00

1 0 0
                                    

"Faye!"
"Mykaela Faye! Wake up!"
Napamulat ako sa sigaw ng ate ko. Ano ba naman yan, ang aga-aga eh. Ano na naman ba ang i-uutos nito?

"Ano ba Ate Marianna?! You're so noisy! Natutulog pa yong tao oh!"  sabi ko habang nakabusangot ang mukhang humarap sa kanya.

"Ang ingay ng phone mo. I can't focus. Kanina pa yan nag ri-ring and hello? It's already 12 na!" Humarap naman siya sa akin habang winawagayway na ipinapikata ang oras sa phone niya.

I just rolled my eyes and grab my phone at my side table.

"OMG! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Panlulumo ko habang nakatingin sa phone kong naglalaman ng message galing sa in-applyan kong part time na trabaho.

Good day Ms. Mykaela Faye Navales!
Are you still interested in working a part time job in our restaurant? We can't reach your phone number but if you are still interested, you can send us your full name. Thank you!

-Mrs. Joanna Alferez,
Hr in JM dimsum house

I immediately type my full name pagkatapos ko mabasa ang message na galing sa in-applyan ko.

And luckily, they responded immediately. Kaya bumangon na ako sa higaan ko at pumanhik na sa CR namin para maligo at nang masimulan ko na ang araw ko kahit na tanghali na, may araw pa din naman.

Kaka-18 ko lang last month and I am really eager to find a job to at-least support myself lalo na't mag c-college na ako next month. Ayaw ko kasing maging burden sa parents ko especially right now na our business is not going so well and my ate is a graduating nursing student. Civil Engineering pa naman ang kukunin kong program, kaya kung sakali magiging doble ang gastos ng parents ko.

My family is not rich but I can say na we are not that poor din. Mayroon kaming dalawang pagmamay-ari na convenience store na siyang pinagkukuhanan namin ng gastos ng pamilya ko. My mother and father did not graduate college but they are doing their best na bigyan kami ng buhay na maganda and I am more than proud of them for that. That is why me and ate are doing our best to make them proud too.

It is the last week of July already and mag A-august na next month. Which means pasukan na naman. My parents enrolled me in one of the best engineering school in Cebu which is Cebu Institute of Technology - University. It is quite pricey but luckily scholar ako, hindi nga lang full. I am smart but not smart enough, that is why. Kaya kahit na alam kong su-supportahan ako ng mama at papa ko, I still want to help them in any way I can help. At buti nga napapayag ko silang mag work ako.

Kaya eto ako ngayon nagre-ready ng resume ko para bukas sa interview ko. Buti nalang at nag response sila ka agad sa message ko. Ang sabi ay i print ko nalang daw ang resume ko at pumunta ako sa main office nila bukas for interview.

"Faye, ano bang silbi ng phone mo?" Sulpot ng ate ko sa likod. Nakaharap ako sa laptop ko habang naghihintay na mag print ang file. Nilingon ko naman siya at napataas ang kilay.

"Ano na naman ba?"

"Kanina pa daw nagme-message mga friends mo. Nandiyan sila sa baba. Check-check din ng phone uy!" Hirit nya at umupo sa table niya.

Graduating si ate ngayong august kaya busy siya sa pagaasikaso ng mga requirements for graduation. Sana all graduate na :>

Kinuha ko naman ang phone ko at tumayo sa pagkakaupo. Pag-on ko ay tama nga si ate mukhang kanina pa ako kino-contact ng mga kaibigan ko. Hindi ko talaga ugaling tumitingin sa messenger ko at palagi akong naka do not disturb. Except nga lang pag alam ko na may ina-abangan akong importanteng tawag o text like deliveries or tulad nalang kanina yung application ko sa trabaho.

one four threeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon