" Kakalabas muna nga lang hospital napaaway ka na! Hindi kaba nag-iingat?! " Inis na sabi ni Doc. Sarrah
" Tsk! " Sabi ko nalang saka tumingin kay Angela na nakaupo sa sofa na katabi din nito si Angelo na ginagamit din ang sugat nito sa bibig.
Nagmamayabang e, kaya ayun nasuntok ng kalaban niya.
" Bakit ba hindi ka pumapatol don sa mga nagbubully sayo Angela? " Medyong inis na tanong ko dito.
" Ayaw ko kasi munang palakihin ang nangyayari ate. Dahil alam mo na, kapag lumaban ako mas lalo lang silang hindi titigil. " sabi naman nito. " Mabait naman si Cath e, naging bully lang siya dahil marami siyang naging kaibigan noon na pinaplastic lang din siya. " Dagdag pa nito.
" At mga ginawa niya sayo, gusto mo parin siyang maging kaibigan? " Kunot noong tanong sa kanya ni Doc. Sarrah.
" Yeah! Dahil magkapareho din kasi kami, mga walang matinong kaibigan. " Pekeng ngiting sabi nito.
Sabagay, tama naman siya don. Dahil kahit ako, tinuring kitang kaibigan pero pinaplastik mo lang pala ako? Mas mabuti pang ikaw nalang ang kusang lalayo bago pa ako may gawin sayo.
" Ayan, tapos na! " Sabi ni Doc. Sarrah na matapos niyang gamutin ang sugat ko. " Hindi na kita sasabihan kung ano ang dapat mong gawin o inumin na mga gamot. Dahil we both know na may mas alam ka pa sa akin. " nakangisi nitong sabi.
" I'm the patient here Doc. Sarrah. " Sarcastic na sabi ko dito.
" I know, pero Robin! " O.A nitong sabi. " Mag-iingay ka sa susunod dahil kailangan kapa namin. " dagdag pa nito.
Napa rolled eyes nalang ako sa sinabi niya. Mukha ba akong mamamatay? Kung makapagsabi na kailangan pa nila ako mo ba naman hawak ko ang buhay nila. Napaka O.A talaga!
Umalis na si Doc. Sarrah matapos niya kaming gamutin, at doon lang din ako nagseryuso ng kami nalamg tatlo ang naiwan sa loob ng kwarto.
" Gusto niyo na bang bumalik sa probinsya? " Seryusong tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang dalawa at halata na nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin lang.
" Hindi ka namin iiwanv dito Ate. " - Angela
" Nangako na kami na tutulongan ka namin kahit anong mangyari, at nakahanda rin kaming makipaglaban para sayo Ate. " Sabi naman ni Angelo na ikinasingkit ng mata ko..
" Wala akong sinabing makikipaglaban kayo? Pero hanggat maaari umiwas kayo, dahil hindi natin alam ang takbo ng panahon. Lalo na at wala ako parati sa tabi niyo 24/7. " Seryusong sabi ko sa mga ito.
Alam kung kaya nilang protektahan ang sarili nila, dahil bata palang kami sinasanay na kami ng mga magulang namin. Pero natatakot din ako malagay sa panganib ang buhay nila. Natatakot ako na madamay sila sa gulong pinasukan ko.
Nagdesisyon akong hindi na pauwin ang kambal at sa hospital nalang sila matutulog. Dahil kapag umuwi pa sila, baka sundan pa sila ang mga taong humahabol sa akin at ayaw ko namang may mangyaring masama sa kanila. At habang mahimbing ang tulog nila, tinawagan ko naman si Macky para humingi ng tulong sa paglipat ng bagong bahay namin.
Two days din akong nanatili sa hospital, at satwo days na yun! Sandamakmak na sermon ang inabot ko kay Doc. Ryan lalo na kay Doc. Paul. At sila din ang dahilan kung bakit hindi kaagad ako nakalabas ng hospital. Idagdag mo pa sina Mama at Papa na halos sasaboh na yung eardrums ko sa rami ng mga sinasabi nila. Pasalamat pa nga ako dahil wala sila dito, dahil sure akong hindi na batok ang matatanggap ko sa kanila. And thank God! Dahil magaling na yun sugat ko, pwede na ulit ako sasabak sa raket.

YOU ARE READING
At Your Service
ActionRobin Amara is a service girl with a profession. Sa murang edad ay naabot na niya ang kanyang pangarap. Maraming napabilib sa kanyang angking husay at talino, at isa na don ang pamilya at mga kaibigan niya. Pero hindi buhat akalain ng mga ito na siy...