CHAPTER 14

384 9 2
                                    

CHAPTER 14:

maureen point of view

nagising ako ng maaga, wala namang pasok ngayun trip ko lang gumising ng umaga.

napatingin ako sa bagaheng nakalagay sa gilid ng kama ko

Kanino naman to?

tumayo ako at lumabas ng hindi pa nagaayos, nakarinig ako ng unting ingay.

Kinakabahan ako, sana hindi sila to, sana hindi sila papa to, sobrang laki ng galit ko sa kanya simula ng iwan nya kami, hindi ko manlang alam ang dahilan bakit nya kami iniwan

habang papalapit ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko

"m-ma..??" tawag ko kay mama

"anak bumaba ka may bisita ka" sabi nito kahit kinakabahan ay bumaba ako.

bakit to nandito!?

"hi maureen!" nakangiting bati ng bata,nakangiti ito ng niyakap ako

"Hoy jc bakit ka nandito?!" gulat kong tanong,grabe kinabahan ako

"ang baho ng hininga mo mag toothbrush ka muna"sabi nito kaya palihim kong inamoy ang sarili ko.

ang baho nga.

"tangina oo nga" sabi ko kasabay ng pag takbo ko pabalik ng kwarto ko at pumasok ng cr para mag toothbrush.

ilang minuto lang ay lumabas na ako, lumapit ako kay jc na nakangiti sakin ngayun

"lumayas ako saamin" sabi nito kaya nilakihan ko sya ng Mata

"Ano!?" Gulat ko "baka puntahan kami ng mama mo ha!?" sabi ko umiling iling naman sya

"Nagpaalam naman ako" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis e.

Naglalayas tapos mag papaalam?

"wow, unique ka talaga naglalayas ka tapos mag papaalam ka" sabi ko kaya ngumiti sya

"Syempre naman para hindi sila mag alala sinabi ko nandito lang ako sa inyo"sabi nito "baka kase magalit si mama kapag nalaman nyang nag layas ako, mas mabuti nang nagpapaalam"

muntik ko nang masampal ang sarili kong noo sa sinabi nya.

"oo na, bakit kaba kase nandito?" tanong ko

"wala lang, gusto ko lang"sabi nito at inayos ang gamit nya "tabi tayo tulog ha, hindi ako sanay matulog sa lapag e"

tangina naman.

"magdusa ka" sabi ko "ngayun kalang makakaranas matulog sa lapag rich kid ka kase e" dagdag ko pa kaya napanguso sya

"Ang bad mo maureen! susumbong kita kay tita!"sabi nito tinaasan ko sya ng kilay

"sinong tita?" Tanong ko

Ngumisi sya "si mama mo" sagot nya

aba!

napataray nalang ako.

"oo na" sagot ko ngumiti sya

"may pasalubong pala ako sayo" sabi nya at binuksan ang isang bagahe nya "ito, marami kase ako nito sa bahay nakatambak Sayo nalang lahat" sabi nya at inilapit sa akin ang malaking bagaheng punong puno ng chocolate

para tuloy akong nalutang ng cloud nine dahil dito!

"sige tabi tayo akin nato ha? Ang dami!!" Sabi ko at hinigit papalapit sa akin ang bagahe, nag bukas ako ng chocolate

yumyum!

nilantakan ko agad ang chocolate

Bumaba na si jc at sumunod naman ako, nakita kong naghahanda si mama ng makakain namin.

"tita tulungan na po kita"sabi ni jc at inagaw ang buhat ni mama, napangiti Naman ako

"Oh sige" sagot ni mama "oh,maureen gising kana pala, umupo na kayo ni jc at kakain na tayo" sabi ni mama at ngumiti ito sa akin

Sinunod ko naman sya at umupo na ako, katabi ko si jc habang nasa harapan namin si mama, nagsimula na kaming kumain.

"jc pinayagan kaba ng mama mo rito?"tanong ni mama

"Opo, nag layas po ako" sagot ni jc gulat namang tumingin si mama kay jc

"Ano? Baka magalit ang mama mo nyan iho" sabi ni mama

"ha?hindi po nag paalam naman po ako" sabi nito kaya natawa si mama.

"ikaw lang ang nag lalayas na nag papaalam"sabi ni mama kaya tumawa rin ako.

"pwede po mag salita sa inyo habang kumakain? sana ganito rin sa amin"sabi ni jc kaya naman napatingin ako sa kanya.

"anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"sa amin kase puro business lang ang pinaguusapan, ayaw ni mamang nag k-kwento ako about sa mga grades ko, or may gusto akong i share" sabi nya at sumubo ng kanin.

"hays..okay lang yan iho, pwede kang mag kwento sa akin"sabi ni mama "malamang ay mataas ang grade mo" sabi pa ni mama

"Opo..."sagot ni jc

"maganda iyan, pag butihan mo" sabi ni mama "o sige na kumain na tayo" sabi nya pa

"Kanina pa nga nakain si jc"sabi ko at tumawa

"sorry gutuman tayo e" sabi nyapa "ang bigat kase ng bagahe ko kanina" dagdag nya pa

"wag mong sabihing binuhat mo yan?" tanong ko

"hindi dinala ko kotse ko" gulat akong tumingin sa kanya

"Weh ba? sabay tayo pasok ah" sabi ko tumango naman sya

kumain na kami at kinagabihan ay pumasok na kami ng kwarto, hindi naman maliit bahsy namin, sakto lang ito.

nag movie marathon lang kami ni jc at naghaharutan pa pinaghahampas nya ako ng unan at ganon din ako.

kumakain kami ng  chocolate habang nanonood at nag k-kwentohan kami, ang saya ko ngayun lang ako nakaranas ng ganito.

kapatid? parang si jc ang bumuo noon.

"inaantok nako maureen" sabi nito kaya humiga na sya sa higaan, pinatay kona ang tv at inayos ang mga kalat namin, baka kase langgamin.

pagtapos ay tumabi nako at natulog, hindi naman masamang magtabi kami kase bata pa sya, at chaka kapatid ang turing ko kay jc.

may tiwala narin ako sa kanya, alam kong hindi magagawa ang mga ganoong bagay, puro ka tarantado lang ang alam nya

lagi nga nya akong tinatarantado e.

parang talent na talaga nya iyon, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

+++++++++

ONLY GIRL IN SECTION WILD| OGS#6 [COMPLETE]✓Where stories live. Discover now