C

503 35 4
                                    

2:00 AM

Hindi ko na namalayan ang oras habang kausap ko ang lalakeng hindi ko naman nakikita. Kung saan-saan na napunta ang aming usapan na kanina lang ay nagsimula sa salitang kamatayan. Ang iyakan ay nauwi sa tawanan. Kulitan. Seryosohan. Sa sobrang distracted ay hindi ko na nga namalayang unti-unti na palang natutuyo ang aking buhok at suot na damit. Unti-unti ay nasasanay na rin ang aking katawan sa lamig. At unti-unti ay nagiging pamilyar na rin ako sa malalim at magaspang niyang boses.

"So you're a virgin at twenty-five?" tanong niya.

"Oo," may hiya kong sagot.

"How come?" taka niya.

Napakamot ako sa ulo. "Wala eh. Walang nagkakagusto sa 'kin."

Tipid siyang natawa. "I don't believe you."

Kumunot ang aking noo. "Bakit hindi ka naniniwala? Wala ngang nagkakagusto sa 'kin. Una sa lahat, average lang ang mukha ko. Tapos hindi pa ako magaling makipag-usap. Kaya walang nagkakagusto sa 'kin."

"Stop that," aniya. "You're too harsh on yourself."

"Sus, pogi ka siguro, 'no?" taka ko.

Sana pala kanina ay tinitigan ko nang maigi ang kaniyang mukha bago ako pumasok dito sa loob ng elevator. Ngayon tuloy ay hindi ako matigil sa kaiisip kung anong itsura niya. Ngunit boses niya pa lang ay halata namang guwapo siya.

"Yeah, they say so," sagot niya. "But what does it matter?"

Paliwanag ko, "Well, kung pogi ka, maraming magkakagusto sa 'yo, maraming magmamahal sa 'yo, maraming—"

"Marami rin bang makakaalala sa 'yo 'pag wala ka na?" Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kaniyang sapatos. "I don't think so."

"Bakit hindi?" Sinuklay ko ang aking buhok pataas gamit ang aking mga daliri.

"Let me ask you something," aniya. "Do you still remember all those attractive people you once met?"

"Um..." Sandali akong natigilan. Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng naggagandahan at naggaguwapuhang tao na dumaan sa aking buhay. At sa hindi maipaliwanag ay iilan lamang ang natatandaan ko. "Oo naman. May natatandaan din naman ako. May mga naging kaibigan din akong katulad nila."

"Exactly," punto niya. "You only remember a few, because only a few matter to you. Those who were once your friends. Those people you made memories with. The others? Strangers. And strangers don't have faces."

"'Di ko gets," sabi ko.

"In the end, only one thing matters..." tuloy niya. "Memories. Memories last forever. And right at this moment, you're making memories with me."

"Oo nga," sabi ko. "Pero hindi ko nga alam ang mukha mo."

"That's what I'm saying," tugon niya. "It doesn't matter what you look like. It doesn't matter what I look like. All that matters are the memories we're making together. And we're no longer strangers."

Unti-unti ay naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.

"Are you still cold?" tanong niya.

Sagot ko naman, "Medyo."

"Do you want me to keep you warm?"

Natigilan ako sa tanong niya. "H-Huh?"

"I can keep you warm." Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kaniyang pants. Mukhang umusog siya papunta sa gilid. "Come here."

"Okay na 'ko." Sa sinabi niya palang ay uminit na ang aking mga pisngi.

"Is there something that I can do for you? Course I won't take off my clothes. I'm also cold. But if there's anything..."

Stuck (A Short BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon