sabi nya

mukang proud pa ang bata!

"bakit hindi mo pinaplansya sa mama mo? dapat ganyan mama mo ang nag paplansya" sagot ko at inayos ang uniform nya

"next question" sabi nya kaya taka akong tumingin sa kanya "wag monga akong tignan ng ganyan ang pangit mo" tinarayan ko sya sa sinabi nya

madami kayang nagsasabing maganda ako!

"ts, bakit nga?" tanong ko pa inis nya akong tinignan kahit naka tingala sya sa akin, balikat ko lang kase sya.

"wala namang pake sakin mama ko" sabi nya at nag patuloy lang kami sa paglalakad

"ts, pano mo naman nasabi? alam mo walang ina na ganon" sabi ko sa kanya

"anong wala, mama ko nga ganon, kung walang inang ganon unique pala mama ko" sabi nya at ngumisi pa "maangas pala mama ko e" dagdag nya at tumaas baba pa ang kilay

"buang ka! " Sabi ko kaya naman tumawa sya

"anong buang?" tanong nya

"baliw ka" sagot ko lumaki ang mata nya at sinamaan ako ng tingin

"Oo...baliw sa kanya" sabi nya at parang baklang tumalon talon "nasan na kaya baby gella ko" sabi nya pa

"may jowa kana?! talo mo pa akong bata ka" sabi ko kaya tinarayan nya ako

"Mahina ka kase, Chaka anong bata? fifteen nako no chaka tuli nako" sabi nya kaya natawa ako

"baka nga hindi kapa tuli" sabi ko at tumawa ng malakas

"Gusto mo pakita ko pa sayo e" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin "jokijoki" sabi nya at nag waki pa

tumigil narin ako ng makapasok kami sa room, nakatingin sila sa amin, siguro nagtataka bakit kasama ko tong batang ito.

"jc bakit ka late?" tanong nung isa sa kanila,hindi ko pa kase kilala silang lahat

"May humarang sakin kanina, binanatan ko muna" sabi nito

Wow ha?

"nagtaka pa kayo? lagi namang ayan ang dahilan" sabi nung sebastian "sino lagapak?" tanong pa nito at umakbay kay jc

"Sya sinapak ko lang ng isa tulog na agad" sabi nya at tumawa,

Ang yabang talaga nitong batang to e

"ilan ba nakaharap mo?nakatamo ka ng pasa?" tanong naman ng isa

"apat" agad akong napatingin sa kanya "tumakbo yung dalawa"sabi nito at mukhang nanghinayang pa

"natakot ata sayo"sabi naman ng lalaking may hawak ng laptop

"Mas matangkad panga sa akin, balikat lang ako" sabi nyapa pinagmamalaki pa nya

pinabayaan ko nalang sila at umupo na sa upuan ko

ilang oras ang lumipas ay wala ata kaming teacher ngayun, dumating naman yung adviser namin pero Wala ata yung teacher namin ng first subject.

nag ring na ang bell at reses na, tinatamad akong lumabas kaya naman ay dinukduk ko nalang ang ulo ko sa lamesa, maya maya nalang siguro ako kakain.

"maureen"

hindi ko pinansin si jc ng tawagin nyako.

"huy maureen"

tumingin ako sa kanya at napatingin din ako sa likoran nya..

"....bakit?" takang tanong ko habang nakatingin sila sa akin

"reses na, kakain na tayo bakit nandyan kapa?hindi kaba nagugutom?" tanong ni Sebastian

"naguguto--" agad nya akong inakbayan at pinatayo

"..yun naman pala e, tara sabay sabay na tayo"putol nya sa sasabihin ko at tinulak tulak pako hanggang sa makalapit ako kila jc.

pinulupot ni jc ang braso nya sa braso ko at naglakad na kami tumingin ako kay jc ng kulbitin nya ako

"Bakit?" Senenyasan nya akong ibaba ko konti ang ulo ko kaya naman ginawa ko.

"welcome sa section wild" napangiti ako sa sinabi nya ngumiti rin sya sa akin at muling bumulong "hindi ko talaga inaakalang papayagan ka..may prinsesa na kami" dagdag nya pa

Ngumiti ako

Prinsesaaaa!!! sarap sa ear's

sabay sabay kaming pumuntang cafeteria at nakatingin sa akin ang mga tao roon, malamang ay nagtataka kong bakit ngayun ay kasama kona sila

sila ang nag order at hindi na nila ako pinatayo, kaya hinayaan konalang.

sabaysabay kaming kumain, sa table lang namin ang maingay dahil sa mga kasama kong parang nakawala sa mental, akala mo ay ngayun lang mga nagkita, kung mag harutan ay talaga naman.

minsan ay ako ang hinaharot kaya naman ay binabatukan ko sila kapag ako pinagt-tripan

natatawa nalang sila sa tuwing ginaganon ko

binabatukan kolang kinatatakotan nyo!?

+++++++++

A/N: congrats sa mga g-graduate! I'm so proud to all of you, you did your best and talagang deserve mong mag-graduate🫰🫰

ONLY GIRL IN SECTION WILD| OGS#6 [COMPLETE]✓Where stories live. Discover now