🦂10

792 20 0
                                    

McZinn's POV

I'm currently sitting under the tree and silently watching Ashianna. She’s beautiful but surprisingly so simple. She carries herself with a quiet confidence, displaying a modest demeanor despite her immense wealth. Her beauty is not just skin deep; it radiates from within, reflecting her kind and compassionate nature. Despite her financial success, she remains grounded and down-to-earth, valuing simplicity and authenticity over extravagance. This young lady is a true embodiment of humility and grace, a rare gem in a world of opulence and grandeur…

“Mik!”

“WTH!”

“What happened?” Ashianna seriously asked.

“Oo nga, mukha kang ewan d'yan kanina pa.” Carlos said. Am I really that lutang ba not to notice them near me na pala?

“Hello?” Ashianna said, trying to catch my attention after I just ignored them.

“I'm hungry na.” I simply answered.

“Tsk.”

“Nanaman? Kakakain lang naten ah?” Carlos complained.

“Don't tell me you're also madamot sa food?” I jokingly asked while looking at Ashianna who is currently facing her back on us. She's waving to nanay Carolina.

“Hoy HAHA Hindi ah. Nga pala sino yung madamot sa food? Ashianna ba pangalan?”

“Excuse me, naririnig ko kayo ha, at saka hindi ako madamot.” Ashianna said after facing us.

“You starved me yesterday po.”

“Kasalanan mo yun, ang sama kaya ng ugali mo.” I looked at her with are you serious? expression, while she just raised her brow.

“Okay, if you said so.” I said before rolling my eyes on her.

Carlos laughed then a little while Ashianna joined him. I decided to ignore them and instead just walk towards nanay Carolina.

“Magpapakampi pa ata.” Carlos said in the middle of their laughter.

I just frowned because to be honest I do really hungry right now and I'm not in the mood to deal with this two psycho.

Ilang sandali pa at nagtulong tulong na silang ihanda ang mga meryendang kakanin na dala ni nanay Carolina.

“Woah…” Ani McZinn. Kasalukuya na itong nakaupo katabi ng kababatang si Ashianna. Nakahain sa harapan nila ang mga kakaning suman, biko, sapin-sapin, puto, at kutsinta. Mayroong ding mga nilagang saging, kamote, at kamoteng kahoy na lahat ay hindi pamilyar kay McZinn.

“First time?” Natatawang tanong ni Carlos sa dalaga na sinagot lamang siya sa pamamagitan ng bahagyang pagtango. 

Ilang sandali lang ay nagsimula ng kumain ang ibang trabahador habang si Ashianna naman ay nagprisintang ipinakilala kay McZinn ang mga nakahain.

“Ito, suman ang tawag. Made by sweet sticky rice, and it comes with this sweet zantan, which is like a coconut jam.”

“Interesting…” Seryosong komento ni McZinn. Napangiti dahil doon si Ashianna pero ilang sandali ay ipinagpatuloy na ulit nito ang kanyang pagpapaliwanag.

Habang naguusap ang magkababata ay tahimik na nakikinig ang iba pero may pagkakataon din sumasabat ang mga ito upang magdagdag ng iba pang kaalaman tungkol sa paksa nilang dalawa.

Bahagyang nakangiti si Carolina dahil ito ay unang beses nilang makitang makipagusap ng matagal si Ashianna sa harap nila na tila hindi nakakaramdam ng pagkailang.

“Hindi ko akalain na sa pagbalik ni mikmik lamang natin muling makikita ang dating Ashianna.” Ani Carolina sa kanyang asawang si Marlo. Kasalukuyan silang nakamasasid sa dalawang dalaga sa di kalayuan.

“Sya ngang totoo, mahal ko. Naalala ko nitong mga nakaraang bakasyon na nandito siya ay bakas sa kanya ang kagustuhang mapagisa lamang, minsan pay ipinararamdam n'ya saatin na hindi pa talaga niya tayo lubos na pinagkakatiwalaan upang maging malapit sa loob niya. Pero tingnan mo ngayon, ni-hindi naten akalain na ang presensya ng kanyang dating matalik na kaibigan lamang pala ang hinihintay natin na magbalik ang dating sigla ng mga mata niya. Hindi na rin siya nagpapakita ng pagkailang tuwing kausap tayo, nakikipagbiruan na din sa ating makulit na binata, tingnan mo.” Nakangiting ani Marlo. Sumangayon naman si Carolina habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawa.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon