uno

51 2 0
                                    

"Tara na, lugaw after show!" Sigaw ni Viñas nang makarating sa dressing room.

"Naku, DeLuxe nagaaya ka na naman ng gastos!" Sagot ni Prince at lumingon kung nasaan si Viñas habang inaayos ang kaniyang blush.

"Gastos na ba 'yon? Mga Fifty pesos lang 'yon sis!" Pumunta si Viñas sa kaniyang table at sinimulan nang ilabas ang kaniyang mga gamit.

"Basta libre mo gora kami!" Pagsali ni Marina sa usapan habang naglalakad patungo sa dalawa.

"Bakit ako manlilibre?" Tanong ni Viñas at tinignan si Marina na ngayon ay nasa kaniyang likod.

"Sino bang nag-aya?" Tanong pabalik ni Marina.

"Oo na— uy, Precious! Sama ka? Kakain kami after show." Naputol ang sagot ni Viñas nang pumasok si Precious sa dressing room.

"Gora lang, sino manlilibre?" Tanong ni Precious habang nakatutok sa kaniyang cellphone.

"Ako. Mukha talaga kayong mga libre eh!" Sagot ni Viñas at umiling sa mga kasama.

"Mayaman ka naman talaga sister, may DeLuxe nga sa pangalan mo oh!" Biro ni Rina.

"Heh!"

"'Wag niyo na ngang asarin si DeLuxe, namumula na 'yan oh! Kapag 'yan naging tocino ewan ko na lang." Sinaway ni Minty si Marina at Viñas bago bahagyang tumawa.

"Edi gawin nating almusal." Seryosong turan ni Precious.

"Thank you, Precious at Min ha! Pinalamig niyo ulo ko." Inirapan ni Viñas ang dalawa bago pumunta sa kaniya si Prince at hinipo ang kaniyang noo.

"Hindi naman malamig teh!" Saad ni Prince pagkatapos hawakan ang noo ni Viñas.

"Sarcastic kasi, Prince!" Sigaw ni Marina bago tawanan si Prince.

"Ewan ko sa inyo!" Iling ni Viñas.

Nagtawanan, nagchikahan, at nagbardagulan muna silang lima bago bumalik sa pagaasikaso sa kani-kanilang mga table.

"Inaasar ka ni P ah, trip ka siguro?" Asar ni Prince kay Viñas habang nagaayos ng kaniyang wig.

"Mukha ngang trip ako asarin." Sagot ni Viñas at tinignan si Prince sa kanilang salamin.

"Hindi kasi, shungeks din eh. Trip as in gusto." Iling ni Prince at bahagyang inirapan ang kaibigan.

"Ang labo sis, taong bato 'yan. Sarap tagain."

"Hindi mo sure! Sumama na nga sa lafang natin eh."

"Hay naku! Shempre kasama kayo eh. Tsaka bonding na rin natin 'to," Saad ni Viñas bago kamutin ang kaniyang noo. "Sige, lahat na lang lagyan ng malisya." Dagdag niya bago irapan nang pabiro si Prince.

"Basta ako sure na ako trip ka ni P," Sagot ni Prince at napahinto si Viñas sa kaniyang ginagawa. "Tagal na rin simula nung huling ex niya, pinana na siguro siya ni kupido." Dagdag niya at tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Lumayas ka na nga naiirita ako sa mga sinasabi mo." Saad ni Vinas at tinanggal ang  pagkakahawak ng kamay ni Prince sa kaniyang balikat.

"Aysus! Nagooverthink ka lang sa mga sinasabi ko eh. Okurrr! Bye misis, wait kita sa baba!" Tawa ni Prince bago tumayo at umalis sa kanilang puwesto.

Pasikat na ang araw nang matapos ang kanilang show. Naka-ilang set din sila. Masiyadong nagenjoy!

"Tara na?" Aya ni Minty na nakatayo sa may pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

pag-ibig Where stories live. Discover now