Bakit ikaw pa

1.1K 1 0
                                    

BAKIT IKAW PA

by Michael "Acoy" Cruz

Chapter I

"Things are getting diffucult na para sa ating dalawa. Di na naman tayo nag go-grow. At isang bagay pa pala, di na pala kita

mahal."

Ang sakit ng sinabi niya. Para akong sinaksak ng punyal ng madaming

beses sa aking puso.

Hindi na mahal?

Ganun lang kadali?

Si Mitch ang nagsasalita. Nandito kami sa isang restaurant sa may bandang Quezon City. Gabi na din, kukonti lamang ang nakain na customer. Sinabi sa akin ni Mitch ito na di pa kami nakaka-order ng kung anuman. Di yata ako makapagsalita sa pambungad niyang nasabi sa akin.

"Hello? Are you with me ba? Nagsasalita ako dito para sa atin. Para tapusin na natin itong relasyon natin. Di na ako masaya

sa piling mo Mack."

"Bakit?" Ayan lang yata ang maitatanong ko muna kay Mitch.

"Sorry talaga. Kilala mo naman ako eh. Sabi mo noon. Sabihin ko sa iyo ang aking tunay na nararamdaman di ba?"

"Paano ako Mitch? Paano na lahat ng plano natin? Mahal na mahal kita alam mo naman yan." Naiiyak na yata ako.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Ang sabi ko sa iyo ay aking desisyon few days ago pa. Wala naman akong mahihiling pa sa pagmamahal mo. Ang akin lang ay di na ako maligaya sa iyo. I want to explore more for myself being alone. So, why should I stay with you anymore?"

"May kapalit na ba ako sa puso mo Mitch?". Naaawa na yata ako sa sarili ko.

"Mack, wag mo na alamin dahil masasaktan ka lang. Sige na, paalam na. And sana ang gusto ko lang ay wag ka na tatawag sa akin

or even ang mag-text. No communication at all."

Umalis na si Mitch. Iniwan na niya ako. Iniwan niya ang puso ko na napakaraming tanong. Napakaraming gustong ungkatin. Ano ba ang nagawa ko? Ano ba ang kasalanan ko? Masama ba ang magmahal ng tapat?

DAMN!

Halos buong buhay ko ay binigay ko at isinakripisyo para sa iyo Mitch. Pero ano itong napala ko? Ang iwanan mo lang at

saktan? Akala ko siya na ang para sa akin. Akala ko siya na ang makakasama ko sa buong buhay ko. Ang sakit Mitch. After 4 years natin bilang magkasintahan ay sa ganito lang pala mauuwi ang lahat.

Nararamdaman ko na lang na tumutulo ang luha mula sa aking mga mata habang ako ay nakayuko. Nang may bigla akong naramdaman na lumapit sa aking likuran. Si Mitch yata? Nagbalik siya!

"Sir, o-order ka na ba? Kanina ka pa kasi dito, mukhang balak mo pa yatang dito matulog".

"PESTENG BUHAY! ARGGGHH!". Muntik ko ng sapakin ang waiter na ito. Makalabas na nga lang at magmuni-muni sa kung saan.

Chapter II

Pumunta ako sa isang parke. Pinarada ko ang aking sasakyan sa may bandang kokonti ang sasakyang nakapark. Binuksan ko ang radyo at naghanap ng FM station para man lang kahit paano ay mabaling ang

aking isipan mula sa sakit na dinulot ng pag-iwan sa akin ni Mitch.

Bakit kung sino pa

Ang siyang marunong magmahal...

Ay siyang madalas maiwan

Na di alam ang dahilan.

Sayang lang ang pagmamahal

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2009 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit ikaw paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon