His..
Ako nga pala si Ken Marasigan..
Highschool life is tough. Yet it has never been a scary thing to me because of my loving friends. My basketball team. My other friends. And then there's Lusia Mendones, my bestfriend. Siya ang una at pinakamatalik kong kaibigan. Siya rin ang pinaka.. Makulit na makulit na makulit na kaibigan ko. Para siyang bata at ako ang kuya niya. Basta, makulit siya pero hindi ko kayang mainis. Feeling ko mas mamimiss ko pa siya, lalo na ngayong last year na namin sa highschool. Nakakalungkot isiping hindi na niya ako makukulit ulit. Yung mga pagsira niya ng hairstyle ko tuwing umaga, yung pagtawa niya sa akin dahil sa reaksyon ko sa tuwing kinikiliti niya ako, yung pagtago niya sa phone ko para matagal ako makauwi at masamahan ko pa siya. Hay!
Kaya eto ako ngayon.. Nag-aantay sa kanya. Ang aga kong pumasok para mas humaba pa ang oras na makasama ko siya. Last day na namin as a highschool student ngayon eh. Nakakalungkot. Dumating na siya. Ang ngiting inaasahan ko sa tuwing pumapasok siya sa room namin. Pero nang lumipat tingin niya sa akin, biglang nawala ang ngiti niya. Napalitan ng lungkot. Nakayuko siyang lumapit sa upuan niya. Napakalungkot. Nilapitan ko siya. Something is wrong, and I know it's not about today as our last day in highschool. I think it's something else. Unti-unti akong lumapit. Umupo sa upuan sa harap niya. Tinignan ko siya pero hindi ko makita mukha niya sa kakayuko. "Ano'ng problema?" I asked her.. Tinaas niya ulo niya at nagulat ako sa nakita ko.. Ang mga mata niya... Ang mata niyang may luhang tumutulo...
Her...
I'll miss him.
Ang paggulo ko sa buhok niya para may rason ako upang maramdaman ito. Ang pagkiliti ko sa kanya nang pabigla upang makita ang napaka cute niyang reaksyon at pagkukunwari niyang galit. Ang pagtago ko sa phone niya tuwing uwian upang mas matagal ko pa siyang makasama. Bakit kasi ang aga niyang umuwi? Ang pagbibigay niya sa akin ng chocolates tuwing valentines kahit pinagkakamalan kaming mag-on. Ang pagkanta niya sa akin tuwing bday ko. Ang pagsama niya sa akin sa pagiyak tuwing death anniversary ng pet kong hamster. Mami-miss ko siya. Mami-miss ko siya, ang unang lalakeng minahal ko ng ganito. An lalakeng minahal ko ng patago. Mahal ko siya. Dati pa itong nararamdaman ko eh! Ang bait niya kasi sa akin eh sa kabila ng kaprankahan ko. I'll miss him.
Dumating akong masaya sa school. Last day of our last school year. Ngunit nang makita ko siya, naalala ko ulit kung gaano kahirap.. Na aminin sa kanya. Ang totoo kong nararamdaman. This is way too harder than I thought.. Niyukuan ko lang siya, pilit na tinatago ang malungkot kong mukha. Bigla siyang lumapit sa akin. Biglang tumulo ang luha ko. Leche, mamaya pa dapat ito tutulo eh! Sa kabila kasi ng hirap sa pag-amin, there's a possibility na hindi ko siya makikita ng matagal dahil lilipat kami sa france.. Nakakainis! Kung kelan may lakas na akong aminin. Tinitigan niya lang ako. "Ano'ng problema?" he asked. Tinignan ko siya. Nagulat siya sa nakita niyang lungkot sa mukha ko. Nag-aalala na talaga siya. He hold my hand. But I took it away from him. Why the hell am I acting too exagerating?!! I wiped my tears, tumayo at lumabas. Sinundan niya ako kaya dumeretso ako sa girls cr.
I can't do this!! Ang bilis naman tumulo ng luha eh! mamayang uwian pa dapat!
Sandali pa ay lumabas na ako. Dumeretso sa room. Nagsisimula na ang final exam namin. Tinitignan niya ako pero hindi ko pinansin. Hindi ko kaya.
After ng exam, lumabas agad ako. Alam kong susundan niya ako kaya dumeretso ako sa usual spot namin sa ilalim ng isang puno. Kung saan wala masyadong tao. Inabutan niya akong umiiyak na naman. "Uy! ano'ng problema?" nag-aalala siya. Full of sincerity. I looked at his eyes. It's time! I waited long enough to tell him.
"Ken.."
"Ano? ano'ng problema?"
"Matagal ko na itong gustong sabihin sa'yo. Kaya ako umiiyak kasi saka lang ako nilakasan ng loob para sabihin ito nang huli na ang lahat. Kung kelan aalis na ako.."
He's starting to feel different. I can't read his face. I think ito ay yung pagtataka sa mga sinasabi ko.
"What are you talking about, Lusia?"
"Ken."
Eto na.. Sasabihin ko na.
"Mahal kita, Ken! dati pa. Wala akong lakas ng loob para sabihin ito sa'yo dati. I'm sorry, Ken! I'm sorry"
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong inilayo ng mga paa ko sa kanya. Naglakad ako palayo. Still wiping my tears. Hindi na ako nag eexpect na mamahalin niya rin ako. Yun lang, mahal ko siya.. Hanggang doon lang talaga. Pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito. Nakita ko siya.. Hinabol niya ako.
"Ken?"
"Lusia!, I'm sorry din."
"Para saan?"
"Kasi nagpadala ako sa torpe ko. Dahil naging manhid ako para maramdaman yung pagmamahal mo... kasi.."
Huminto siya sandali ngunit ang sumunod na lumabas sa bibig niya ay mas pina iyak pa ako...
"I'm sorry kasi mahal kita. Mahal din kita! I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo"
He suddenly hugged me. I hugged him even tighter. More tears falling from my eyes. Hindi ko na inisip ang mga harang sa aming dalawa. (specifically ang paglipat ko sa france). Ang mahalaga, maipadama ko pa kung gaano ko siya kamahal.. Mahal niya rin ako! mahal namin ang isa't-isa, dati pa.
Huminto siya sa pagyakap sa akin. He looked at my eyes. He suddenly asked me something...
Will you be my beloved gf?
Alam niyo na ang sinagot ko.. :)